"Cyndi." narinig kong tawag sa pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang kilalanin ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon. Nangtuluyan kong iminulat ang mga mata ko ay isang lalaki ang nakasuot ng puting damit ang nasa harapan ko. Nakangiti siya na tila masaya siyang nakita ako. Saglit akong natigilan upang alalahanin kung sino ang taong nasa harap ko. "Masaya akong makitang nasa harapan ko, anak." "Anak?" Parang may kung anong bagay ang nagpalambot sa aking puso hanggang hindi ko maipaliwanag ang mga luhang bumabagsak sa aking pisngi. "Daddy," Mahina ngunit malinaw kong sinambit iyon sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at pagkatapos ay lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. "Sa wakas muli kitang nayakap anak." "Daddy!" Tumugon ako sa yakap niya. Mariin kong ipinikit ang

