“Damn! I miss you so much, Lyra!” usal niya at hinalikan pa ako sa noo. Kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin sa ginawa niya ay nagtimpi pa rin ako. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at marahan siyang itinulak. Lumakad ako papunta sa lamesa ko. “Good morning, dad! Bakit po kayo nandito?” pormal kong tanong. Naiinis ako sa ginawa ni Densel. Wala siyang karapatang yakapin o halikan ako. I felt so pissed, right now! “Well, halos hindi na kita nakikita, anak. Sana pala hindi na lang ako pumayag na magkaroon ka ng sariling bahay. Ngayon, hindi ka na umuuwi,” malambing niyang sambit pero napangiwi ako. Kung wala lang si Densel dito ay nasumbatan ko na si daddy na sanay naman na akong nag-iisa. “Sorry, Dad, I’m just busy. So, why are you here?” tanong ko saka bumaling kay Densel na ngayon a

