ZANDRO’s POV Iniwan ako ni Patriz dito. Hindi na ako inintindi. Kaya kay Mommy Art na ako nagbayad. Hanggang maka-alis ako ay hindi ko na siya nakita. Magdidiwang na ba ako? Syempre hindi pa. Baka naman talagang may kailangan siyang gawin sa rest room kaya ito nagpaalam bigla. Saka malinaw naman na sinabi niya na maging magkaibigan na lang kami muna. Mahirap ipilit kung ayaw. Pero hindi rin naman ako tatahimik lang. Dahil pwede ang kaibigan pwede kaming pumunta sa parlor. Ngunit napakahirap na kaibigan lang talaga ang pupuntahan namin dahil hindi maitatanggi ng mga titig ko sa kanya kung gaano ako humahanga sa kanya. Hindi lang sa kanyang physical features kundi sa kanyang kabuuan. Bilang Patriz na kung paano ko marinig sa mga kwento ni Mommy at ni Zandra. At sa Patriz na nakikita ko

