NAKASUOT ako ng kuloy at puting wig na hanggang balikat ang haba. May nakalagay na prosthetic sa aking mukha na pang matanda nilagyan ng contactless ang mga mata ko, nakasuot ako ng mamahaling bulaklaking bestida at isang mamahaling bag. "Mukha na ba akong matanda?" tanong ko kay Delio matapos akong mag-disguise. Mayroon kaming mission ni Delio, ngunit hindi ito mission para sa trabaho. Ito ay mission namin para alamin ang totoo sa pagkamatay ng Daddy ko. Ngayong gabi kasi magkakaroon ng pagtitipon ang ibat-ibang sangay ng kapulisan at dumalo si Daddy na nagpalaki sa'kin. "Kinakabahan ako sa plano mo na ito baka mabuking tayo. Alam mo naman na magagaling na mga pulis sila baka tayo ang mahuli hindi sila," bakas sa mukha ni Delio ang kaba habang nakatingin sa'kin. Tulad ko ay naka-disgui

