PATRIZ’s POV “Lumabas ka na dyan! Wala na si Zandro. Anong problema mo at bigla mo siyang iniwan?” maarteng saas sa akin ni Mommy Art. Lagi naman itong maarte kung magsalita. “Ihing-ihi na po kasi ako Mommy Art.” Sagot ko dito at binuksan ko na ang pinto ng CR. “Hindi ako naniniwalang naiihi ka. Bang haba naman niyang ihi mo. Nagseselos ka ba sa akin? Dahil mukhang type niya ako.” Ani Mommy Art na mapanukso ang mga tingin. “Bakit naman po ako magseselos? Saka sino naman ako para magselos sa inyong dalawa? E di congrats kung type ka niya.” Sagot ko kay Mommy Art na medyo hindi yata ako pinaniwalaan dahil tinaasan lang ako ng kilay nito. “Kung hindi ka nagseselos bakit bigla kang umalis kanina? Kung hindi ako dumating, aalis ka ba? Di ba, hindi? Hihintayin mo siya hanggang maka-alis.

