As planned, we went to France, and Italy to shop for all the things we needed for the wedding. Sinadya kong hindi magdala ng assistant o mga bodyguards. Pati driver ko ay naiwan kaya siya lang talaga ang tumayong assistant, bodyguard at driver ko.
“Let’s eat. I bet you’re hungry,” maya-maya ay yaya niya sa akin. Sinilip ko ang pambisig na relo at past 1:00 PM na pala. Hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom basta nagsha-shopping.
“Ano’ng gusto mong kainin?” tanong ko. Pero kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi. Seryoso iyong tanong ko pero iyong mukha niya, parang nakakaloko. “May problema ba?” dagdag kong tanong dahil naiirita ako sa hilatsa ng mukha niya.
“Nothing. I’m sorry. Ang ganda-ganda mo kasi kaya kung ano-anong pumapasok sa isip ko,” nakangiting sagot pa niya kaya nakaramdam ako lalo ng inis.
“Ano namang kinalaman ng kagandahan ko sa pagngisi mo dahil sa tanong ko na kung anong gusto mong kainin?” napipikon kong tanong. Dahil ramdam niyang hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya ay nabura ang ngiti niya at sumeryoso ang mukha.
“I’m sorry. Napaka-high class mo pala talaga kaya hindi bagay sa iyo ang mga green jokes,” sabi niya. Patagilid ko siyang tiningnan dahil lalo akong nalito sa sinabi niya.
“Green jokes? I did not remember you saying any jokes. Pinaglalaruan mo ba ako?” gigil ko na tanong. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong may isang bagay akong hindi naiintindihan sa usapan. Ayaw na ayaw kong nagmumukhang tanga sa isang conversation. My real friends are always calling me bossy and too smart for my own good. Pero wala akong pakialam. I always like the character of Hermione Granger in the Harry Potter book. Gusto ko, lagi akong advance sa lahat ng bagay. That’s why I graduated on top of my class from primary to master’s degree.
“Well, pasensiya na mahal kong reyna. Nasanay kasi ako na kapag tinatanong kung ano’ng gusto kong kainin, isang masayang bagay ang pumapasok sa isip ko. Huwag kang mag-alala, kapag kasal na tayo malalaman mo rin ang ibig kong sabihin,” mahinahong paliwanag niya pero iyong inis ko kanina ay nauwi na sa galit. Binitiwan ko ang lahat ng paper bags na hawak ko. Ako na ang humawak ng iba dahil masiyado na siyang maraming dala. Pero dahil nabubuwisit ako sa kaniya ngayon, siya ang magbibitbit nitong lahat kahit gumapang pa siya papunta sa kotse.
“Carry all these, you asshole!” galit kong angil sa kaniya at tinalikuran na siya. Nagmartsa na ako paalis para pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan namin.
Tinanong ko lang siya kung anong gusto niyang kainin, kung ano-ano pang sinasabi. Damn him! What a lame and bastard man! f**k his green jokes. Whatever that hell is!
Nang tumapat na sa harap ko ang sasakyan ay hinintay kong makababa ang valet para ipagbukas ako ng pintuan ng kotse. Lumingon ako para tingnan kung nasaan na si Landon at napangiti ako nang makitang hirap na hirap siya sa lahat ng bitbit niya.
“Buti nga!” bulong ko sa sarili bago sumakay ng kotse.
Hinintay ko siyang mailagay lahat sa compartment ang pinamili namin bago siya nagtungo sa driver’s seat. Pero nagtaka ako dahil halos isang minuto na siya sa harap ng manibela ay hindi naman niya binubuhay ang makina.
“O? May problema ba?” mataray kong tanong.
“Look, Lyra. I am really sorry if I upset you. Hindi ko na uulitin iyon. Please, huwag ka nang magalit sa akin,” nilingon niya ako at malambing na humingi ng tawad. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Base sa itsura niya ay hindi naman siya mukhang nagsisinungaling. Kaya bumuntong-hininga ako at saka tumango.
“Fine. Call me boring, pero hindi ako masiyadong mahilig makipagbiruan. Mas gusto ko na sasabihin mo na lang sa akin agad ang ibig mong sabihin. I really hate guessing. Hindi ako natutuwa kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko o kaya ay may bagay akong hindi naiintindihan.
“Alright. Saan tayo?” tanong niya pagkatapos akong tanguan sa sinabi ko.
Sa isang Mexican resto kami nagpunta. Nakakatuwa lang dahil mukhang hindi naman bago kay Landon ang mga pagkaing ino-offer sa restaurant na ito.
“May napili ka na?” tanong niya sa akin. tumango ako.
“I like Discada, Tacos, Burritos and pork stew,” sabi ko sa crew at agad naman niya itong pinindot sa hawak niyang gadget.
“Please give us also Enchiladas, Pescado Zarandeado and Camarones a la Diabla,” dagdag naman niya. tumatango-tango ang crew habang pina-punch iyong orders.
“How about your drinks and dessert, ma’am?” magalang niyang tanong.
“What’s your popular dessert here?” balik-tanong ko naman. Wala kasi akong maisip.
“Our best sellers are the Churros, Leche flan and Margarita Cheesecake Mousse. But we have ten other desserts available,” nagkatinginan kami ni Landon nang marinig ang sagot ng crew.
“We will have all those three,” nakangiting sabi ko.
“Single or double orders each, Ma’am?” tanong pa niya ulit.
“Single order each. It’s just a dessert by the way,” tugon ko. Isa-isa niyang inulit ang lahat ng orders namin bago magalang na nagpaalam. May pumapailanlang na sweet music sa buong paligid kaya lalong naging homely and romantic ang vibes ng lugar.
“Ano nga pala ang paborito mong pagkain, Lyra?” naagaw ang pansin ko mula sa pagmamasid sa kapaligiran dahil sa tanong niyang iyon. Pero ngumiti ako at sumagot. Magiging mag-asawa na kami soon kaya hindi naman siguro masamang sabihin ko sa kaniya.
“Well, I love pasta and seafoods. Actually, hindi naman ako maarte sa pagkain. Metikuloso lang talaga ako sa preparation at presentation ng pagkain na ihahain sa harap ko. Kapag hindi ko type iyong ayos or feeling ko hindi malinis iyong pagkakagawa nawawalan agad ako ng gana,” pagtatapat ko. Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita ako. Tumatango-tango rin siya.
“So, hindi ka pala puwedeng dalhin sa lugar na may street foods,” komento niya at natawa ako. Medyo guilty ako sa part na iyon.
“Depende rin. Mayroon din namang mga street foods na kitang-kita mo kung paano inihahanda at iniluluto. Kaya lang sa China, Japan at Korea pa lang ako naka-try ng street foods. Sa Pilipinas, medyo hindi ko pa kaya. Maybe that is one of my bad qualities. Maarte, malala,” pag-amin ko. Inaasahan kong tatawanan niya ako o kaya ay ima-mock pero wala akong nakitang gano’n.
“I’m glad to know that. Huwag kang mag-alala magaling akong magluto. Ipagluluto kita kung papayag ka,” masiglang sabi niya sa akin pero umiling ako agad.
“I appreciate that you can cook. But my husband is a businessman and not a cook. Magha-hire tayo ng chef at mga katulong kaya hindi mo na kailangang gawin iyon,” dumiretso siya ng upo dahil sa sinabi ko. Bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Pero sana, payagan mo pa rin akong gawin iyon kahit paminsan-minsan,” hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Bakit ba habang tumatagal parang sobra siyang nagiging sweet sa akin? Marriage for convenience lang naman ito. Kaya hindi namin kailangang umakto na parang totoong mag-asawa. This is purely business at para lang din makatakas ako kay Densel.
“Alright. Basta lagi mo lang tatandaan, ayaw ko na pinangungunahan ako o kaya sinasabihan ako kung ano ang gagawin ko. I always do things my way and that’s why I hate people who would try to order me around,” sagot ko. Hindi siya nakapagsalita agad dahil dumating na ang mga orders namin. Pagkababa ng lahat ng mga pagkain ay doon ko pa lang naramdaman ang labis na pagkagutom.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang kunin ni Landon ang pansin ko.
“Why?” nagtatakang tanong ko.
“Lyra, I know this is a bit late. Pero gusto ko pa ring gawin ito in a traditional way,” seryosong saad niya kaya binitiwan ko ang mga kubyertos na hawak ko.
May inilabas siyang isang royal blue na kaheta at dahan-dahan iyong binuksan sa harap ko.
“Lyra Celestine Gomez, will you do me a great favor of marrying me?” napalunok ako at hindi ko maintindihan kung bakit mayroon na naman iyong mumunting damdamin na binubuhay ni Landon sa puso ko. Mula noong gabing namanhikan silang buong pamilya ay naramdaman ko na ito. Iyong pakiramdam na biglang bumibilis ang t***k ng puso ko at para akong kinakabahan na parang hindi. It’s really a strange feeling for me so I do not know how to react properly.
“It was I who asked you to marry me, and not the other way around,” kunwa’y pagbabalewala ko sa ginagawa niya ngayon. Ewan ko kung nagkamali lang ako pero parang nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Hindi ako sigurado pero observant akong tao kaya madalas ay hindi nakaliligtas sa akin ang mga ekspresyon at galawan ng mga taong nasa harap ko o nasa paligid ko.
“Puwede bang magkunwari na ako iyong nagtanong? Maybe I was flustered before, but I really want to marry you now. Puwede bang tanggapin mo na lang ang proposal ko? Payagan mo rin akong gawin kahit ang ganitong maliliit na bagay para sa iyo,” natulala ako sa sinabi niya. Ano bang ginagawa niya? Pero nakatango na ako bago ko pa ma-realize na napapayag na niya ako.
“Sige. Wala rin namang magbabago kung sakali,” sabi ko at inilahad sa harap niya ang kaliwang kamay ko.
“Hindi mo pa sinasabi kung yes or no,” natatawang banggit niya kaya pati ako ay natawa na rin. Gosh! Siya lang ang lalaking kaya akong patawanin ng totoo.
“Yes, Landon Brent Abellama. I want to be married to you,” sinakyan ko na lang ang kalokohan niya. Lumuwang ang ngiti niya at bahagya pa akong napakislot nang hawakan niya ang kamay ko. His hands are warm and there was a weird sensation that ran through my veins because of that simple touch.
Isinuot niya ang singsing sa daliri ko pagkatapos ay hinalikan ang kamay ko. Banayad pa niyang pinisil ang kamay ko na hawak niya bago niya iyon binitiwan. I lifted my hand to the air and stared at the diamond ring. I believe it’s 20-30 carat. Not bad for someone struggling financially now. I will make sure to give him a more expensive gift soon.
Nalilito ako dahil kakaiba iyong pakiramdam ko. Para bang may mga kulisap sa tiyan ko at may kakaiba akong nararamdaman talaga.
Halos isang linggo kaming nanatili sa ibang bansa para sa pamimili. Kaya sa mga sumunod na araw ay naging busy kami pareho. Pero gayunpaman, araw-araw akong sinusundo at inihahatid ni Landon. Madalas na rin kaming nagdi-dinner na dalawa kaya mukha na talaga kaming mag-boyfriend. By the way we’re engaged, kaya wala namang masama sa ginagawa namin.
Natutuwa lang din ako na hanggang ngayon ay hindi pa nakaaamoy ang media. Takot lang nilang kalabanin ako dahil siguradong hindi sila tatagal sa trabaho nila.
“Ano ito?” nakangiting tanong sa akin ni Landon ng iabot ko sa kaniya ang isang maliit na kahon.
“You gave me a diamond ring as an engagement gift. Iyan naman ang regalo ko sa iyo,” nakangiting sagot ko bago sumubo ng steak at uminom ng wine.
Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga mata nang makita ang laman.
“A Patek Philipp watch?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Masaya akong tumango at very proud sa sarili.
“Yeah! Do you like it? Ang hirap ng pinagdaanan ko sa auction para lang makuha iyan. May singsing din sa loob. Actually, couple ring. Suot ko na iyong sa akin,” itinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kaniya ang kakambal ng singsing na ibinigay ko sa kaniya.
“Lyra, alam ko kung ano’ng klaseng brand ng relo ito. You can buy 3-5 Rolex watch with this,” halos lumuwa na ang mga mata niya at halos ayaw hawakan ang relong ibinigay ko.
“Exactly. That watch costs me ten million dollars,” lalong umawang ang mga labi niya at lumapad naman ang ngiti ko. “Don’t tell me, naapakan na naman ang ego mo dahil diyan? Masanay ka na. This is Lyra Celestine Gomez you are about to marry. And I really live lavishly,” buong pagmamalaking saad ko. Ngayon pa lang ay dapat makilala na niya ako nang husto. Wala rin naman akong balak na magkunwari pa sa harap niya.
Palagi akong totoo sa sarili ko at sa mga ginagawa ko. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa akin. I always do what I want and get everything my way. I rule at everything and that includes this future husband in front of me.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita.
“Thank you so much, Lyra. But you don’t have to do th–”
“I told you. I hate people when they tell me what I should or should not do. Kaya huwag na huwag mong gagawin iyon. Just let me do what I want as long as it is not against the law,” putol ko sa kaniya. Gimbal siyang napatingin sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Kumain na tayo. At isuot mo iyan bukas kapag ipinakilala mo na ako bilang isa sa mga major shareholders ng TechGas,” utos ko. Saglit pa niya akong tinitigan bago muling nagpakawala ng hangin at tumango.
Pero nagbago ang isip ko at tumayo para lumapit sa kaniya. At marahang kinuha ang relo mula sa box.
“I will put it on you,” excited kong saad. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay excited akong isuot ito sa kaniya. Kinalas ko ang pagkaka-lock niyon at isinuot sa pulsuhan niya. Nang matapos ay napangiti ako. I felt so satisfied and proud of myself.
Nagulat ako nang biglang dumako sa likod ng ulo ko ang isang kamay niya at saka niya ako hinalikan sa noo.
“I should be the one spoiling you. Not the other way around,” sabi pa niya, pero mabilis akong umiling.
“Hindi na kailangan. Masiyado na akong na-spoil mula pagkabata. Literally! Lahat ng klase ng bagay na mabibili ng pera o magagawa ng isang tao dahil sa dami ng pera niya ay naranasan ko na. Remember, I am an only child. Parehong nagmula sa mayayamang angkan ang mga magulang ko. Kaya mas magkakasundo tayo if you just be yourself and let me be myself as well,” lalong nadagdagan ang kaseryosohan sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Pagkatapos ay mabining humaplos ang isang palad niya sa pisngi ko kaya mahina akong suminghap.
“I just want to make you happy. Paano ko nga ba mapapasaya ang isang Lyra Celestine Gomez?” hindi ko maintindihan ang emosyong lumulukob sa mukha niya. Lalo na sa mga mata niya na parang laging may gustong ipakahulugan.
Ngunit hindi ako nakaimik sa tanong niya. Palagi kong pinaniniwala ang sarili na masaya ako dahil nakukuha ko ang lahat ng bagay na gusto ko. I am super rich, very successful career woman, an heiress and now I also got a future husband. Kontrolado ko ang lahat, pero masaya nga ba talaga ako? Ang totoong kahulugan ba ng kaligayahan ay iyong nakukuha mo ang lahat ng gusto mo? Hindi ko rin alam ang sagot.
“Kumain na tayo. Masiyado kang seryoso sa buhay,” I dismissed the topic because I cringed about it. I saw him heaved a deep sigh, but I ignored it and went back to my seat.
Dumating ang araw kung saan ay ipakikilala na ako ni Landon sa mga executives at board of directors ng kumpanya niya. Alam kong mayayanig ang buong business world kapag nalaman nilang pumayag akong tulungan ang kumpanya nina Landon. But I would love that much attention. Gaining recognition from the oil industry will add glitter to my crown.
“Lyra, are you really sure about this? Puwede pa tayong umatras. Isa pa, you can always have your own oil company without merging with TechGas,” paalala sa akin ni Jonas nang lingunin niya ako. Nakaupo siya sa tabi ng driver ko. Naririto ako sa likod at nasa tabi ko lang din ang secretary kong si Mona.
“I am very sure, Jonas. Sooner or later malalaman mo rin ang dahilan kung bakit sa TechGas ko mas gustong mag-invest,” muli ay marahas siyang nagbuga ng hangin. Actually, medyo naiirita na ako dahil nakukulitan ako sa kaniya. Pinakaayaw ko ay iyong pinakikialaman ang desisyon ko. Pero sa totoo lang, alam kong nagseselos lang si Jonas kay Landon. Pero sorry siya, Landon will soon be my husband, and no one could stop that.
“Or maybe you are just smitten by the new CEO, just like other women?” may halong sarkasmo na ang pahayag niya kaya tumaas ang kilay ko. I get it, he’s jealous. But he doesn’t have the right to put a tantrum in front of me.
“So what? I like beautiful things, by the way. And Landon Abellama is like a beautiful and expensive item waiting for me to own him,” ramdam kong maging ang katabi ko ay na-tense sa sinabi ko. Namilog naman ang mga mata ni Jonas at hindi makapaniwalang tinitigan ako.
“What are you saying?” pabulong niyang tanong. He sounded so frustrated and hurt. Today is a wonderful day for me and I won’t allow him to just ruin.
“Stop it, Jonas. I don’t need your opinion about Landon. We’re here for business. Nothing less, nothing more,” pinal kong saad. Eksakto namang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng entrance ng TechGas tower. I like this building because the design was unique.
Nakalinya sa labas ang mga tauhan at mga pinakamahahalagang tao sa kumpanya nina Landon. They’re waiting for me. Magkatabi sa harap ng mga executives sina Landon at ang daddy niya. Lahat sila ay nakasuot ng amerikana habang iyong iba ay naka-tuxedo. Napangiti ako nang makita ang guwapong mukha ni Landon. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babae ang nababaliw sa kaniya. He really is very handsome, tall and of course, rich. Mas mayaman nga lang ako.
“Ma’am, let’s go?” tawag-pansin sa akin ng sekretarya ko. Ni hindi ko namalayan na nakababa na pala siya at nakabukas na ang pintuan ng sasakyan para sa akin. Nakalinya na rin ang mga bodyguards ko paharap kina Landon, habang ang iba ay nasa tabi ng kotse ko. I have twelve to fifteen bodyguards whenever I have an important meetings or occasions to attend to.
Umusog ako para bumaba pero naroroon na agad si Landon para alalayan ako. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. I wanted to kiss him when I smelled his scent, but I stopped myself. Mamaya na lang ang announcement kung sakali.
“You’re very pretty today,” bulong sa akin ni Landon na bahagyang nagpataas ng kilay ko. Tiningala ko siya at sumalubong sa akin ang nagniningning niyang mga mata.
“Dati na akong maganda, at talagang araw-araw akong maganda hindi lang ngayon,” sambit ko. Mahina siyang tumawa habang tumatango.
“That’s true,” sang-ayon naman niya at iginiya na ako papalapit sa mga kasama niya.
“Good morning, Miss Gomez. Welcome to TechGas tower!” bati agad sa akin ng daddy ni Landon. Tumango at ngumiti ako sa kaniya kaya sunod-sunod na ring bumati pa sa akin iyong iba.
“Hi, everyone. Let’s head inside?” sabi ko. I hate so much blabbering and pleasantries. Mas gusto ko iyong laging direct to the point.
“Of course, hija! Let’s go, at sa loob na natin pag-usapan ang lahat,” sabi naman ng daddy ni Landon. Lagi akong formal sa kaniya dahil hindi ko kursunada ang ugali niya. Kung akala niya, wala akong alam sa sikreto niya, puwes nagkakamali siya!
Dumiretso kaming lahat sa conference room at hanggang doon ay nakaalalay lang sa akin si Landon kaya hindi makatabi sa akin si Jonas. Nasa pagitan kasi ako ng mag-ama kaya nakasunod na lang sila ni Mona sa likuran namin.
Ipapakilala na sana ako ni Landon sa lahat pero pinigilan ko siya. Kahit ang mga naririto ay nagulat din sa ginawa ko.
“I would like to see the company’s standing first,” diretsahang sabi ko. Nagkatitigan kami ni Landon pero tumango rin siyang sa huli.
“Alright. Philip, you may now start,” utos ni Landon doon sa lalaking nakatayo sa podium. Kasunod niyon ay ang pag-flash sa screen ng mga graphs at figures.
“Ang profit ng kumpanya ay bumaba sa 13.1% sa loob lang ng anim na buwan,” tila hirap na pahayag noong nagsasalita nang dumako siya sa bandang iyon ng presentation. Nanatili akong nakatingin sa screen, nakahalukipkip at nakadekwatro sa kinauupuan ko. Alam kong panaka-naka akong nililingon ng lahat pero nakatutok lang ang pansin ko sa malaking screen.
“Masiyado na iyang mataas. Kapag nagpatuloy pa iyan ay siguradong babagsak na ang kumpanya!” biglang komento ng isang matanda. Kaedaran lang iyon ng daddy ni Landon. Nang sulyapan ko si Landon ay tumiim ang mukha niya. It’s obvious that he doesn’t like the man who just spoke.
“Huwag kayong mag-alala, unti-unti naman na tayong nakakabawi dahil sa mga strategies ni Landon,” pagtatanggol naman ng daddy niya sa kaniya. Ilang inis na tunog ang narinig ko kaya napabuntong-hininga ako. Napansin ko rin ang nag-uuyam na tingin ni Jonas kay Landon.
“Ngunit hindi pa rin sapat iyon. Kulang pa rin ang kaalaman ni Landon para patakbuhin ang ganito kalaking kumpanya. Ang solusyon ay palitan ang CEO ng mas may karanasan at sapat na kakayahan,” tahasang pahayag nang nagsalita kanina. Nagtagis ang ngipin ko at kumuyom ang mga kamao ko. Who gave him the audacity to insult my fiancé in front of me?
“What is your name?” nagulat sila nang bigla akong magsalita. Ang galit na mukha noong matandang nagsasalita kanina ay napalitan ng ngiti nang tumingin sa akin. Pero hindi ko ibinalik ang ngiti niya at nanatiling pormal ang mukha ko.
“Miss Gomez, I am Frank Baloran, the vice president of this company and I own fifteen percent of the shares,” buong pagmamalaking saad niya. Fifteen percent lang pala, kung makapagsalita akala mo kung sino.
“At para sa iyo, sino sa akala mo ang puwedeng pumalit na CEO kay Mr. Abellama?” nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid dahil sa tanong ko. Tumayo naman ng tuwid si Mr. Baloran at tila proud na ngumiti sa akin.
“We can have a vote from everyone because I know, other directors here know better who is most qualified,” sabi niya. Dirty tactics. Sigaw agad ng utak ko. I’m sure nakausap na niya ang ilang naririto at kaya malakas ang loob niya ay dahil alam niyang makakakuha siya ng botong mas mataas sa 50%.
“Really?” gusto kong matawa. Bumaling ako kay Landon. “Mr. Abellama, how much is my share in this company again?” narinig ko ang singhap ng ilan sa tanong kong iyon.
“You already have a share here, Miss Gomez? I thought you will just be one of our investors. Will you be part of the board also?” gulat na tanong ni Mr. Baloran. Pero hindi ko siya sinagot dahil hinihintay ko pa ang sagot ni Landon.
“You own 25% now. Dad and I have 40% and the rest of the shares are owned by the other board of directors,” pagbibigay-alam niya.
“25%? Paano nangyari iyon?” nanggagalaiting tanong ni Mr. Baloran.
“Bakit mukhang galit ka? Kanina lang very confident ka na ikaw ang pipiliin ng lahat na bagong CEO. Bakit ngayon biglang mukha kang natakot?” pang-uuyam ko sa kaniya. Hindi siya agad nakapagsalita at nahihiyang tumingin sa iba. Kita ko naman ang lihim na pagngiti ng daddy ni Landon. Walang puwedeng umapi sa fiancé ko na hindi magbabayad ng mahal.
“Para sa kaalaman ng lahat, ilan sa mga naririto ay nawalan na ng tiwala sa pamamalakad ng dating chairman sa TechGas kaya ibinenta nila ang shares nila sa akin. And because of that, I acquired 25.4% to be exact. May problema ba tayo roon?” taas noong tanong ko. Tila nanghihinang naupo si Mr. Baloran at bahagya pa ngang pinagpawisan. Bakas ang kaba sa mukha niya at gusto ko siyang tawanan. Ang yabang-yabang kanina, ngayon biglang bahag naman ang buntot niya.
“I know I still have a lot to learn from managing our company. But I promise to do my best and to boost those needed numbers under my service,” seryosong pahayag ni Landon kaya napangiti ako. Nilingon ko si Mr. Baloran at mukha itong galit. I will do something about him. Ang katulad niyang makasarili ay isang tinik sa paglago ng isang kumpanya.
Mapapangasawa ko na si Landon kaya hindi siya puwedeng aapi-apihin ng kahit sino. Ang kahit sino pa mang magtangkang siraan siya o gawan ng bagay na ikababagsak niya ay siguradong aani ng galit ko.
“At ngayong araw, gusto kong ipakilala sa inyo ang isa sa bagong major shareholder ng TechGas. Hindi na kailangan ng mahabang pagpapakilala sa kaniya dahil alam kong kilala na natin siyang lahat. Let’s all welcome, Miss Lyra Celestine Gomez!” anunsyo ni Landon. Tumayo ako at yumukod sa lahat. Tumayo rin naman sila at pumalakpak.
“Thank you so much everyone for your warm welcome. I am fully aware of the crisis that this company is facing right now. At ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyong lahat na hindi ko papayagang bumagsak nang tuluyan ang kumpanyang ito,” lalong lumakas ang palakpakan nila at masaya silang ngumiti dahil sa sinabi ko.
Umupo nang muli ang lahat at ipinagpatuloy pa ni Philip ang natitirang bahagi ng presentation niya. Pagkatapos niyon ay ipinagbigay-alam niya sa amin na magkakaroon ng press conference mamayang hapon.
“Kailangan pa ba talaga ng presscon?” natanong ko noong nasa others na iyong bahagi ng meeting.
“Kung hindi ka kumportable ay puwede namang hindi ituloy. Kailangan na rin kasing sagutin ang mga isyung ibinabato sa Tech Gas. Masiyado na ring sinasamantala iyon ng mga kalaban,” paliwanag naman ni Landon. Sabagay, mas mabu-boost pa ang standing nila kapag nalaman ng lahat na bahagi na ako ng Tech Gas.
“Alright. As long as they won’t be asking irrelevant and annoying questions, then I’ll be good at it,” pagpayag ko. Nakahinga naman sila ng maluwag at maayos nang tinapos ang pagpupulong na iyon.
“Next week na ang anniversary party ng TechGas. Gusto mo bang i-announce na rin doon ang kasal natin?” malambing niyang tanong noong pumunta kami sa opisina niya.
Pero pinasok ng kalokohan ang utak ko kaya tumayo ako at pumunta sa kinauupuan niya. Nagulat siya at napaawang ang mga labi nang maupo ako sa kandungan niya.
“Lyra…” paos ang boses na usal niya. Napangiti ako nang maramdaman ang pagkabuhay ng alaga niya. Kaya humarap ako sa kaniya at sinadyang isentro ang p********e kong natatakpan lang ng manipis na tela. Namula ang mukha niya at kitang-kita ko kung paanong umigting ang panga niya.
“Kiss me,” utos ko sa kaniya. Walang pagdadalawang-isip na ikinulong niya ang mukha ko sa pamamagitan ng malalaking palad niya at hinalikan ako sa mga labi. I responded fully to his kisses. Obviously, expert na siya sa ganito. He is not my first kiss, but he will definitely soon be my first time in bed. Yes. I am still a virgin. Kahit marami na ang halos magpakamatay para lang maikama ako ay walang nagtagumpay ni isa man sa mga ito. I value so much my self-worth and I didn’t find those guys worthy enough of my purity.
“Damn… ang sarap mong halikan, Lyra,” gigil niyang saad at muling inangkin ang mga labi ko kaya napangiti ako. Of course, I am!
“Oh f**k!” napahiwalay siya sa halikan namin nang bigla akong gumalaw sa ibabaw niya at masagi ang ngayon ay matigas na niyang kahandaan.
“You are torturing me,” hirap niyang saad. Malalim ang mga paghinga niya at alam ko kung ano’ng kailangan niya.
“Why? Do you want to take me now?” mapaglarong tanong ko. Agad siyang tumango na punong-puno nang pagsusumamo. Lalo tuloy lumuwang ang ngiti ko.
“Eh, paano iyan? Make out lang ang gusto ko,” saka ko sinadyang ikiskis ang gitna ko sa umbok niya. Malakas siyang umungol dahil doon at niyakap ang baywang ko para lalo akong madikit sa kaniya. Ramdam ko rin ang kiliting dulot sa akin nang pagsagi ng bukol niya sa p********e ko. Ramdam ko ang pagkabasa ko at kita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata niya. He was begging me hard and I only smiled wider.
“Not yet, dear. Not yet!” nanlaki ang mga mata niya nang bigla akong umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya.