ZANDRO’s POV Tinotoo ko na ang sinabi ko kay Manang na magbabakasyon muna kaming mag-asawa. Madaming panahon ang nasayang dahil sa pataasan namin ng pride. Pati mga taong nakapaligid sa aming dalawa ay apektado. Malaking aral ang itinatak nito sa aming puso. At ngayon, parehas naming nais na makabawi sa isa’t isa. Na-miss ko ang panahon na nagsolo kaming dalawa sa condo. Mga panahon na nagagawa namin ang mga gusto namin kahit saang sulok ng bahay. Pagkagaling namin dito ay sa bahay na namin kami tutuloy na mag-asawa. Mag-unwind lang muna kami dito sa aming rest house. Sabi ko nga sa kanya ay mag-honeymoon kami. At ngayon ay may dessert akong gustong kainin. “Hon, can I eat ice cream?” parang ako ang naglilihi kahit tapos ng maglihi ang asawa ko. “Kunin ko lang sa fridge,” sagot ni

