ZANDRO’s POV Ito na ang araw na pinakahihintay namin ni Zandra. Pupunta kami sa Tagaytay para mamasyal. Si Mommy Art ang kausap ko tungkol sa lakad na ito. Sana ay sumama si Patriz para mas masaya kami ni Zandra. Sabi ni Mommy Art ay kukumbinsihin niya si Patriz. Pati ang kapatid nito ay kasama para wala na siyang dahilang tumanggi. Ipinahanda ko na sa aming maids ang mga kakailanganin namin. May pina-book din akong rooms para kung gusto muna nilang mag-stay pa kami roon. Sila Mommy Art muna ang unang susunduin ng sasakyan at huli kami ni Zandra. Medyo kinakabahan din ako, parang ngayon lang ako makakaranas na manligaw. Naranasan ko rin an tanggihan ako. Padalos-dalos kasi ako. Hindi ako nakapaghintay na magkakilanlan muna kami bago ako nagtapat sana sa kanya. Nangyari na at nasabi k

