Naging maayos ang pagtanggap sa akin ng mga magulang ni Claire. Mababait ang mga magulang niya. Ang dalawang kapatid niya ay nasa ibang bansa na at doon na nainirahan kasama daw ng mga pamilya nito. Ang kanyang kuya Willam ay siya daw ang namamahala sa malawak nilang niyogan. May mga produksyion sila ng lambanog at langis. At may mga tanim din silang cacao dahil gunagawa din sila ng barakong kape.
"friend bukas na lang tayo mamasyal , magpahinga muna tayo."sabi sa akin ni Claire.
"sige friend. gusto ko din magpahinga at napagod ako nagbiyahe."
"buti alam mo ang salitang napagod? bakit sa asawa mo hindi ka napagod? sa tagal niyang nagloko lagi mo pinapatawad." sumbat pa niya sa akin.
"pagnagmahal ka kailangan magtiwala ka sa mahal mo. hindi mo iiwan ng dahil sa isang pagkakamali. patatawarin mo kahit ano pa ang kasalanan niya dahil ang iisipin mo ang madaming beses na naging masaya kayo."
"oo alam ko yun pero hindi lang isang beses ka niya niloko friend."
at umakyat na kami pataas sa second floor kung saan doon ang mga kwarto nilang magkakapatid at may mga extra room para sa mga bisita nila, pinapili niya ako kung magkatabi ba kami matulog o dun ako sa isang kwarto.
"kung hindi ka magagalit pwede ba sa isang kwarto? gusto ko mapagisa sana ngayon. Gusto ko wag magisip muna." malungkot na saad ko at naiiyak na naman ako sa nangyayari sa amin ni Michael.
"naiintindihan kita friend. at niyakap na niya ako." pagdating namin sa taas ay itinuro niya ang kanyang kwarto na nasa dulo para kung sakaling nagising ako ay katukin ko nlng siya. Magkatabi angkwartong inokupa ko sa kwarto niya.
"salamat friend dahil lagi kang nadiyan para damayan ako." at niyakap ko na naman siya.
"wala yun friend sige na magpahinga kana."
pagpasok ko sa kwarto ay namangha ako sa ganda at laki nito. Kung mayaman ang pamilya ng aking asawa ay mas mayaman ang pamilya nila Claire. Sa mga furniture palang ay halata na ang karangyaan. May mga mamahaling vase. at ang ganda ng interior design ng kwarto.
Inilapag ko na ang aking bag sa gilid ng kama.
"mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko" sabi ko sa isip ko. inilabas ko ang aking cellphone at nakita ko ang daming missed calls and messages.nakasilent mode ang cellphone konkaya hindi ito narinig. Ang daming missed calls ni Michael at siya din ang nagpadala ng mga messages.
"babe where are you?"
"babe answer my calls"
"babe whh i cant reach you? yun ang paulit ulit niyang message sa akin. Hindi ko namalayan na naglandas na naman ang mga luha ko. Nakadama na naman ako ng kirot sa mga nangyayari. bakit kung kailan umalis ako tsaka niya ako hahanapin. bakit nung magkasama kami ay hindi na niya ako pinapansin. tsaka mo lang ba maiisip ang isang bagay o tao pag nawala na? Hindi niya pinahalagahan ang mga nagmamahal sa kanya. Araw-araw binabago siya ng panahon, nagiging makasarili na siya ng mga panahon na umaangat na siya. Parang biglang iniwan na niya ako sa isang tabi na ngayon ay hinahanap hanap na niya.
Kailangan kong maging matatag at ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan hanapin ko ang aking sarili dahil sobra na akong nasaktan sa mga pangyayari.
Gabi na ng magising ako. Pabalik-balik daw si Claire sa kwarto ko pero hindi pa daw ako gising at ayaw niya akong gisingin dahil alam niyang pagod ako.
Paglabas ko ng kwarto ay may isang lalaking naglalakad patungo sa hallway at malamang ay patungo siya sa isang kwarto. Nagkasalubong kami ng lalaki, nginitian ko siya ng tipid pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang siya na pumasok sa katapat ng kwartong inookupa ko, Bumaba na ako ng hagdan at saktong paakyat si Claire ay siya naman na pagbaba ko.
"Good evening sleeping beauty. kumusta ang tulog?" bati niya sa akin
Natawa ako sa sinabi niya "good evening, ang haba ng tulog ko at masarap ang tulog ko. salamat talaga friend."
Wala yun, anyway kakain na tayo.nakasalubong mo ba si kuya? kadarating niya lang din. maglilinis daw muna siya ng katawan saglit at malagkit daw siya kaya hintayin muna natin siya sa sala."
"oo nakasalubong ko kanina. sige dun na lang muna tayo."
"ay sa labas na lang muna tayo sa may kubo sa garden. wait mo lang ako dito at magpapaalam lang ako kina manang Dora."
Hinintay ko siya sa sala at nakita ako ng mama niya na mag-isa sa sala.
"kumusta iha ang tulog mo? nasan si Claire?
"nagpaalam lang po siya kay manang Dora tita. tatambay daw muna kami sa may kubo
"oh siya iha magenjoy ka lang dito or kung gusto mo magstay ka muna dito at magpalamig, magisip isip kung ano ba ang magiging decision mo."
"salamat tita pag-iisipan ko po. nakakahiya naman po na maiiwan ako dito tapos babalik si Claire sa Manila."
"ok lang yun iha, madami kang mapglilibangan dito at andito naman ang panganay ko. pwede ka niyang ipasyal kapag wala siyang trabaho sa farm."
"titignan ko tita, maganda nga dito at fresh air. talagang makakapag isip ako ng maayos dito."
Biglang dumating si Claire at binati ang kanyang ina at humalik sa pisngi.
"Hi ma, san ka po galing?" tanong niya sa ina.
"sinamahan ko ang papa mo na nagpunta sa mall may mga binili na gamit."
"aah ok po, ma sa kubo lang kami ni Bea, tawagin niyo na lang po kami kapag kakain na."
"sige iha mas malamig ang hangin dun."
at lumabas na kami at tinungo ang kubo sa may gilid. Ang ganda ng garden nila. my mga bonsai na mga bougainvillas at mga orchids. ang gaganda pa ng mga bulaklak mga rare pa ang halos lahat ng bulkalak na nandito. My mga rare caladium din sila.
"wow ang ganda naman ng mga halaman niyo. ang sarap sa mata nakakarefresh."
"oo friend kaya magandang tumambay dito lalo na sa gabi dahil tignan mo ang mga christmas lights hindi yan pinapaalis ni mama."
"kaya nga ang ganda talaga. ang sarap tumira dito. bakit sa manila ka nagapply? sa dami ng business nyo dito ay bakit doon ka pa?"
"actually friend family business din namin ang nasa manila. pero si tito ang humahawak nun, paminsan minsan ay nagpupunta dun si mama or si kuya para bumisita."saad niya sa akin na ikinagulat ko.
"what sa inyo ang Castillo Construction, Inc.?gulat kong tanong.
"oo friend pero walang nakakaalam na apo ako ng may-ari. pasensya kana at ikaw ngayon ko lang sinabi sayo."
"ok lang friend, grabe nagulat ako sa revelation mo. Ilang taon na tayo magkaibigan ngayon ko lang nalaman."
"ayaw ko kasi humawak ng business kaya sa tito ko pinahawak na kapatid ni mama."
"ok lang yun at atleast naguumpisa ka sa mababa para may idea ka sa takbo ng company niyo."
"ikaw eh ang aga mo kasi nagpakasal di mo muna inenjoy ang single life mo."
"mahal namin ang isa't-isa kaya kami nagpakasal. hindi ko akalain na babaguhin siya ng mga taong nakapaligid sa kumpanya nila. Halos dun na siya tumira sa hotel nila kasama ng kanyang babe."
"bakit kasi hindi ka doon nagtrabaho? tignan mo lumipat tuloy ang malantod na Veronica na yun sa kumpanya ng asawa mo. Alam mo bang nagpapapansin yan sa tito ko. Diyosmiyo garapon halos tatay na niya ang tito ko pero kung makapaglande grabe."
"what? bakit ngayon mo lang sinabi? sa una ang bait niya sa akin yun pala may balak siyang masama sa asawa ko."
"oo pero marupok ang asawa mo friend. hindi kinaya ang tukso ni Veronica." sabay tawa niya at natawa din ako sa sinabi niya sa huli.
"ganyan nga tumawa ka friend wag mo hayaan na lamunin ka ng galit mo sa mga taong walang kwenta."
"oo salamat at nariya ka talaga."
"oo naman." at maya maya tinawag na kami para makapggabihan na kami.
Pagdating namin sa dining table ay nakaupo na ang kanyan mga magulang at kuya sa hapag.Ang haba ng table nila kasya ang 24 na tao sa isang table.
"good evening po tito and kuya." bati ko sa kanila.
"good evening" sabay na bati sa akin ng mga magulang nila pero ang kuya niya ay hindi ako sinulyapan.
"kuya c Bea nga pala friend ko and officemate ko din." hindi siya sumagot at tumango lang siya.
"hello po" bati ko sa kanya na hindi niya ako pinansin.
habang kumakain kami ay nagtatanong ang papa nila kung kumusta ang farm ng araw na yun.
"madami ang production ng lambanog ngayon papa. bukas ay pupunta ako sa cacao at titignan ko kung pwede ng mag-ani."
"ah ganun ba. eh kung gusto mo isama mo ang kapatid mo at ang kaibigan niya para makapamasyal din sila bukas." banggit ng papa nila.
"oo nga kuya sama kami ni Bea bukas at maglibot libot din kami, friend nakasakay kana sa kabayo?"
"hindi pa friend parang nakakatakot naman sumakay ng kabayo."
"naku mageenjoy ka sa pagsakay ng kabayo, di bale tuturuan kita bukas or si kuya ang magtuturo sayo. ano kuya turuan mo si Bea bukas mangabayo?" tanong pa niya sa kuya niya.
"ok" maikling sagot niya
binulungan ko si Claire "friend nakakahiya naman sa kuya mo mukhang busy yan sa farm tapos iistorbohin naten." nahihiyang sabi ko sa kanya na narinig pala ni William.At tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita.
Natapos ang gabihan namin at bumalik kami ni Claire sa kubo para magpahangin.
"saan mo gustong tumira? gusto mo bang tumira malapit sa condo ko?"
"actually friend i dont know, i dont have any plans yet. parang lutang ang buong pagkatao ko ngayon. Five years pero sinayang niya. sinayang niya ang limang taon namin. akala ko mahal niya talaga ako pero hindi. ipinagpalit niya ako sa taong walang alam kundi ang sumira ng pamilya."
"pwede ako magtanong? pero sana huwag kang magagalit."
"sure ano ba yun?"
"sa two years nyo na mag-asawa bakit hindi pa kayo nagkaanak?"
"ayaw pa daw niya na magkaanak kami. gusto niya daw ienjoy na kami lang daw muna. at busy siya sa trabaho dahil pinapalago niya ang Hotel nila. Sa totoo lang mageexpand narin ang G Hotel by next year."
"ganun ba, buti at walang batang masasaktan kung sakaling hindi na kayo magkabalikan."
"sa tingin mo maayos pa namin ang relasyon namin? sa tingin mo magiging ok pa kaya kami? ako may pagkakataon na gusto ko ng bumitaw."
Biglang napakanta si Claire na ikinatawa ko.
"Gusto ko ng bumitaw
ngunit ayaw pa ng puso
gusto ko ng bumitaw
may pag-asa pa siguro
kalaban ang sarili
sino bang dapat pumili
sino nga ba ako ba o ikaw
gusto ko ng bumitaw!
ohh...
ohh. "
Pumalakpak ako dahil ang galing niya talaga kumanta.
"grabe galing mo talaga kumanta, may pinagdadaanan ka rin?" tanong ko sa kanya.
"wala ok kami ng bf ko, alam mo naman yun si Noah sobrang bait nun and understanding."
"buti pala pumayag siya na samahan mo ako?"
"alam niya ang situation mo friend, naiintindihan niya and baka nadiyan din siya sa bahay nila ngayon. Nagmessage siya kanina na baka sumama daw siya sa atin bukas na mamasyal."
"aah ok taga dito din ba siya sa Batangas?"
"yes, kilala din ang mga Diaz dito sa amin pero sa kabilang bayan pa sila."
"aah maganda at dito lang din pala sa Batangas magkalapit lang kayo."
"oo nga, mahirap magboyfriend ng malayo"sabay halakhak niya.
"ang ganda lang ng kantang gusto ko ng bumitaw, friend bagay sayo yun. trending nga ngayon sa socmed eh"
"hindi ko alam yan dahil matagal na ako hindi nagbubukas ng socmed account ko."
"paano kinalimutan mo ang sarili mo, ibinuhos mo lahat sa asawa mo."
"naku buti na lang at napakiusapan ko si tito na intindihan ka sa ngayon at wag ka bigyan ng madaming workload."
salamat friend." at niyakap ko na naman siya.
"ok lang yun gusto ko maging masaya ka naman. intindihin mo ngayon ang sarili mo. self mo muna ngayon before others. Patayin mo muna nag cellphone mo and enjoy your stay here."
"oh siya magbeauty rest na tayo at tiyak na maaga tayong aalis bukas."
at umakyat na kami sa taas.
"goodnight friend!" sabi niya sa akin at naggoodnight narin ako sa kanya.
pagpasok ko sa kwarto ay nalungkot na naman ako. Gusto kong iopen ang cellphone ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita ang mga messages ni Michael.
Nagtungo na ako sa banyo at naglinis ng katawan. Nakasuot na ako ng terno na silk eden green pajama at nagpapatuyo na ako ng aking buhok ng may kumatok sa may pintuan. Tinungo ko ang pintuan ang pinagbuksan ang tao na nasa labas.
"I just want to remind you to wake up early morning tomorrow dahil maaga tayong aalis."
"what time po kuya?"
"before 6 dapat nakaalis na tayo dahil maiinit na ang araw pag tanghali na tayo aalis bukas."
"ok po kuya copy po" pagkasabi ko nun tinitigan niya ako at parang may gusto pa siyang sabihin pero bigla na lang siyang umalis.
Sinarado ko na ang pintuan at pinagpatuloy ang pagpaptuyo ng buhok ko para makatulog narin dahil maaga pa ako gigising kinabukasan.