Dahan-dahan kong sinuklay ang buhok ni Cyndi habang mahimbing siyang natutulog. Katabi namin sa pagtulog si Zoey kaya naman ang anak namin ay nakatagild matulog at ang kanyang mga paa ay nakasandal sa kanyang Mommy. Habang pinagmamasdan ko siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Natatakot akong masayang ang lahat ng pinaghirapan ko sa pamilyang binuo ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito gusto ko ng mahuli silang lahat. Ang mga kalaban namin ay isang sindikato sila ang mga taong walang awa kung pumatay kaya siguradong naghahanap sila ng paraan para patayin si Cyndi. Nang mapagod ako sa ginagawa ko ay hinalikan ko sa labi ang mag-ina ko at pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto namin at Sumakay ako ng kotse ko ngunit bago pa ako makalabas ay hinarang ako ng mga pulis na nagbabantay sa

