PATRIZ’s POV Pumayag naman ako nang yayain ako ng Zandro na sumakay kami ng kabayo. Sa harapan niya ako at pareho kaming nakakapit sa tali ng kabayo. Kaya parang nakayakap na rin siya sa akin. Pumunta lang kami ng Tagaytay, hindi akalain na babalik kaming Manila na may boyfriend na ako. “Okay ka lang?” malambing na bumulong sa akin si Zandro. Para akong nakiliti sa pagsasalita nito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag kanina na hawakan niya. Akala ko kaya niya ako hinawakan ay para sabay naming maabutan ang mga kasama namin. Pero nakita na namin sila ay hindi ko inalis ang kamay kong hawak niya. Pakiramdam ko kasi ay safe na safe ako sa hawak niya. Alam kong may nararamdaman ako kay Zandro, pilit lang itong ayaw aminin ng aking isip na gusto ko si Zandro. Na

