ZANDRO’s POV Parang ayaw ko nang matapos ang araw na ito. Masaya kaming nagsasalo-salo sa hapunan dito sa bahay. Dahil natulog si Patriz habang pabalik kami ng Manila, tumawag ako kanina kay Manang na magluto na lang ng hapunan at pauwi na kami. Mukhang tulad ko rin siya, hindi nakatulog ng maayos. Ako sa kakaisip ko sa kanya. Siya baka namahay siya o di kaya ay sanay talaga siyang gumising ng maaga. Hindi naman niya ako sinasaway kahit nakapatong ang aking braso sa kanyang upuan. Hindi naman kami mapapansin kung hindi kami aasarin o pagmamasdan ng mga ito. “Sana all, masaya. Papa Norbert, gusto mo bang lumigaya?” sambit ni Mommy Art pagkatapos kaming tingnan ni Patriz. Nasa harapan lang namin ito kaya kita niya kaming dalawa. “Mommy Art, may wife na po si Kuya Norbert. Si yaya na la

