Kinabukasan ay maaga ako nagising naligo na ako at nag-ayos muna ng sarili ko dahil baka katukin ako at umalis kami ng maaga. Pagkatapos ko magblower
ay lumabas na ako at kinatok ko si Calire kung gising na siya. Hindi nagtagal ay lumabas binuksan niya ang kanyang pintuan pupungas pungas pa siya.
"Good morning friend." bati ko sa kanya.
"Good morning ang aga mo naman nagising" sabi niya at niluwagan niya ang kanyang kwarto at pinapasok ako.
"diba aalis tayo ng maaga? at hindi narin ako makatulog kanina."
"sige hinatyin mo na lang ako at maliligo pero kung gusto mo magkape pwede kang magkape muna sa kusina alam kong adik ka sa kape."
"sige friend doon na lang muna ako sa kusina at magkakape muna ako."
pababa na ako ng naamoy ko ang mabangong niluluto nila. pagkarating ko sa baba ay nadatnan ko angbisa sa mga kasama nila na nagluluto ng mga pagkain, parang ang dami nilang nilulutona pagkain.
"Good morning po, pwede po ba magtimpla ako ng kape?" bati ko sa matanda na nagluluto.
"good morningbineng, sige kuha ka lang dun sa gilid andun ung kape at mainit na tubig. ako pala si Sol." pakilala pa niya sa akin.
"sige po.manang Sol." at kumuha na ako ng kape.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay tinanong ko siya kung ano ang mga niluluto niya.
"Manang Sol ano po yang mga niluluto niyo?"
"naku iha madaming pinaluto si Sir na mga pang umagahan niyo daw at dadalhin din sa farm hindi ko para may makain kayo mamaya doon."
"ganun po ba pwede ko po ba kayo tulungan na magprepare at wala naman po ako ginagawa."
"naku iha nkakahiya at bisita ka ng mga amo ko baka kung ano ang sabihin nila."
"ok lang naman po yun manang wala sanay po ako magluto at lagi ko din po ginagawa sa asawa ko." bigla akong nalungkot ng maalala ko ang mga sandaling pinaghahanda ko siya ng agahan.
"oh siya sige iha kung mapilit ka."
"salamat po manang, ano po ang pwede ko maitulong sa inyo." sabay lapit ko sa kanya at tinignan kung ano ang niluluto.
"wow ang sarap naman po niyan longganisa, saan po galing?"
"naku sariling gawa lang dito masarap ito at maraming bawang pero meron din yung gawa sa matamis bale dalawang klase ang niluto kong longganisa para matikman mo ang homemade longganisa namin."
"ang galing nyo naman po manang at kayo pa talaga ang gumagawa niyan."
Habang naglalagay na ako sa lagayan ng mga pagkain ay sakto naman na pababa na si William. Nagulat pa ako sa kanya ng magsalita ito at tanungin ako kung bakit ako tumutulong sa pagprepare ng babaunin namin. Nun pag -angat ko ng tingin sa kanya ay napatulala ako. Parang ang gwapo niya tignan sa suot niyang fitted na white tshirt."grabe ang gwapo" sabi ko sa isip ko.
Nagprisinta po ako kay manang na tulungan na lang po siya dahil wala naman po ako gingawa. Good morning po pala."
"good morning, si Claire hindi pa ba siya gising?" tanong niya sa akin.
"nagising na po kanina sabi po niya maliligo muna siya bago bumaba"
"sige at titignan ko siya."
"gusto mo po ba magkape ipagtitimpla po kita" prisinta ko.
"ok black please and less sugar. thank you"
"ok po no problem" at ipinagtimpla ko na siya ng kape at siya naman ay umakyat na para tignan ang kapatid niya.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay nagsalita si Manang Sol.
"Iha ang swerte ng asawa mo sayo, sa nkikita ko sayo ay isa kang mabuting asawa. may anak na ba kayo?"
"wala po manang ayaw pa niya na magkaanak kami"
"ganun sayang naman mas maganda na habang bata pa kayo ay maganak na kayo"
"mukhang hindi na po matutupad manang."
"bakit naman iha?"
"nakikipagrelasyon po siya sa kaibigan namin at hindi ko po alam kung maayos pa namin."
"ganun ba iha nakakalungkot naman kung ganun, maganda ka at mabait bakit ka niya ipagpapalit sa iba."
"hindi ko din po alam kung bakit niya ako ipinagpalit." malungkot na sabi ko
"sana magkaayos kayo kung pwede pang ayusin pero kung hindi na iha wag mo ng ipilit at baka mas lalo ka lang masaktan."
"yun din po ang sabi ni Claire kaya nandito kami ngayon."
"nakikita ko sayo na isa kang mabuting tao iha sana'y mahanap mo ang kaligayan mo balang araw"
"salamat po manang"
"wala yun iha hamo at ipagdadasal kita lagi. isasama kita sa mga dassal ko."
"salamat po" naiiyak kong sabi at niyakap na niya ako.
Saktong pababa na sila Claire at William sa hagdan ng punasan ko ang nakatakas na mga luha sa aking mga mata.
"pasensya kana friend nakatulog ako ulit"
"ok lang friend coffee gusto mo? alok ko sa kanya habang ipinatong ko narin sa harap ni William ang kape na tinimpla ko.
"ako nalang friend umupo kana lang diyan at kanina ka pa gising at tiyak na tumulong ka sa pagprepare ng mga babaunin natin." Tumayo na siya ulit at nagtimpla siya ng sariling kape.
"saan tayo unang pupunta kuya?"
"daan muna tayo sa kapehan bago tayo magtungo sa niyogan."
"ok ano sasakyan natin na pumunta dun?"
"yung kabayo nalang ang sakyan natin."
"ahhmmm sa kabayo tayo sasakay? sorry pero baka wag na lang kaya ako sumama? natatakot ako sumakay sa kabayo at baka mahulog ako."
"sa akin kana sasabay kung takot ka" sabi ni William.
"oo friend kay kuya ka nalang sumakay at maalam yan mangabayo hindi ka niyan ihuhulog" sabi naman ni Claire.
Pagkatapos namin magkape ay sinabi na niWilliam na aalis na kami pero nagalangan ako dahil sa suot kong maxi dress na floral parang hindi tugma ang suot ko sa mga suot nila.
"aaah pwede po ba ako magpalit muna?"
"ok na yang suot mo wag kana magpalit kaya tara na." lumakad na siya palabas nag bahay at sumunod na lang kami ni Claire sa kanya.
pagdating namin sa kwadra ay inilabas na niya ang kabayong gagamitin namin. Yung kulay ng kabayo niya ay black at may isang lalaki na nakasunod sa kanya at white naman ang kulay ng hawak ng lalaki na kasama niya. Nagulat ako ng patakbong sinalubong ni Claire ang kabayo. Niyakap ni Claire ang kabayo dahil ito pala ay kanya.
"I miss you Star" sabi niya sa kabayo sabay himas sa ulo nito.
"friend kabayo ko si Star, Star siya ang bff ko sa Manila siya si Bea."
"hi Star nice meeting you"
tinawag na ako ni William at sinabing sumakay na kami baka masyado na daw mainit sa dadaanan namin kailangan daw alas nuwebe nasa niyogan na daw kami.
"ano hindi ko alam umakyat diyan" walang sabi sabi ay binuhat niya ako sa bewang at isinampa sa kabayo ng patagilid. parang nakuryente pa ako sa pagkakahawak niya sa akin.
Habang binabaybay namin ang mga Cacao ay ang lakas ng tambol ng aking dibdib dahil parang nakayakap siya sa akin.nakakulong ako sa magkabilang braso niya. Parang hindi na ata ako humihinga sa aming pwesto. Pansamantalang nakalimutan ko ang aking problema dahil sa mga halamang nakikita ko at s fresh air na nalalanghap ko.
"ayos ka lang b?" tanong niya sa akin.
"ah eh opo" sagot ko sa kanya.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa dulo ng mga puno ng Cacao. may mga kinausap siyang tao at tinukso pa siya dahil may bago na daw siyang girlfriend. At nanghinayang ang mga tao dahil sinabi niya na hindi. Sabi pa nila ay bagay daw kami.
Pagkatapos niyang maginspect ay umalus na kami at nagtungo na kami sa niyogan. Kung gaano kalawak ang taniman nila ng Cacao ay mas malawak ang niyogan nila.
"Wow ang ganda naman dito ang daming niyog" namamangha kong sabi sa kanya.
"Maganda talaga dito at sariwa ang hangin kaya madalang ako magpunta sa Manila dahil mas gusto ko dito."
"Mas maganda talaga dito sana magkaroon din ako ng taniman na ganito kaht maliit lang tapos may maliit na bahay yung tahimik ang paligid at ang mga maririnig mo ay mga huni lang ng mga ibon at iba pang mga hayop"
"bakit hindi ka bumili ng lupa sa probinsiya"
"ayaw kasi ng asawa ko ng simpleng buhay gusto pa niyang higitan ang mga nagawa ng kanyang Daddy."
"ganun ba kung yun ang gusto niya eh di suportahan mo nalang siya."
"ganun nga ang ginawa ko, ang sinoportahan siya pero iba pala ang plano niya."
"ikaw ano na ang plano mo sa buhay mo?" tanong niya sa akin habang tumatakbo ang kabayo.
"hindi ko pa alam kung ano ang magiging plano ko sa ngayon gusto ko muna kalimutan ang mga bagay na meron kami"
"habang nandito ka ay kalimutan mo muna siya.isipin mo nalang na hindi ko natanong sayo" sabi pa niya.
"ok po"
huminto kami sa isang maliit na kubo. Si Claire ay nasa daan pa at magkasabay na pala sila ni Noah.
"Grabe ang ganda talaga dito sa inyo ang sarap ng hangin." sabi ko habang naglalakad na kami patungo sa maliit na kubo. nandun na sa isang mesa ang mga pagkain na hinanda namin ni Manang Sol.
"ikaw kung papalarin ka gusto mo bang tumira sa ganitong lugar?
"oo naman ito ang isa sa mga pangarap ko ang simpleng buhay"
"hindi ka kaya magsisi balang araw?"
"bakit naman ako magsisisi eh ang ganda ganda kaya ng ganito."
nahinto ang usapan namin dahil bumaba na sila Claire and Noah sa kanilang mga kabayo.
"Hi Bea kumusta?" bati sa akin ni Noah
"Hi eto surviving"
"pare"bati naman niya kay William na tinanguan naman ng isa.
"kaya mo yan I know you are a strong person."
"sana nga ganun talaga ako pero dumarating din pala sa punto na susuko kana at hindi na makayanan ang mga sakit na dulot ng ginawa niya."
"wag na muna natin pag-usapan yan kalimutan mo muna yan at magsaya ka kahit isang araw lang."
At masaya namin pinagsaluhan ang mga pagkain na dinala dito.Nag-aya din si Claire na magswimming kami sa ilog dahil may ilog daw pala dito.
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na nga kami sa ilog at nilakad na lang namin.
"careful Bea mabato sa dinadaanan natin." sabi ni William sa akin.
"ok po" sagot ko sa kanya.
Ng narating namin ang ilog ay namangha ako sa ganda nito.
"ang linaw ng tubig." sabi ko sa kanila
"ngayon ka lang ba nakapunta sa ilog?" tnaong ni Claire sa akin.
"oo friend alam mo naman na laking Maynila ako. Sa Manila Bay lang ang alam ko na hindi naman malinis noon."
Natapos ang maghapon namin sa pagligo.Masaya silang kasama at nakalimutan ko saglit ang sakit na aking nadarama.
Umuwi na kami bandang hapon na. at pagdating namin sa kanilang hacienda ay binigyan kami ng tig-isang towel dahil mga basa pa kami. Ramdam ko kanina ang init na singaw ng katawan ni William ayaw kong pansinin pero kakaiba ang naramdaman ko ng nagdaiti ang aming mga balat sa kamay.
Deretso na ako sa kwarto na inookupa ko pagkababa sa akin ni William. at siya naman ay ganun din. Siguro naramdaman din ni William ang naramdaman ko dahil puro siya buntong hininga.
Sabi ni William ay magpahinga muna daw ako at tatawagin nalan kapag maghahapunan na.
Pagkatapos kong magpalit ay humiga na ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod ng pagligo sa ilog.
Nagising ako ng may kumatok sa aking pintuan. Pagbukas ko ay si Manang Sol at sinabing kakain na.
"sunod nalang po ako manang, thank you po"
Pagkababa ko ay nasa hapagkainan na sila William, Claire and Noah. Wala ang mga magulang nila Calire dahil bumalik daw sila sa Manila.
"what time kayo babalik ng Makati bukas?" tanong ni Noah kay Claire
"Siguro mga after lunch na lang."
"Ok, maaga akong babalik bukas dahil may mga aasikasuhin pa ako or baka mamaya ay alis na ako."
"basta hon magmessage ka sa akin" sabi ni Claire kay Noah.
"i hope you enjoy your stay here friend."
"oo naman friend salamat talaga dahil niyaya mo ako dito sa napakagandang lugar nyo."
"your welcome here anytime kung gusto mo makalanghap ng sariwang hangin."
"salamat friend."
Habang kumakain kami ay tahimik lang si William. ngunit kalaunan ay naguusap na sila ni Noah tungkol sa kani kanilang mga negosyo...
Pagkatapos namin kumain ay sinabi ko na pupunta lang ako sa kubo at magpahangin, si Noah ay nagpaalam narin sa amin dahik may mga aayusin pa raw siya. Susunod daw sa akin si Claire sa kubo at may kukunin daw sa kwarto niya.
Hindi ko namalayan na pumatak na naman ang luha sa aking mga mata. Iisipin ko muna ang sarili ko sa ngayon. Siguro magiging tama ang decision ko na hiwalayan na lang ang aking asawa.
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Claire. palihim kong pinunasan ang nakatakas na luha sa aking mga mata. Pero alam kong nakita niya na lumuluha na naman ako.
"friend wag mong hayaan na iguho ka ng iyong sarili sa kalungkutan"
"hindi ko alam kung paano ulit maguumpisa friend."
"kakayanin mo yan friend"
"paano? halos pitong taon kami na magkasama" at sa pitong taon na yun ay masaya kami at kung may mga problema kami noon aybmaliliit lang."
"alam ko madaling magsarili dahil hindinko nararanasan pero sana magihing matatag ka."
"gusto ko sana magextend ng one week leaved papayagan kaya ako?"
"ano naman ang gagawin mo sa one week leaved mo? magkukulong ka?"
"gusto ko lang magpagisa muna at makapagisip isip ng maayos."
"kung sa tingin yun ang magiging paraan para maging ok ka sige ipapakiusap ko kay kuya na iextend ka ng one week vacation."
"maraming salamat talaga Claire"
at nagayakapan na kami.
Kinabukasan ay napagpasyahan namin na umuwi ng maaga para matignan ko ang bahay na kukunin ko. malapit lang daw sa condo ni Claire. at ang sabi ay sa kakilala niya daw ang condi.
Pagdating namin sa condo na irerent ko ay nagayos na ako ng mga gamit para mamaya ay bibili ako ng mga stocks ko na pagkain at ibang mga kailangan ko dito sa bahay.
Kapag madami akong pinagkakaabalahan ay hindi ko naiisip ang aking asawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuksan ang aking cellphone ko.
Pinilit kong iwaksi muna siya sa aking isipan.
Lumabas ako pagkatapos kong magayos ng mga gamit ko para makabili ng ibang kailangan ko dito sa condo.
Bumili lang ako ng pagkain ko ng isang linggo. dahil ayoko munang lumabas at makipagusap sa ibang tao.