PATRIZ’s POV Kumakain kami pero hindi ako makakain ng maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naiilang sa harapan ni Zandro. Noon naman ay okay lang na makita ko siya. Pero ngayon naiilang ako sa tingin niya. Pwede rin nanibago lang ako, kasi si Edward lang naman ang lalaking nagbigay ng atensyon sa akin. Pero si Zandro, hindi naman kami ay maasikaso siya. Parehas niyang nilagyan ang plato namin ni Zandra ng pagkain. Pati ako ay inaasikaso niya na dapat si Zandra lang. “Kumain kang mabuti Patriz. Wala munang diet ngayon, kailangan nating ubusin ang lahat ng ito.” Sambit niya at bahagya siyang tumawa. “Joke lang, yung kaya lang natin maubos. Pero ang baby ko tiyak na madami iyan kakainin, favorite niya ang mga ito.” Malambing niyan wika patungkol kay Zandra. “Thank you po, kuya Z

