Chapter 7 Birthday Party

2608 Words
“Lyra! Oh my gosh!” masayang bulalas ni Mommy Elsa nang mabungaran akong pumapasok sa malaking gate ng kanilang mansion. “Good evening po. I am very sorry for being late. Maaga po akong nag-exit sa event namin ngayon para makapunta po rito,” hinging paumanhin ko. “Oh, no, hija, it’s alright. Ang mahalaga ay naririto ka na. Come! Siguradong matutuwa si Mama!” excited niyang yaya sa akin at hinawakan pa ako sa braso para akayin papasok. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin at dinig ko ang ilang bulung-bulungan mula sa mga nadaraanan naming mga bisita. Hindi naman gaanong marami ang mga tao pero ilang beses na akong napalunok dahil parang tumatagos sa kaululuwa ko ang kanilang mga titig. Since when did I care about what other people will say about me? Pinanatili ko na lang ang ngiti sa mga labi ko para hindi mahalata ang kabang nararamdaman ko. “Ma, nandito na po si Lyra!” tawag-pansin ni Mommy Elsa kay Lola Digna. Lumingon ito sa kinaroroonan namin at agad na ngumiti nang mapadako ang mga mata sa akin. “Lumapit kayo rito nang maipakilala naman natin si Lyra sa mga uncle at auntie ni Landon,” maluwang ang ngiting tawag niya sa amin. “Happy birthday po ulit, Lola!” malambing kong saad at iniabot ang dala kong regalo. Kaninang hapon lang iyon dumating mula sa Paris. Jewelry set ang mga iyon na may vintage music box na nagkakahalaga ng isang milyong dolyar. Napapaligiran kasi iyon ng ginto at ang mismong baylerinang sumasayaw sa ibabaw niyon ay gawa sa ginto at ang palamuti sa ulo naman niya ay diyamante. Lihim akong napangiti na sana ay magustuhan niya kapag nakita na niya ito. “Thank you, hija! Bakit may regalo na naman?” nagtataka ngunit halatang masayang tanong niya. “Magkakasama po sana iyan kaso nahuli lang dumating,” kaila ko. Binigla kasi ako kahapon ni Landon tungkol sa birthday ni Lola Digna. Humarap na kami sa mga ilang bisitang nakaupo sa maluwang at mahabang lamesa. Napakaraming masasarap na pagkain ang nakahain doon at halatang pinaghandaan ang pagkakaayos. May mga nadisenyuhang bulaklak at mga kandila pa. Ang mga sulok din ay may mga bulaklak na nakalagay sa malalaking vase. “By the way, this is Lyra Celestine Gomez, ang mapapangasawa ni Landon,” panimula ni Lola sa pagpapakilala sa akin. Isa-isang dumapo ang tingin ko sa mga naroroon. May apat na lalaking halos kaedad lang din ng mga tito ko at may mga katabi silang mga babae. Malamang ay mga asawa nila ang mga ito. Isa-isang ipinakilala ni Lola sa akin ang mga ito. Lima pala lahat ang anak ni Lola Digna at ang daddy ni Landon ang pangalawa sa magkakapatid. “Napakagandang bata naman nitong mapapangasawa ng pamangkin ko. Welcome to the family, Lyra!” tumayo pa ang tita ni Landon. Precy ang pangalan nito at lahat naman sila ay nakangiti sa akin. Kahit papaano ay hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness mula sa kanila. “Thank you po, Tita Precy!” magalang kong tugon. Magkakaharap na kami ngayon sa lamesa at isa-isa ring ipinakilala sa akin ang mga pinsan ni Landon. Doon ako medyo nahilo dahil hindi ko natandaan lahat. Pero isa ang tumatak sa akin iyong Jocelyn ang pangalan. It’s obvious that she doesn’t like me. “Lyra, what do you do for a living? I mean, are you even a college graduate already?” pormal na tanong ni Jocelyn. Mula sa pagkukuwentuhan ay natuon ang atensiyon nilang lahat sa akin. “I am managing my companies. I have a modeling agency and a clothing line. I also finished my master’s degree in Harvard three months ago,” diretsong sagot ko. Narinig ko ang sunod-sunod na singhap at kitang-kita ko kung paano natulala at natameme si Jocelyn. Kung hindi lang nakaharap dito ang mommy at lola ni Landon, mas matinding pagkasupalpal pa ang inabot niya sa akin. How dare she looked down at me when she doesn’t even know me? “Oh! Bukod pala sa napakaganda mo, hija, mukhang matalino ka rin. Ilang taon ka na nga ulit?” namamanghang tanong ni Tito Joseph, ang daddy ni Jocelyn. “Twenty-three po. Magtu-twenty-four na po ako sa June,” magalang kong tugon. Palihim kong sinulyapan si Jocelyn at nakita kong tumiim ang bagang niya at payukong lumunok. Ipinahiya niya lang lalo ang sarili niya sa ginawa niya sa akin. “Wow! Ang bata mo pa tapos nagma-manage ka na ng dalawang kumpanya! Ang suwerte naman ni Landon,” bulalas pa ni Tita Precy. Natawa naman ako at maging sina Lola Digna at Mommy Elsa ay proud na proud akong nginitian. “Salamat po sa inyo. Second year college po ako noong maitayo ko ang G Style. Pagka-graduate ko naman po, doon ko na-establish ang modelling agency ko na Lyra’s Gems. I am currently handling 47 male and female models and twenty-two of them are already international supermodels. The rest are all A-list models and have brands representing here and abroad,” pagpapatuloy ko pa. “Ikaw ang may-ari ng G Style at Lyra’s Gems? Seriously?” hindi naiwasang maitanong ni Zevie. Siya ang pinakapanganay sa kanilang lahat na magpipinsan. Kung si Landon ay masiyadong mabait at maginoo ang awra, itong si Zevie ay parang guwapong maton. Iyon bang parang pang-action star ang dating dahil sa lapad ng panga at malalim na mga mata. Guwapo rin naman talaga kaya lang parang malupit siya. “Yes. I always get that reaction whenever they learned who the owner is,” natatawang sagot ko. “Damn! You’re amazing! My cousin is one hell of a lucky man!” komento nito. Natawa naman ang ibang pinsan nila at nag-appear pa nga. “Mukhang nakahanap na ng katapat ang gago!” sabad naman ni Neethan. Mas matanda lang ito ng isang taon kay Landon, at gaya ni Zevie ay medyo masungit din ang awra. Ang guguwapo rin ng mga pinsan ni Landon gaya ng dalawang halos kaedaran lang din niya na sina Millerd at Sigvard. They all screamed good looks and dominating aura. “Thanks, guys! Masuwerte rin naman ako kasi mabait at malambing si Landon,” nagkatinginan ang mga ito at kitang-kita ko ang mahinang ‘wow’ na nagpabuka ng mga bibig nila. “Really? Kailan pa naging malambing iyon, eh, Mr. Ice Cold nga ang tawag sa kaniya. Literal! He’s like an ice without any emotion,” natatawang komento naman ni Sigvard. Sinang-ayunan din siya ng ibang pinsan. “Hoy! Magsitigil na kayo, ha? Bakit ni’yo sinisiraan si Landon? Mamaya, biglang magbago ang isip ni Lyra!” saway naman agad ni Mommy Elsa sa kanila. Lalong pumailanlang ang tawanan dahil doon. “Lyra, baka naman puwede mong kunin itong anak kong si Safira bilang modelo mo? Pangarap niya iyon, eh!” biglang singit naman ni Tita Precy. Tumingin ako sa batang katabi niya na nakangiti sa akin at halatang tuwang-tuwa sa sinabi ng mommy niya. “Ilang taon na po ba siya?” natanong ko naman. “11 years old na siya!” excited na tugon ni Tita Precy. “Ah, sige po. Kapag nag-fourteen siya, puwede na siyang mag-training sa agency ko,” nakangiti kong tugon. Maganda si Safira at nag-iisa siyang kapatid ni Sigvard. Lalong bumaha ang paghanga sa mga mukha nila maliban sa isang pinsan ni Landon. I don’t know what’s wrong with her, but I guess she’s acting bitchy towards me. Makalipas ang dalawang oras ay nagsimula nang magpaalam ang mga bisita. Ako naman ay narito sa garden dahil tumatawag si Landon. “Hi, baby, how are you? I miss you already,” bungad niya nang sagutin ko ang tawag. Tumaas pa ang kilay ko dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o hindi. “Magkasama tayo kaninang umaga, Landon, huwag kang OA,” kontra ko sa kaniya. I heard him chuckle. “But it’s true. I miss you already. What are you doing right now?” tanong niya. Napangiti ako at pinanood pa ang mga tito at tita niya na inihahatid nina Lola Digna hanggang sa gate. “Nandito ako sa bahay ni’yo ngayon. Birthday celebration ng lola mo, remember?” tugon ko naman. Bahagya ko pang isinandal ang likod ko sa bench. “What? I thought you’re not going. Are you alright, then?” bigla ay may pag-aalala niyang tanong. Bumuntong-hininga ako. “I’m fine. By the way, I met your cousins and other relatives. But there’s someone that got in my nerves,” sabi ko. Hindi ko itinago ang pagkadismaya ko. “Who is that? No one is allowed to annoy you. Tell me and I will deal with him when I got home,” he replied with a lace of anger in his voice. Muling kumibot ang kilay ko at lihim na napangiti. “Si Jocelyn. But don’t worry about it, you know me. No one can make me feel bad about myself. I taught her a bit of a lesson,” buong pagmamalaking tugon ko. Nagtaka naman ako dahil hindi agad ito nakapagsalita sa kabilang linya. Hindi rin ako nagsalita dahil hinihintay ko ang sagot niya. Dinig ko pa ang mahinang tikhim niya bago muling nagsalita. “I’m sorry for that. Just don’t mind her. Medyo masungit talaga ang pinsan kong iyan,” sabi naman niya. Nagbuga ako ng hangin saka tumango. “Okay lang naman. Gaya ng sabi ko, hindi naman ako magpapaapi kaya huwag mo nang isipin iyon. Sinabi ko lang naman sa iyo,” saad ko pa. “Lyra, I have to go. Damn! I want to talk to you more, but I need to work already,” malungkot niyang paalam sa akin. “Okay. Take care,” I said. “You, too. Bye,” pinatay ko na ang tawag pagkatapos niyon. Tumayo ako para magpaalam na rin sa kanila dahil inaantok na ako. Pero napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang isang boses na tumawag sa akin. “Nandito ka pala,” sabi ni Jocelyn. Nakalapit na ito sa akin at ang mga mata ay may pang-uuyam. “I’m about to go. Do you have anything more you want to say?” tanong ko. I still tried to sound courteous although I could just easily smack her on the face. “Wala naman. Nagulat lang ako na biglang ikakasal na si kuya Landon. Kung hindi mo nahalata, nagulat ang lahat dahil iba ang kilala naming girlfriend ni kuya Landon,” diretsahang pahayag niya. Nabigla ako sa sinabi niya pero mabilis ko lang ding nahamig ang sarili. “Oh, really? Well, we don’t talk about our exes, so I guess, they’re not an important topic,” simpleng sagot ko. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at kumulimlim ang mga mata niya. Kahit medyo madilim dito sa garden ay alam kong galit siya. Ano bang ikinagagalit niya? “We will see about that. Malalaman mo rin naman ang lahat, at ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, kakainin mo lahat iyang kaangasang ipinapakita mo ngayon!” mataray niyang sambit. Pero tinawanan ko lang siya na lalong ikinagalit niya. “Alam ko ang lahat ng tungkol kay Landon kaya hindi ko na kailangang malaman pa kung ano yang pinagsasabi mo. Hindi ko alam kung bakit ikaw lang ang nagpapakita ng magaspang na ugali sa akin, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, hindi ako ang klase ng tao na puwede mong pakitaan ng ganiyan. I know how to respect people, but I also know how to make people suffer with their own foolishness,” I firmly stated and walked away from her. I heard her say things, but I didn’t mind anymore. Weeks passed and three days before the wedding day came. Ang akala nga nila ay isang linggo na akong hindi muna papasok para sa preparation ng kasal. Pero hindi mangyayari iyon. We have organizers and our parents are very strict in watching every detail of the planning. Kaya hindi na ako kailangan doon. Naibigay ko na rin naman lahat ng kailangan kong sabihin. “Grabe! Ang galing, ano? Kailan lang nalaman ang tungkol sa kasal ni Ma’am Lyra. Iba talaga ang mapera at maimpluwensiya, kayang-kayang kontrolin ang lahat,” nasa pasilyo ako papunta sa opisina ko nang marinig ang pag-uusaop ng ilan sa mga talents ko. “At mas naloka ako nang malaman ko kung sino ang mapapangasawa niya! si Landon Brent Abellana!” bulalas naman ng isa. Huminto na ako sa paglakad at saglit munang nakinig sa kanila. “Eh, ‘di ba boyfriend ni Miss Scarlet iyon? Tapos inagaw daw ni Miss Tanya kaya nga sila nag-away noon,” sagot naman no’ng isa. “Hay, naku, if I know, ginawa lang parausan ang mga iyon. Sabagay, kung kasing pogi at kasing-hot ba naman kasi ni Landon, kahit laspagin pa niya ako okay lang!” maharot na banggit nang unang nagsalita kanina. Sabay-sabay pa silang nagkatawanan at napakuyom naman ang kamao ko. “Pero nagtataka ako kung paano siya nagustuhan ni Ma’am Lyra. Kasi alam mo, kung may definition ng isang perpektong babae, si Miss Lyra iyon!” napangiti ako sa papuring narinig ko. “Agree ako riyan! Ang ganda-ganda lalo na iyong katawan. Tapos ang yaman-yaman pa! Ang suwerte ni Landon, ano?” sang-ayon pa no’ng isa. “Pero sa totoo lang, nakakatakot si Ma’am Lyra. May pagka-perfectionist kaya nga yata walang tumatagal na manliligaw. At kahit mayroon man, hindi man lang niya matapunan ng pansin,” banggit pa ng isa. Napapailing na lamang akong ipinagpatuloy na ang paglakad patungo sa office ko. Hindi talaga maiiwasan na may mga taong magsasalita sa likuran mo kahit hindi ka naman talaga nila lubos na kilala. “O? Bakit ganiyan ang hitsura mo?” nagtatakang tanong ko sa sekretarya kong si Alona. “Eh, ma’am, may bisita po kayo sa loob. Naroroon din po ang daddy ni’yo,” pagbibigay-alam niya sa akin. “So? Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang natataranta,” natatawang pansin ko. Naging alanganin ang ngiti niya bago muling sumagot. “Si Sir Densel po ang kasama ng daddy ni’yo sa loob. Siya po ang bisitang sinasabi ko,” medyo nakalabi pang sabi niya. Bahagya naman akong napipilan sa sinabi niya. Nalingon ko ang opisina ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. It’s been five years since the last time I saw Densel in person. Although we are calling or chatting each other once in a while, I still don’t find him close to me. “Sige na. Ako na ang bahala,” saad ko at pinabalik na siya sa trabaho niya. Dahil masiyado akong abala sa pamamalakd ng mga negosyo ko at ang mga libreng oras ko naman ay inilalaan ko kay Landon, nakalimutan ko na ang tungkol kay Densel. Aaminin kong mas naging malapit na kami ni Landon sa mga nagdaang linggo. Walang mintis ang paghahatid at panunundo niya sa akin araw-araw. Gayundin ang pagpapadala niya ng mga bulaklak at pagkain kahit hindi naman kailangan. Minsan nga, nakakasanayan ko na lang maabutan ang bouquet o basket ng bulaklak sa opisna ko. O kaya naman ay bigla na lang may magde-deliver ng pagkain galing sa kaniya. He’s really treating me like his fiancée. You are his fiancée! My mind argued. “Hello, hija! Good morning!” bati ni daddy sa akin saka siya tumayo. Gayundin si Densel. Pero nagulat ako nang mabilisan siyang humakbang at tawirin ang pagitan namin. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. “Damn! I miss you so much, Lyra!” usal niya at hinalikan pa ako sa noo. Kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin sa ginawa niya ay nagtimpi pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD