ZANDRO’s POV “Hon, pinapapunta tayo ni Mommy sa bahay. May ibibigay raw siya,” tumawag si Mommy habang nasa bathroom ang asawa ko. Masungit siya ngayon, ayaw akong patabihin sa kanya. Hindi rin niya ako pinasabay sa paliligo. Kahit anong paki-usap ko ay hindi ako nito pinagbigyan. Nabanggit ko rin ito kay Mommy nang hanapin siya. Sinabi naman ni Mommy na normal iyon sa naglilihi. Paiba-iba ito ng gusto. Kaya sinabihan akong huwag akong magtatampo. Hindi pa man din ako pumasok para makasama siya maghapon pero napaka-awkward dahil ayaw niyang nakalapit ako. “Sige para iba naman ang makita ko. Nakakasawa na mukha mo lang ang nakikita ko. Gusto kong makita si Zandra,” sagot nito sa akin. Umupo pa ito sa kama habang hinarap ako. Nasa malayo ako sa kanya. Dito ako sa couch naka-upo dahi

