PATRIZ’s POV Pumayag na akong maikasal si Perla kay Lawrenz pero pagkatapos pa ng kanyang graduation. Ito na lang ang huli kong pakiusap sa kanya. KInausap ko siya ng kaming dalawa lamang. Hindi ako perpekto dahil may nangyari rin muna sa amin ni Zandro bago kami ikasal pero iba pala yung pakiramdam kapag kapatid mo naman ang involve at baby pa ang turing ko sa kanya, kahit 22 years old na rin siya. “Perla, tapatin mo ako. Naibigay mo na ba kay Lawrenz ang lahat?” mahinahon kong tanong sa kanya. Umiling muna ito bago sumagot. “Hindi pa po Ate, bago pa lang po kami ni Lawrenz. Pwede naman pong hindi kami ikasal, Ate. Iiwas na lang po ako sa kanya. Sabihin mo po sa akin kung ano po ang gusto mong gawin ko,” umiiyak niyang sambit. “Pero sa maiksi naming pagkakakilala ay masasabi kong

