ZANDRO’s POV Confirmed na single and available na si Patriz. Pwede na siyang ligawan. Nakapagsimula na naman ako. Dahil pinadalhan ko na siya ng bulaklak kaninang umaga. Nakita ko itong nasa lamesa nila at naka-display. Simpleng babae lang si Patriz, walang arte sa katawan kaya naman hindi siya mahirap pakisamahan. Ramdam ko na naiilang siya sa akin o nahihiya. Hindi pa siya palagay sa akin at iyon muna ang dapat kong trabahuhin. Kapag palagat na siya saka ko na lang siya liligawan. May advantage na ako pagdating sa panliligaw. May tulay na akong magagamit at iyon ay ang nag-iisa kong kapatid na si Zandra. Pakiramdam ko naman ay okay kay Zandra na ligawan ko ang kanyang ninang. Ngayon muna ay aalamin ko ang mga bagay na nagpapasaya at paborito ni Patriz. Tiyak alam ito ng kapatid ko

