ZANDRO’s POV Naihatid na namin si Perla sa bahay nila. Kinuhaan ko siya ng security sa agency ng aking kaibigan at kinakapatid na si Lawrenz. Kaya solong solo naming mag-asawa ang aming bahay. Kakauwi ko lang galing sa office. Bago ako umuwi ay tumawag ako sa aking asawa kung ano ang gusto niyang pasalubong? Ice cream ang ni-request niya sa akin. Gusto daw niya ay vanilla flavor. Mayroon kasi sa fridge, chocolate flavor. Ito ang gusto niya noong nakaraan. Ngayon, ibang flavor na ang kanyang nais. Lahat ng gusto ng buntis ay kailangan kong ibigay sabi ni Mommy. Kaya naman sinusunod ko ang mga gusto niya. “Hi, hon!” bati ko sa kanya. Inabutan ko siyang nakahiga sa aming kama. Nakapasok ako gamit ang aking biometric sa door knob. “Hello! Hindi mo ako tinawagan na pauwi ka na pala,” m

