WALANG kasing sakit ang makita ang taong mahal mo na wala ng buhay. Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula sa nangyari. Sarado ang isip at durog na durog ang puso. Walang salita ang makakapagpagaan ng puso ko walang bagay ang magbibigay saya sa'kin at lalong walang milgro na mangyayari dahil wala na si David. Wala na akong taong unang pinagbigyan ko ng sarili. Ang aking mortal enemy at best buddy ang aking pinakakamahal na asawa. Wala na siya. Hinihimas ni Veronica at Dina ang likod ko habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Huling gabi na ito ni David sa bahay at bukas ihahatid namin siya sa kanyang huling hantungan. Parang kailan lang kasama ko siyang nagpapaligo sa anak namin.Tumutulong siya sa pagbake ko ng cake parang kailan lang kayakap at katabi ko lang siya. "Cyndi, kaya mo

