“I am very, very sorry for not being prepared tonight. Hindi sinabi ng anak ko na ngayon pala kayo pupunta rito,” kanina pa paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin ni mommy at naiirita na ako. Lagot talaga sa akin ang Landon na ito. Sinong nagbigay sa kaniya ng karapatang ilagay ako sa alanganing gaya nito. Oo, sinabi kong magpapakasal kami pero hindi ibig sabihin no’n na sangkot na agad ang buong pamilya niya.
Napatingin ang lahat sa akin at gayon din kay Landon. “You don’t have to say sorry, ma’am. Hindi rin naman alam ng Babe ko na dadalhin ko ang pamilya ko ngayon,” salo agad ni Landon. Kinikilig naman na ngumiti ang lola niya, habang ang mga magulang niya ay makahulugan din ang mga ngiti.
“Oh, my gosh. Kids these days do things on their way. I hope we didn’t put you in a tight spot. May kasalanan din pala ang anak ko,” marahang paunmanhin ni Tita Elsa, ang mommy ni Landon.
By the way, this is Darion Abellama my father, and this is Elsa Meryl Abellama my mom. The beautiful woman beside her si my Lola Digna. This is Leongrey my brother and Lucille Reign my youngest sister,” isa-isang pakilala ni Landon sa pamilya niya. ngumiti ako sa kanila isa-isa. Lalo na kay Lucille. She’s really pretty. Siguro ay nasa high school pa lang ito.
“Ikinagagalak ko po kayong makilalang lahat,” magalang kong saad. Maging sina mommy at daddy ay isa-isa rin silang binati.
“My dad is Finnegan Scott Gomez, and my mom is Natasha Gomez. Wala po akong kapatid,” pakilala ko naman sa mga magulang ko. Muli ay nagpalitan ng ilang pagbati ang dalawang panig.
“Finnegan. I will just call you Fin. Are you a mix race? Well, halata naman sa mga features mo, lalo na sa mata,” tanong ni Tito Darion kay daddy.
“Yeah. I am half Irish and half American. I learned to speak tagalog through my wife,” sagot ni daddy.
“Oh. Wala ka palang dugong Pinoy. Pero Maganda na ang accent mo, ah,” papuri naman ni Tito Darion. Tipid namang ngumiti si daddy at nagpasalamat.
“Well, I was worried. But now, that both our families seemed to be in good terms, maybe we could start the dinner?” pahayag naman ni mommy. Tumango lang si daddy at sumang-ayon naman ang daddy ni Landon na si Tito Darion.
“Lyra, ang ganda-ganda mo, hija. Hindi na ako nagtataka kung bakit nahumaling nang husto sa iyo ang apo ko,” mabuti na lang at napigilan ko ang pagtaas ng kilay ko nang biglang magsalita si Lola Digna. Mahina namang tumikhim si daddy. Base sa tahimik niyang awra ay alam kong ayaw niya kay Landon. Ipinipilit niya kasi sa akin si Densel dahil kaibigan niya ang daddy nito. But I don’t like a chauvinistic pig like that. Besides, I will always be the one to decide for myself.
“Salamat po, Lola Digna. Salamat din po Tito Darion at Tita Elsa sa pagpunta rito para samahan si Landon,” sinadya kong gawing malambing ang boses ko para naman lalong maging maganda ang first impression ko sa kanila.
“Oh, please, hija. Mapapangasawa ka ng anak ko, kaya tawagin mo na kaming mommy at daddy,” masuyong hiling ni Tita Elsa. Alanganin akong ngumiti at tumango.
“Sige po, m-mommy…” s**t! Bakit ba ako biglang kinakabahan? Ako ang may gusto nito kaya dapat ay mapanindigan ko.
“And the same with us, hijo. You can call us mom and dad as well,” biglang sabi rin ni mommy. Mahinang natawa si Landon at magalang na tumango.
“Salamat po, mommy, daddy,” sagot naman ni Landon sa mga magulang ko. Muli ay hindi nagsalita si daddy at tumango lamang. Kita kong bahagyang nabawasan ang ngiti ni Landon nang hindi magsalita si daddy.
“So, what do you do for living, Landon?” napahinto ako sa pagsubo nang biglang magtanong si daddy. Kanina pa siya tahimik kaya hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagsasalita.
“I am the CEO of TechGas now, sir. My father already retired, so the company was now under my management,” magalang na tugon ni Landon. Ibinaba pa niya ang hawak niyang table knife at tinidor nang sumagot.
Tumango-tango si daddy bago nagsalita. “It’s the biggest oil company in the country. Not bad,” komento pa niya. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagkain.
“Iyan ang maipagmamalaki ko sa anak kong iyan. Dalawang buwan pa lamang siya bilang CEO ay mabilis na niyang napataas ang sales ng buong kumpanya. He’s smart and a real dark horse in the industry,” buong pagmamalaking saad naman ng daddy ni Landon. I refrained myself from rolling my eyes. Kilalang-kilala ko kasi ang daddy ni Landon at alam kong hindi siya mabuting tao. Magaling lang talagang magdala si Landon kaya iilan lang ang totoong nakakaalam sa kalagayan ng kumpanya nila.
“Well, I want to be honest with you since my daughter didn’t tell us that she has a boyfriend, much more a fiancé,” biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni daddy. Maging ang mga magulang, lola at mga kapatid ni Landon ay kababakasan ng pagtataka sa sinabi ni daddy.
“Dad, I’m sorry if I didn’t tell you. I was just busy,” pagbibigay-diin ko. Alam kong aware si daddy na ayaw ko lang talagang magpakasal kay Densel kaya kami nasa ganitong sitwasiyon ngayon.
“It doesn’t matter. Kung talagang gusto ni’yo ang isa’t-isa ay hindi naman kami tututol ng mommy mo.” Lumingon siya kay Landon. “Gusto ko lang malaman ni Landon na ikaw ay naipangako na kay Densel Ivan Connor. He is the son of Dustin Connor and the grandson of the Hollywood director Elias Connor. We all know that they owned the largest real estate company in Asia. Ngunit gano’n pa man, ikaw ang pinili ng anak ko. So, I hope you’re really worth it. Nag-iisang anak ko lang si Lyra. Ni hindi nga namin akalaing mabibiyayaan pa kami ng anak. Pero mabait ang Diyos dahil ibinigay siya sa amin. I am saying all these, not to insult you or belittle you. I just want you to know that Lyra is our most precious gem. I am willing to go even in the depths of hell if you hurt her,” mahabang pahayag ni daddy. For the first time I saw dad in a different light.
Bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba at usig ng konsensiya. Basta ang gusto ko lang ay huwag makasal kay Densel at hindi ko naisip ang magiging epekto nito sa mga magulang ko.
Nang mapasulyap ako kay Landon ay bakas ang pagtiim ng bagang niya at pagseryoso ng husto ng mukha niya.
“I am not perfect, sir. Pero gagawin ko ang lahat para mahalin, protektahan at alagaan ang anak ninyo. Mahalaga po sa akin ang kasal at kahit kailan ay hindi ito naging biro sa akin kaya asahan ni’yong gagawin ko ang lahat para sa kaniya,” napatitig ako habang nagsasalita si Landon. Hindi ko alam kung talagang magaling lang siyang umarte pero kung hindi ko lang alam ang kasunduan naming dalawa, iisipin kong totoo ang lahat ng sinasabi niya. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya para naman hindi lubhang mag-alala ang mga magulang ko.
“Maraming salamat kung gano’n. Asahan mong buo ang suporta namin sa desisyon ninyong dalawa,” saad naman ni daddy.
“Hindi dahil sa anak ko si Landon ay iaangat ko na ang upuan niya. Ngunit isang bagay ang sigurado ako, mabuting tao ang anak ko. Responsable at may paninindigan siya kaya alam kong hindi pagsisisihan ni Lyra na pinili niya si Landon,” banayad na pahayag ni Mommy Elsa. Ako naman ngayon ang hindi mapakali. Sobrang seryoso ng pinag-uusapan nila kaya hindi ko alam kung paano ba magre-react.
“Kung gayon ay wala naman palang magiging problema. Kailan ni’yo ba balak magpakasal?” tanong ni mommy. Pansin ko ring tila medyo naging asiwa ang daddy ni Landon. Siguro ay nakokonsensiya sa mga kalokohan niya. Sa tingin ko naman ay mabait ang mommy ni Landon. Maganda rin ito at halatang mabuting babae kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pang mambabae ng daddy ni Landon. Subukan niyang magloko kapag nakasal na kami at hindi ako magdadalawang-isip na putulan siya.
“This Sunday, mom. I don’t like big weddings. I want to do a civil wedding!” ako sumagot na ikinatahimik ng lahat. Si Landon ay bumuntong-hininga.
“Anak, tatlong araw na lang linggo na, sigurado ka ba? No way! You are our only daughter, and I will never allow a measly wedding for you. Your wedding must be grand and will be known even in the farthest part of the country!” mabilis na kontra ni mommy kaya napanganga ako.
“Mom!”
“No, Lyra! Hinayaan ka namin ng daddy mo na biglain kami sa pamamanhikan na ito pero hindi kami papayag sa gusto mo. Gagawin nating magarbo at engrande ang kasal mo. Isang beses ka lang ikakasal at gusto rin naming maranasan ng daddy mo ang mabigyan ka ng isang kasal na pag-uusapan at kaiinggitan ng lahat!” may halong sermon at determinasyong pahayag ni mommy.
“I agree with your mom, hija. We want what’s best for the both of you!” sang-ayon naman ng mommy ni Landon. Saka ito bumaling sa anak. “And hijo, how could you allow this to happen. Lyra is a special girl tapos sa huwes mo lang siya pakakasalan? Hindi naman yata makatarungan iyon! Nakakahiya sa pamilya niya. Ano na lang ang iisipin nila sa atin?” sermon niya sa anak na umawang din ang labi at hindi na nakaimik sa pagkagulat.
“I’m sorry, mom. I just love Lyra very much that’s why I agreed to whatever will make her happy,” depensa agad ni Landon. Ako naman ay literal na nasamid at inubo nang inubo. Love? Love talaga ang salitang ginamit niya para magsinungaling? Aba, magaling pala talagang artista ang lalaking ito! Pambihira!
“Let’s postpone the wedding in two months. I think that is more than enough time to prepare,” deklara ng daddy ni Landon. Lahat ng balak kong pagpoprotesta ay nauwi sa paglunok ko nang paningkitan ako ni mommy ng mga mata.
Bago natapos ang dinner ay hindi na ako nakapagsalita at hindi na rin ako nakakain pa. Gimbal na gimbal ako nang magsimula nang magplano ang mga magulang namin. Mula sa mga damit na isusuot, sa gowns ko, venue, exact date, reception, everything ay plinano nila nang detalyado. Wala silang iniwang kahit na anong kaliit-liitang detalye at wala kaming nagawa ni Landon kung hindi ang sumang-ayon na lang.
Nang matapos na ang pinakamahabang hapunan sa buong buhay ko ay pagod na pagod ang pakiramdam ko. Para akong nasila sa sarili kong bitag at wala na akong magawa kung hindi ang makiayon na lang.
“See you tomorrow, babe. Simula ngayon, susunduin at ihahatid na kita araw-araw,” nakangiting saad ni Landon sa akin. Nauna nang umuwi ang buong pamilya niya at nagpaiwan pa siya rito. Nagpahinga na rin ang mga magulang ko sa silid nila at kasalukuyang nagliligpit naman ang mga katulong.
“Tigilan mo ako, Landon! Kagagawan mo ang lahat ng ito kaya nasira ang plano kong magpakasal ng tahimik! Kung hindi mo binitbit ang pamilya mo rito, wala sana akong pinoproblema ngayon!” gigil kong angil sa kaniya.
“This marriage was all your idea. At least, I like marrying you now. Hindi lang maganda at sexy ka, sobrang yaman pa. See? Hindi ko na poproblemahin na maghihirap pa ako,” tila nang-aasar na sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto niyang maglaro? Puwes pagbibigyan ko siya.
“Fine! Sasagutin mo ang lahat ng gastos sa kasal, at bukas pupunta tayo ng Europe dahil magsha-shopping ako ng lahat ng gagamitin ko!” mataray kong tugon. Napanganga siya sa sinabi ko at nabura ang mayabang niyang ngiti kanina.
“You know, I am struggling financially now,” bigla ay mahinang saad niya. Gusto kong matawa pero pinigil ko ang sarili ko. Kahit hindi ko siya gusto, ayaw ko namang yurakan ng husto ang ego niya. Besides, he is my future husband. Hindi naman puwedeng masira ang image niya sa iba dahil magiging kasiraan ko rin iyon kung sakali.
“Alright. Clear your schedule at bibiyahe tayo papuntang Europe. My treat! Tsk, tsk. Ang guwapo mo tapos wala kang pera?” ako naman ang nang-asar sa kaniya.
“Makakabawi rin ako. At kapag nangyari iyon, kahit ano pang hilingin mo ibibigay ko. Kahit gaano pa kamahal at kagarbo,” umiling agad ako sa sinabi niya.
“Hindi na kailangan. Marami na akong pera maliban pa sa mga mamanahin ko sa mga magulang ko at mga grandparents ko. All you have to do is to be my submissive and good husband. Susundin mo ang lahat ng gusto ko, at magbubuhay-hari ka sa piling ko,” buong pagmamalaking pahayag ko. Hindi siya nakaimik at seryosong tumitig sa akin. Hindi man niya aminin, alam kong naaapakan ko pa rin ang ego niya dahil sa mga sinabi ko.
“Sige, magpapaalam na ako,” laylay ang balikat niyang saad.
“Wala man lang goodbye kiss? Akala ko ba sabi mo kanina sa mga magulang ko, mahal mo ako?” nang-aasar ko pang sambit kaya lalong tumiim ang bagang niya. Lumapit siya sa amin at hinaplos ang pisngi ko. Muntik na akong mapapiksi sa ginawa niyang iyon. Hindi ko rin ipinahalata ang gulat ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng kakaibang kuryente sa haplos niyang iyon.
“Goodbye, Lyra,” usal niya saka dumukwang at ginawaran ako ng magaang halik,” dapat ay wala lang iyon sa akin. Pero bakit tila pumintig ng kakaiba ang puso ko?
“Bye. Take care and see you tomorrow. Pick me up at eight,” utos ko sa kaniya para itago ang kakaibang kabang biglang dumapo sa dibdib ko dahil sa simpleng halik na iyon.
No! Wala lang iyon. Wala lang talaga akong karanasan sa kahit na anong pakikipagrelasyon kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.