“O? Ang luwang yata ng ngiti mo ngayon?” natanong ko. Paglabas ko ng aking building ay nasa private parking lot ko si Landon. Pero nang makita ako nito ay maluwang ang ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto, o higit pa yata.
“Well, for a starter, this is for you,” mula sa likuran niya ay inilabas niya ang isang bouquet ng pinagsamang pula at puting rosas.
“Late yata ito ngayon?” kunwa’y pansin ko sa kaniya. Isang buwan mahigit na mula nang planuhin ang tungkol sa kasal namin at araw-araw ay pinadadalhan niya ako ng bulaklak. As in araw-araw iyon, walang mintis. Ngayong araw lang wala. Iyon pala ay ngayong hapon niya ibibigay.
“Bakit? Na-miss mo ba ang mga bulaklak ko?” pilyong tanong niya. I just rolled my eyes and walked pass him. Pero mabilis siyang tumakbo para ipagbukas ako ng pintuan ng sasakyan niya.
“Nasaan ang driver mo?” natanong ko. Ngumiti lang siya at hindi sumagot.
“Maaga kong pinagpahinga dahil ide-date ko ang fiancée ko,” simpleng sagot niya nang makasakay na at buhayin ang makina.
“Date? You should have asked me first,” protesta ko. Nasasanay na yata siyang pinangungunahan ako, ah!
“Ayaw mo ba? I just want to give you a nice dinner before I leave the country for a week,” bigla ay lumungkot siya.
“Bakit? Saan ka pupunta?” gulat kong tanong. Bakit parang bigla akong nakaramdam ng lungkot na hindi ko siya makikita ng isang linggo? f**k! This should not be happening. Get a grip of yourself, Lyra! Saway ko sa sarili.
“A business trip. I will be attending the annual world business summit starting Monday,” pagbibigay-alam niya sa akin. Pero ang mga mata niya ay nakatutok sa daan. Napalunok ako kasi bakas ang lungkot sa boses niya.
Well, for the past months, halos gabi-gabi ay nagdi-dinner kami. At kapag hindi ako makakasama ay para siyang nalulungkot, kagaya ngayon. Nag-uumpisa na akong mainis dahil lalo akong naguguluhan sa kaniya.
“Fine. Let’s have dinner. I just couldn’t go home late because we have a visitor later,” sabi ko sa kaniya. Sa wakas ay lumiwanag na ang mukha niya at muli ay ngumiti na siya.
Hindi ko namamalayang napapangiti na rin ako. Pero mabilis ko iyong binura nang lingunin niya ako.
“Thanks. May gusto ka bang pasalubong?” bigla ay tanong niya. Natawa naman ako.
“Just go back safely,” humalukipkip ako at sumandal sa upuan. I closed my eyes because I’m tired. Sobrang nakakapagod pamahalaan ang dalawang kumpanya at aaminin kong nahihirapan na rin ako. Ngunit gayunpaman ay nag-e-enjoy pa rin ako. Maybe it’s because I love what I am doing.
Ang inaasahan ko ay dadalhin niya ako sa isang high-end na restaurant kagaya ng mga nakasanayan namin. Ngunit isang maliit at tila pribadong kainan ito.
May mga kubo kung nasaan ang mga lamesa at may kani-kaniyang gamit sa loob ng bawat kubo. Ilang piraso iyon na nakahilerang parang iyong mga nakikita sa mga beach resorts.
“Ano’ng lugar ito?” tanong ko. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kinuha siyang isang box ng cake mula sa likuran ng sasakyan. Hindi ko iyon napansin kanina dahil natatakpan ng jacket niya.
“Birthday ni lola bukas. Kaya lang wala ako kaya gusto ko na lang i-celebrate ng mas maaga. Sigurado magtatampo kasi siya kapag hindi ako pumunta sa bahay sa kaarawan niya.
Hindi ako nakapagsalita at namilog ang mga mata. Bigla akong nataranta at sobrang kinabahan.
“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi man lang ako nakabili ng regalo para sa kaniya!” sumbat ko. Mabilis na bumangon ang pagkayamot ko na sumasabay pa sa kaba ko.
“Don’t worry about it. I got it covered,” nakangiting sabi niya at iniabot sa akin ang maliit pero medyo pahabang kahon. Kulay itim iyon at may pink na ribbon sa gitna.
“And what’s this?” naiinis ko pa ring tanong.
“That’s a necklace. She will love that! And that will be your gift for her,” dire-diretso niyang tugon. Padarag ko iyong tinanggap mula sa kaniya. Naiinis pa rin ako nang tingalain siya.
“Eh, bakit nandito tayo? Nandito ba siya?” mahina siyang tumawa at tumango.
“She owned this place. This is a very private dining place. Only those who have an advanced reservation could eat here,” paliwanag niya. Muling umawang ang mga labi ko. Iginala ko pa ang mga mata sa paligid.
This place is so simple yet very serene. A perfect place if you want to relax or escape the noise of the city life.
“Huwag mo nang uulitin ito. Kapag mayroon ulit mahalagang okasyon sa pamilya mo, sasabihan mo ako,” asik ko sa kaniya at lumakad na papunta sa entrance.
“Hey, wait for me!” tawag niya sa akin kaya napahinto ako. “Let’s light the candle already as we enter the resto,” sabi niya. Bumuntong-hininga pa ako bago tumango.
Pagpasok namin ay sinenyasan niya ang mga crew. Medyo nagulat naman ako nang bigla silang luminya pagkatapos ay biglang sumayaw.
Happy birthday ang music pero upbeat siya. Ni-remix para maging danceable.
Maya-maya ay lumabas na si Lola Digna sa likod noong nasa counter. Sumaya ang mukha niya nang mapadako ang tingin sa amin ni Landon.
Nagmamadali itong lumapit sa amin nang matapos na iyong masayang birthday song. Sabay-sabay din kaming nag-happy birthday sa kaniya.
“Ang aga naman yata nito, apo?” naluluha sa galak na tanong niya kay Landon.
“Siyempre, lola, dapat ako po ang unang babati sa inyo!” sagot naman nito saka humalik sa pisngi ng lola niya.
“Happy birthday po, lola!” magalang ko namang bati. Lalong lumuwang ang ngiti niya nang tumango.
“Mas sumaya ang birthday ko dahil nandito ka, hija! Ito na ang pinakamasayang birthday ko,” sambit pa niya. Kaya lumapad din ang ngiti ko at parang lumobo ang puso ko.
“Talaga po?” mabilis siyang tumango. “Para po pala sa inyo,” inilahad ko ang maliit na kahong ibinigay ni Landon sa akin kanina.
“Wow! At talagang nag-abala ka pa,” excited niyang saad.
“Iyong iba po, hindi pa dumarating sa bansa,” sabi ko naman. Nanlaki ngunit nangislap ang mga mata niya. Balak ko siyang bilhan ng mas magagandang alahas. Kung iyon ang hilig niya, mag-o-order ako mismo sa Bvlgari at Tiffany.
“Naku, sapat na ito, hija. Napakabait mo namang bata. O, siya, halikayo rito sa opisina ko,” yaya niya sa amin.
Bigla namang tumindig si Landon at humarap sa mga taong naroroon.
“Lahat po ng kumakain ngayon, sagot ko na ang bill ni’yo. Sa mga trabahador naman ni Lola, may pa-bonus ako sa inyo mamaya,” naghiyawan sa tuwa ang lahat ng mga naroroon. Maging ako ay hindi maiwasang humanga kay Landon.
Ito ang bagay na napatunayan ko sa kaniya. He’s cold outside, but very warm on the people he cares about. He’s even sweeter to me most of the times.
“Landon, umamin ka. Ano ang ibig sabihin ng advanced celebration na ito,” kasalukuyan na kaming kumakain nang magtanong ang lola niya. Maging ako ay nakaramdam ng kaunting kaba.
“La, may business trip po kasi ako ng isang linggo at bukas na ng umaga ang flight ko,” may halong lungkot niyang tugon. Hindi naman agad umimik ang matanda at tumitig lang sa kaniya.
“Oh. Kumusta naman ang mommy mo?” tanong niya. Hindi naman masiyadong lumungkot ang matanda sa narinig kanina, pero mas malungkot siya nang magtanong tungkol sa mommy ni Landon.
“She’s fine. At least, she’s getting better now,” hindi nag-aangat ng tinging sagot ni Landon. I could feel the heaviness in his voice. Why?
“Ako ang labis-labis na nahihiya sa mommy mo dahil sa lahat ng sakit ng ulo na ibinibigay ng daddy mo. He’s my son but I couldn’t stop myself from hating him for all his wrongdoings. Kung nabubuhay lang ang lolo mo, siguradong aatakehin din iyon sa puso,” bumubuntong-hiningang pahayag ni Lola Digna.
“Lola, don’t be sad, okay? We are celebrating your birthday! Besides, mom will be cooking ten dishes tomorrow for your birthday. I think she invited our relatives and some of your friends for the celebration,” pagbibigay-alam nito. I know, this is his way to divert the topic. Akala niya siguro ay wala pa akong alam sa mga kalokohan ng daddy niya. Nanlaki naman ang mga mata ng matanda.
“Naku, hindi na niya kailangang mag-abala. Mapapagod lamang siya,” biglang nabahiran ng pag-aalala ang mukha at tinig niya.
“Lola, may mom loves you and considered you as her real mother. Mas malulungkot siya kapag tinanggihan mo ang pa-birthday party niya para sa iyo,” paalala naman ni Landon. Pinapanood ko lang silang dalawa dahil wala naman akong sasabihin.
Sa kabila ng kayamanan at katanyagan ng isang pamilya, mayroon din talagang naitatagong sikreto o problemang hindi alam ng mundo.
Pagkatapos ng hapunan ay nagpaaalam na kami kay Lola. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat niya sa akin.
“Lyra, sana makapunta ka sa birthday ko bukas. Para naman makilala ka na rin ng mga tito, tita at mga pinsan ni Landon. Matagal na rin nilang gustong makilala ng personal ang mapapangasawa nitong apo ko,” imbita niya sa akin. Napangiti naman ako at nagkatinginan pa kami ni Landon.
“Susubukan ko po, Lola. Pero hindi po ako mangangako kasi may fashion show po ako bukas hanggang sa Biyernes. Pero kung makakahabol po ako ay hahabol po ako,” tugon ko naman. Kumislap ang mga mata niya at kita kong naging excited siya.
“Alright, Lola, mauna na po kami. Happy birthday ulit,” sambit pa ni Landon at tumuloy na kami sa sasakyan niya.
Kumaway pa ulit ako habang nakangiti kay Lola Digna habang paalis ang sasakyan.
“Landon, ano pala ang ikinamatay ng lolo mo?” natanong ko nang medyo makalayo na kami sa lugar. Saglit niya akong nilingon at ngumiti nang malungkot.
“He was murdered by his own brother,” napasinghap ako at napamulagat sa narinig.
“What?” hindi makapaniwalang patanong na bulalas ko.
“I will tell you everything after the wedding, okay? Isa iyan sa pinakamasaklap na trahedya ng angkan namin. Actually, gusto ko muna sanang maipakilala sa iyo ang buong Abellama clan bago ang kasal,” sabi niyang halata ang bigat sa tono. Bigla tuloy akong nokonsensiya sa tanong ko kanina. Sana pala ay hindi ko na lang naitanong. Kaya lang, ako kasi kapag na-curious, hindi puwedeng hindi ko agad malaman ang sagot.
“I am sorry. You don’t have to tell me, actually,” sagot ko na lang. Nilingon niya ako at tipid lang akong ngumiti.
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit. I felt so tired. Nagpatuloy lang ang biyahe namin at hindi na rin naman nagsalita si Landon. Pero nagulat ako at mabilis na dumilat nang biglang huminto ang sasakyan.
“What’s wrong?” natanong ko. Hindi sumagot si Landon bagkus ay nakatitig lang siya sa akin.
“Bakit tayo huminto?” tanong ko pa ulit kasi hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin. Hindi sa akin actually, kung hindi sa mga labi ko.
“Lyra, can I kiss you? I want to kiss you again, please…” paos at pabulong niyang pakiusap.
Bahagya namang umawang ang mga labi ko at napalunok ako dahil hindi ko inaasahan iyon.
“Why?” I tried to sound unaffected although my heart was beginning to race faster again. Naririto na naman ang kakaibang feelings na hindi ko maipaliwanag.
“Kailangan ba may dahilan? Isang linggo kitang hindi makikita. I just want to kiss you,” seryoso niyang tugon. Naguguluhan ako kasi hindi naman kasali sa usapan namin ang pagiging sweet niya. Pero habang tumatagal ay lalo siyang nagiging malambing at naghahatid naman iyon ng kalituhan sa akin. We’re supposed to be just civil with each other, but Landon was going way too far.
“Don’t pretend that you really like me. Alam mong kaya lang tayo magpapakasal dahil may kailangan tayo sa isa’t isa. You need my money and I need you to escape my engagement with Densel. So–” napahinto akong magsalita nang bigla siyang bumuntong-hininga. Malalim at halatang may lungkot.
“At anong plano mo sa kasal na ito? Titira tayo sa iisang bahay, magkasama tayo araw-araw at ine-expect mong kakayanin kong hindi ka hawakan, halikan o higit pa roon?” tila may pagtatampo niyang tanong. Ano bang problema niya?
“Well, we can pretend to be sweet in front of everyone. Pero kapag tayong dalawa na lang, puwede namang civil lang tayo sa isa’t isa,” sagot ko. Pero muli akong napalunok nang alisin niya ang seatbelt niya at mas lumapit sa akin.
“Lalaki ako, Lyra. Mahirap para sa akin ang makasama ka ng ganito kalapit nang hindi maaakit sa iyo. You are very, very pretty and have a body to die for. I am one lucky man to have you. You’re just perfect for me,” mahina niyang sambit at hinaplos pa ang pisngi ko. Magkahinang lang ang mga mata namin at para akong nahihipnotismo sa mga titig niyang iyon.
“Katulad ka rin ng iba. You just like me because I’m beautiful, sexy and very rich,” hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko. Did I sound bitter or something?
Bigla namang nagbago ang awra niya at mababanaag ang galit sa mukha niya.
“Don’t tell me what to feel about you. I never looked at you as someone I could benefit for. Kung kasal ang kapalit ng tulong mo, itatrato ko pa rin ang kasal natin na isang sagradong bagay. Because I hated my father so much for destroying their marriage for a mistress and vices,” tiim ang mukhang pahayag niya. Para naman akong sinampal ng katotohanan sa sinabi niya.
Well, for me, this wedding is purely business and for mutual benefits. Hindi ko naman akalaing sobrang seryoso niya. Saka babaero rin siya sabi ng marami, kaya bakit siya umaakto ngayong maginoo? Parang hindi bagay sa kaniya.
“Ano ba talagang gusto mong sabihin, Landon?” dumiretso ako ng upo at ginawang pormal ang boses at tono ko.
“Simple. Let’s give this marriage a chance. Kung kailangan kitang ligawan para magustuhan mo rin ako, gagawin ko. Kahit ano’ng gusto mo, basta kaya ko, ibibigay ko. Just give me the chance to make you happy. I am just asking for a chance, Lyra. A chance!” madamdamin ngunit may diin niyang tugon. Nagimbal ako sa mga sinabi niya.
Was he actually proposing for me to take our relationship in a more serious level? Nagpapatawa ba siya? No! Ako ang masusunod sa lahat ng bagay, kaya hindi niya ako puwedeng pasunurin sa gusto niya. Hindi ka niya inuutusan, Lyra, nakikiusap siya. Sigaw ng maliit na bahagi ng utak ko. I bit my lower lip.