Isang taon palang ang lumipas ng ikasal kami ng aking asawa ngunit nagbago siya. Binago siya ng isang taong hindi ko akalain na magiging mitsa ng aming relasyon ng aking asawa.
Hawak ko ang bracelet na binigay niya sa akin noon bago kami ikasal at may nakaukit na Michael loves Bea.
Nakatulala na naman ako dito sa aming kwarto. Paggising ko kaninang umaga ay walang Michael na dumating. Walang Michael na tumabi sa akin kagabi. Hindi lang ngayon ang araw na ginawa niya sa akin ito. Madami na ang nagsasabi sa akin tungkol sa panloloko ng asawa ko at ng aking matalik na kaibigan.
"Bakit Michael anong kasalanan ko sayo at ganito ang pinaparamdam mo sa akin." umiiyak na sabi ko sa akong isip. Parang nauupos ako na kandila sa gilid ng aming kama. Hindi ko na kaya ang sakit na binibigay niya sa akin. May mga nagsesend sa akin ng mga sweet pictures nila ng kanyang babae.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin at sumilip ang kumatok. At tumakbo siya palapit sa akin.
"friend tama na yan, kung di mo na kaya hiwalayan mo na. Alam kong mahirap pero tama na ang pagiging martyr mo." malungkot na saad sa akin ni Claire.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa friend. pagod na ako pagod na pagod na ako sa mga ginagawa nilang panloloko sa akin."
"bakit magkasama na naman ba sila ng malantod na babaing yun? kakalbuhin ko na talaga yang si Veronica! Walang hiyang babaeng yan matagal ko ng napapansin na may gusto talga yan sa asawa mo. pero di ko akalain na papatulan siya ng magaling mong asawa" galit na sabi pa ni Claire.
"friend pangit ba ako? di na ba ako maganda at ipinaggpalit na niya ako? ano ba ang mali sa akin? naboard na ba siya sa akin?"
"walang mali sayo, sila ang may mali. tumahan kana at ipakita mo na matapang ka."
"anong gagawin ko? ano ba ang dapat kong gawin sa kanya?"
"kausapin mo ang asawa mo walang b*y*g! Sabihin mo sa kanya na kung ipagpapatuloy niya ang pakikipagrelasyon sa malantod na Veronica na yan eh di maghiwalay na lang kayo. Ano pa ang magagawa mo kung ganyan din ang asawa mo?"
"kaya ko kaya ang wala siya? sa tingin mo kakayanin ko?" umiiyak parin ako habang yakap ko siya. dahil hindi ko na kaya ang sakit na nakita ko kanina sa sinend sa akin ng isang kakilala namin.
"kayanin mo dahil harap harapan ka ng niloloko ng asawa mo. sa tingin mo maayos nyo pa? sa tingin mo kakayanin mo pa ang mabuo kayo kung alam mong nagloloko ang asawa mo?"
"hindi ko alam friend, hindi ko din kaya na mawala siya. mahal na mahal ko si Michael kahit na niloloko niya ako ngayon. baka may dahilan kung bakit siya nagloko."
"kung mahal ka ng asawa mo hindi yan magloloko. kung mahal ka niya kaya niyang tanggapin kung ano ka man. Sa tagal niyo ng asawa mo nun magboyfriend pa lang kayo since college ngayon lang yan nagloko. bakit anong dahilan niya? nagsawa siya sayo kaya tumitikim ng ibang putahe ganun ba?" galit parin na sabi niya sa akin
"kakausapin ko na siya pagdumating siya."
"dapat lang sa tagal mong nagtitiis sa kanya."
"maawa ka naman sa sarili mo Bea. ipaglaban mo ang sarili mo wag na ang relasyon ninyo dahil sa tingin ko kailangan mo ng lumayo sa toxic na asawa mo. alam ko para sayo hindi tama ang sinasabi ko pero sana isipin mo ang sarili mo ngayon. tumingin ka sa sarili mo. Sa tingin mo ikaw pa ba yan? halos isang buwan ka ng nakaleave sa trabaho mo at nun nasa trabaho ka naman lagi kang tulala."
"kayanin mo kung ano man ang maging decision mo para sa inyo. Sana piliin mo kung ano ang makakabuti para sa sarili mo wag na ang makakabuti para sa kanyan."
Siguro tama nga si Claire na kailangan ko ng bumitaw sa maliit na pagasa na mabubuo pa kami.
"tumayo na tayo at mag ayos kana ng sarili mo.tara gusto mo ba magpasalon tayo? samahan kita. ngleave ako for two days at alam ni Boss kung bakit."
"bakit ka ngleave sira ka talaga."
"what are friends are for , diba. ayoko na nagmumukmok ka nalang dito sa silid niyo. Lumabas ka at ipakita mo sa kanila na matapang ka.
"tignan mo nga ang sarili mo ngayon parang hindi na kita kilala dahil ang payat mo na at tignan mo ang mga mata mo wala ng buhay."
"sa tingin mo sino ang makakakain kung puro problema ang nasa bahay na ito."
"kaya nga get a life, bumangon ka ulit. Gusto mo tulungan kita maghanap ng bagong tirahan?"
"bakit para saan?"
"hindi ka makikipaghiwalay sa kanya? kung makikipaghiwalay ka sa kanya san ka titira? wala naman na kayong bahay dito sa Pilipinas. Pupunta ka ba sa Canada at dun titira?"
"hindi ko pa alam friend gusto ko muna magunwind na lang ngayon."
"oh siya, bumaba na tayo at kumain ka muna bago tayo lumabas."
Nagpunta kami ni Claire sa isang salon at ngpamake over ako. Pinagupitan ko ang mahaba kong buhok at binago ang kulay ng buhok ko. Tama nga siguro si Claire kailangan kong isipin ang sarili ko sa ngayon. Kailangan kong buksan ang isipan ko na magiging matatag ako kahit hiwalay na kami.
Hinintay ko siyang dumating para makapag usap na kami. Ayaw ko ng ipagpabukas pa dahil alam ko na wala na naman siyang oras sa akin. dahil kinalimutan na niya na may asawa siyang naghihintay araw araw.
Pagdating niya ay nagulat pa siya ng nakaupo ako sa sala.
"bakit gising ka pa? late na dapat natutulog ka na." sabi niya sa akin sabay halik sa aking labi pero iniwas ko ang mukha ko sa kanya kaya sa pingi ko tumama ang halik niya.
"gusto kong magusap tayo."
"ano na naman ang paguusapan natin Babe? hindi ka ba nagsasawa sa kakaselos sa walang kwentang bagay?"
"sa tingin mo magseselos ako ng walang dahilan" hindi ako ipinanganak kahapon Michael."pagalit na sabi ko sa kanya at nakita kong umigting ang panga niya.
"bakit ba nagpapaniwala ka sa tsismis. ganyan ka ba kawalang tiwala sa akin?"
"nagtiis ako ng ilang buwan sa tingin mo ganun hindi pa ba sapat yun? paulit ulit mo ako sinasaktan" naiiyak kong sabi sa kanya.
"babe mahal kita sana magtiwala ka sakin."sabi niya at ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya. titig na titig kami sa isat isa.
"pagod na ako maghintay sayo Michael. Gusto ko ng makipaghiwalay sayo. ayaw ko ng maghintay sayo kung kailan mo gustong umuwi. baka pag hindi ko gagawin ito ngayon ay baka hindi ko na makilala ang sarili ko" umiiyak kong sabi sa kanya.
"im sorry babe im sorry kung nasaktan kita."hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi at kinintalan niya ako ng halik sa ulo at niyakap ako ng mahigpit.
"palayain mo na ako. gusto ko muna mapagisa."sabi ko sa kanya na hindi tumitigil ang pag agos ng luha sa aking mga mata.
"ilang buwan ako nagtiis ilang buwan kitang inintindi pero paulit ulit mo akonsinasaktan." sabi ko sa kanya at kinalas ko ang kanyang yakap at pinagsusuntok ko siya sa kanyang dibdib hanggangvsa mapagod ako.
"yan ba ang gusto ko hiwalayan ako?" tanong sa akin ni Michael.
"hindi ko n kaya ang sakit kaya gusto ko ng hanapin ang sarili ko."
"sige pagbibigyan kita ngayon pero sana ayusin natin ito balang araw." pagsusumamo niya sa akin.
"babe please ayusin natin ito, im sorry sa ginawa ko."
"hayaan mo muna ako. bukas na bukas aalis na din ako."sabi ko sa kanya.
Sinundo ako ni Claire kinabukasan. At pansamantalang doon muna ako sa unit niya titira.
"friend gusto mo ba magpunta muna tayo sa probinsya namin ngayon? dun na tayo deretso?" tanong niya sa akin.
"ikaw ang bahala friend, salamat at nadiyan ka parati." madamdamin kong sabi sa kanya.
At dumiretso na kami sa Batangas. at doon nagpalipas kami ng araw na yun at nilibot namin ang bayan nila.
Doon ko nakilala ang kanyang mga magulang at kapatid .
Malawak ang kanilang mga lupa. ngayon ko lang nalaman na mayaman pala si Claire. Sa tagal namin na magkasama ay naging humble siya sa kanyang buhay. Apat silang magkakapatid at siya ang bunso. Ang panganay na kuya niya ang namamahala sa hacienda nila. Ako naman ay dalawa lang kami ng aking kuya Fredson. Nasa Canada na sila. Dahil nandito ang aking asawa ay hindi na ako sumunod pa sa kanila. College boyfriend ko si Michael. naging magkaibigan kami noon una at nahulog kami sa isa't isa dahil mabait siya. Naging maganda ang pagsasama namin at siya narin ang namamahala sa kanilang kumpanya. ngunit nagbago siya ng naging magkatrabaho sila ng isa sa mga kaibigan namin ni Claire na si Veronica. mataas ang pangaral nya at gusto niya laging nasa kanya ang attention ng isang tao. Ilang besea ko aiyang kinompronta at makapal parin talaga ang mukha niya dahil ilinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon sa aking asawa.