LAWRENZ’s POV Maloko talaga itong kaibigan kong si Zandro. Ipinagsabi pa na galing akong seminaryo. Ilang araw lang naman ako sa loob, lumabas ako ng biglaan dahil may nangyari sa mommy ko. Nagkasakit ito at kung hindi ako lumabas ay hindi ko siya makakasama sa mga nalalabi pa niyang mga araw. Pwede pa naman akong maging mabuting tao kahit wala ako sa loob ng seminaryo at hindi ko maituloy ang pagpapari. Hindi siguro ako para doon kahit ang business ko ngayon ay napakalayo sa gusto kong maging noong bata pa ako. Hindi ako bading. Hindi ko pa lang nakikilala ang babaeng para sa akin. Pero nang makita ko ang hipag ng aking kaibigan, biglang may nagbago sa akin. Gusto kong maniwala na may kupido dahil sa isang iglap ay nabato-balani ako sa babaeng tinawag na Perla ni Zandro. Nakita ko na s

