83

1236 Words

PERLA’s POV Malakas ang ulan, wala namang bagyo. Paano ako makakatulog kung si Lawrenz ay nasa loob lang ng sasakyan niya? Baka ma-suffocate siya. Bumangon ako at nagpasyang puntahan siya gamit ang malaking payong. Ayaw kong mabasa ng tubig ulan dahil giniginaw ako, ngunit wala akong choice dahil hindi rin naman matatahimik ang isipan ko kung nasa loob lang si Lawrenz ng sasakyan. Hindi ko alam kung natutulog na siya, kinatok ko ang bintana sa may driver’s seat. Iniharang ko ang payong sa ulan para hindi mabasa si Lawrenz kapag binuksan ang bintana. “Pumasok ka sa loob, matatagalan pa itong ulan. Mahihirapan ka dito. Tara na at nababasa na ako.” Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na sumagot na ayaw niya. Hindi ako umalis sa kinakatayuan ko hanggang hindi siya sumasagot ng oo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD