MALAKAS na katok sa pinto ng silid namin ang nagpagising sa akin. Kinapa ko ang katabi ko at nakita kong wala si David kaya napilitan ako bumangon. Nakita ko ang anak ko si Zoey na gising at nilalaro ang kanyang kamay habang nagsasalita ng baby talk niya. "Cyndi, buksan mo ang pinto." sigaw ni Mama sa labas ng kuwarto. Tumayo ako para pagbuksan si Mama. "Good morning, Mama." kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Cyndi, lumabas si David." bakas sa mukha ni Mama ang pag-aalala kay David. "Hindi ba't may kasama siyang bodyguard?" tanong ko. Naghired kami ng mga bodyguard para makasiguro kaming may magliligtas kay Daddy at Papa Romano sa tuwing may pupuntahan silang importanteng meeting. Pumasok sa loob ng kuwarto si Mama. "Nagpaalam ba siya sa'yo? Hindi mapapa

