"Cyndi! Tanggalin mo ito!" halos marinig na ng kapitbahay ang lakas ng sigaw ko kay Cyndi. Ngunit kahit anong gawin ko at hindi niya ako pinapansin. Nasa loob siya ng banyo at naliligo habang ako ay nakaposas ang mga kamay sa kama, nakatihayang nakahiga at walang suot na damit. Unti-unti kong nararamdaman ang lamig dulot ng aircon kaya mas lalo kong tinawag ang pangalan ni Cyndi. "Bullshit!" napamura ako sa galit. Hindi ko lubos maisip kung bakit pinagtitiyagaan ko pa si Cyndi. Kung tutuusin kaya ko naman siyang hiwalayan pero hindi ko kayang gawin dahil alam kong may isang lalaki ang sasalo sa kanya. "Cyndi! Cyndi!" muling tawag ko. Namumula na ang kamay ko sa pagpipilit kong kumawala pero hindi ko pa rin ako makaalis. Narinig kong bumukas ang banyo at lumabas si Cyndi na walang suot

