Chapter 4

2206 Words
Pagkadating ko galing sa grocery ay hindi na ako lumabas. Sinalansan ko na lang ang mga pinamili ko at nahiga na ako. At wala akong ganang kumain kahit na nagluto ako.Hindi gusto ng sikmura ko ang mga naluluto ko at ayaw tanggapin ng aking tiyan ang kahit na anong pagkain na nakikita ko. Titikim lang ako konti at parang wala na din akong panlasa. Hinayaan ko nalang ang niluto ko kahapon at nahiga nalang ako. Iyak at tulog nalang ang ginagawa ko sa tatlong araw... wala akong kinakain kundi tubig lang ang naipapasok ko sa aking tiyan. Wala pa akong ganang maligo o kahit na anong gawin ko. Ang gusto ko lang uminom ng alak at matulog ng matulog para hindi ko maisip ang aking asawa. Ayokong maramdaman ang sakit, sakit na gustong wasakin ang buong pagkatao ko. Sa ikaapat na araw kong hindi lumalabas ay may kumatok sa may pintuan ng aking unit wala akong inaasahan na bisita dahil si Claire lang ang nakakaalam. Naalimpungatan ako dahil nakatulog ako habang umiiyak sa may maliit na mesa sa aking sala at kaharap ko ang aking iniinom na alak. Wala pang dalawang oras siguro akong natutulog. "Sino yan" tanong ko sa nagdodoorbell pero hindi sumasagot, pupunga pungas akong tumayo at muntik pa akong matumba dahil meron pang spirito ng alak ang buong systema ko. Pagnagigising ako ay halos alak ang iniinom ko. Pagbukas ko sa pintuan ay nabungaran ko si Claire na nakakunot noo. "friend ano yang itsura mo? bakit mukhang hindi ka naligo ng isang linggo?" pumasok ko kahit hindi ko pa siya inaalok. "at bakit ang daming kalat dito sa unit mo? tignan mo nga yang itsura mo parang nanlalagkit ka. naliligo ka pa ba? kumakain ka pa ba? bakit pumayat ka ng ganyan halos apat na araw lang tayo hindi nagkita pero ganyan na ang katawa mo." Tinignan ko ang sarili ko at sa nakikita ko ay ok naman ako. "okay pa naman ako friend." umupo ako sa sahig at tinungga ang alak na may laman pa. "oh my G alak agad ang iniinom m? friend naman bakit mo pinababayaan ang sarili mo? maawa ka naman sa sarili mo tignan mo ang payat mo na. Halika maglinis ka ng katawan mo!" sabay hila niya sa akin patayo at iginiya sa banyo. "Maligo ka kung ayaw mong paliguan kita!" sabi niya sa akin at itinapat niya ako sa shower at binuksan niya ito. Napahagulgol ako dahil sa sakit na nadarama mo. "friend hindi ko ka yaaa hin oh di oh ko na ka uhm ya uhm uhm" sabi ko sa kanya na humihikbi na ako sobrang iyak ko at napadausdos ako sa sahig dahilan para yakapin ako ni Claire. "kayanin mo friend alam kong matatag ka, magpakatatag ka. kaya mo yan be strong." sabi niya sa akin at mangiyak ngiyak na din siya. "bakit hindi ka muna pumunta sa pamilya mo sa Canada I'm sure they will comfort you there hindi ka magiisa dahil kasama mo sila." "get your life back ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit na wala siya." "sige na maligo kana at ako na mag-aayos sa mga kalat mo." Naligo na ako at feeling ko ay nafreshen up ako dahil sa apat na araw akong walang palit at ligo puro alak tulog lang ang ginawa ko. Lumabas na ako sa aking kwarto pagkatapos kong magbihis. Kanina pagkakita ko sa itsura ko ay umimpis nga ako at ang aking mga mata ay namumugto na kakaiyak. Para akong nililipad sa hangin siguro dahil sa hindi ako kumain ng ilang araw. "Oh ayan mas ok na ang itsura mo kesa kanina na parang ang lagkit lagkit mo grabe ang buhok mo kanina gulo gulo. friend tama na ang pagmukmok ha?" Tumango lang ako dahil my tumatakas na naman na luha sa aking mga mata. "oh siya umupo kana diyan at nagluto ako ng soup para naman mahimasmasan ka." at umupo ako tsaka tinignan ang soup na hinanda niya. Tinitigan ko lang yun titig na lagpas ang tingin. "friend tulala kana naman, soup yan ha baka iba maisip mo." tumango lang ulit ako. "gusto mo ba mamasyal tayo? pasyal tayo kasi ilang araw nalang eh babalik ka na sa work diba?" "ayoko muna lumabas" sabi ko sa kanya at nagalit siya. "eh anong gusto mong mangyari sa sarili mo ngayon? pabayaan mo na lang? at siya nagpapakasarap sa kanyang kabit at ikaw itong parang wala ng buhay? ha ano hahayaan mo nalang ang sarili mo na malugmot diyan sa pinagdadaanan mo?" At umalpas na nga ang luhang pinipigilan ko. "hindi ko alam friend huhuhu" at nanginginig ang boses ko habang umiiyak na sabi ko sa kanya. "ubusin mo na yan at lalabas tayo ng mahanginan ang utak mo. Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin mo sa sarili mo ay hindi kita hinayaan na mapag-isa" Hinigop ko ang sabaw na bingay niya pero hindi ko naubos dahil hindi kaya ng tiyan ko na tanggapin. "ayaw mo na? paano ka magiging malakas kung hindi ka kumakain?" "hindi tinatanggap ng sikmura ko." "pero ang alak tinatanggap ng sikmura mo? alam mo ba kung ilak alak ang inilagay ko sa garbage bag?"sumbat pa niya sa akin habang nakayuko ako habang yumuyugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko. "magpalit ka na ng panlabas at ng makaalis na tayo. magdala ka din ng bihisan mo at may pupuntahan tayo." sabi pa niya sa akin. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at nagbihis ako ng panlabas at nag-ayos ng dadalhin ko ng damit. Paglabas ko ng aking kwarto ay nakaupo na si Claire sa sofa at may kausap sa kanyang cellphone. Pagkakita niya sa akin ay nagpaalam na siya sa kanyang kausap. "are you ready?" "yeah." "let's go." "wait double check ko lang kung nakalock sa likod." "talagang ngayon mo lang naisip yan pagdouble check mo kung nakalock lahat? samantalang nakita kong nakaopen yung mga bintana mo sa likod at open na open ang pintuan mo doon. Nalock ko na po bago ako umupo kanina." "thank you, saan ba tayo pupunta?" "i want to talk to you in a peaceful place. yung hindi dito sa tinitirhan mo.friend you need someone to lean on. I can feel your heartache." hindi na ako sumagot sa mga sinasabi niya sa akin at nauna na akong lumabas sa kanya at hinintay ko na lang siya sa labas ng unit ko. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mansyon nila. pero bago kami bumaba sa sasakyan niya ay kinausap niya muna ako. "I know gusto mo mapagisa pero ang sa aking lang kung magkukulong ka sa bahay ay magiging depressed ka lalo. you need someone to help you to overcome this. tara sa dun nalang tayo sa may kubo magusap." at naglakad kami sa kubo. "friend you need to sort things out before you talk to your husband. Pagisipan mong mabuti ang mga magiging decision mo kung tama ba o kung kaya mo na siyang bitawan or kung ipaglalaban mo pa" "siguro tama ka na magdecision na ako na i need to move on." friend kahit na anong sabihin ko nasa sayo ang decision wala sa akin o kung kanino pa man. kung mahal mo pa ipaglaban mo kung nararapat ngang ipaglaban ang isang tao. pero kung hindi at lagi kang nasasaktan bitaw na." "siguro one of these days ay kakausapin ko na siya. kailangan ko ng makipagusap sa kanya. ayoko na friend nakakapagod ng hinahayaan ko siya sa lahat. Siguro it's time for me na sarili ko naman ang isipin ko. pwede ba ako magresign muna? i know ang tagal kong nakaleaved and sa huli eh magreresign din ako. Gusto ko lang hanapin muna ang sarili ko. Gusto kong puntahan muna ang mga magulang ko at kapatid." "wag ka sa akin magpaalam. kung ako papayagan kita dahil kailangan mo pero wala akong karapatan sa mga ganyan. at daat kausapin mo muna si Michael. pagusapan niyong maigi ang lahat. Dapat magkalinawan na kayo." oo dapat na nga kaming mag-usap." "kaya tama na muna ang pagmukmok mo." "tama ka friend. kaya bukas pagbalik natin ng Manila ay kakausapin ko na siya." "dapat lang dahil ilang araw na kayong hindi naguusap at saka friend lagi siyang pumupunta doon sa office at tinatanong ka eh sinabi ko na hindi kana pumapasok." "tawagan ko na lang siya mamaya para iset kung anong oras kami maguusap." Hindi pumayag si Claire na matulog ako mag-isa sa inilaan nilang kwarto para sa akin dati. Magkatabi kaming natulog. Nag-usap kami hanggang magumaga na siguro. Nagbigay siya ng advise sa akin at nasa sa akin daw kung ano daw ang magiginh decision ko. Mahirap pero I need to talk to him. I need to clarify everything to him and if ever our relationship, our marriage will end up I will move forward looking for myself and stand strong. Bumalik kami sa Makati kinaumagahan at hinatid ulit ako ni Claire sa aking condo. Pagpasok ko ay deretso ako sa kwarto at nagpahinga muna ako saglit. Paggising ko ay inopen ko na ang aking cellphone. Ang daming tawag at messeges na natanggap ko galing kay Michael. Tinawagan ko siya at dalawang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. "hello? babe where are you?" hello? hello? sagot niya sa kabilang linya pero pinapakiramdaman ko muna ang sitwasyon dahil naiiyak na naman ako. tumikhim muna ako para maalis ang bara sa aking lalamunan. "hmm , can we talk privately? kahit saan, yung tayo lang dalawa kahit siguro diyan sa bahay pero sana yung dalawa lang tayo walang ibang tao." "gusto mo ba paalisin ko muna si manang? kailan mo gustong umuwi?" "kahit mamaya, hindi ako uuwi dahil mag-uusap lang tayo." malungkot kong saad. "nasan ka? gusto mo bang sunduin kita?" "hindi na ako na lang ang pupunta." "okay hihintayin kita." "okay" at nagpaalam na ako sa kanya. After how many days ay magkikita kami ulit. Sana lang hindi ako magbreakdown sana lang maging matatag ako sa kahit na anong decision na gagawin namin. Pagdating ko sa bahay namin ay siya ang nagbukas sa akin sa gate. pinapasok niya ako. "pinauwi ko muna si manang." sabi niya sa akin. nagaalangan siya sa akin kung hahalikan ba niya ako o hindi at pinili niya ang huli. Pati ang pag ngiti ay alangin din siya dahil nakikita niya sa aking mga mata at mukha na seryoso ako. "gusto mo bang kumain muna? magoorder ako ng favorite mong pizza." "hindi na, gusto ko lang na magusap lang tayo ng matiwasay ng walang away ng walang sumabatan." yumuko siya at naiyak siya sa sinabi ko. "when you leaved me i realized everything that I did to you babe and I'm really really sorry for all the things that I caused you. Whatever decisions you make ay tatanggapin ko dahil alam kong nasaktan kita ng sobra. Naging bulag ako sa lahat ng pinakita sa akin ng ibang tao." "Alam ko naman na ayaw sa akin ng parents mo, ikaw minahal mo ba talaga ako?" "Mahal kita babe mahal na mahal." "walang nagmamahal na sakit ang pinapadama sa mahal." "alam ko napakagago ko" "buti alam mo. Hindi ko na makakayang bumalik pa sa dati ang relasyon natin. Siguro nga sa lahat ng pagsubok natin ay ito na ang hindi ko na kaya. Ito na yung pagsubok na gusto ko ng bumitaw." umiiyak na sabi ko. "hindi ko kaya dahil mahal parin kita pero hindi ko din kaya na sa tuwing nakikita kita ay pinapaalala lahat ng katangahan ko., ipinapaalala mo ang lahat ng sakit na dinulot mo. patawad kung hanggang dito lang ang kaya kong ibigay dahil baka pag ipinagpatuloy pa natin ay sobrang di ko na kayang tumayo pa pag naulit ang sakit na dinulit mo." "I'm really sorry babe"niyakap niya ako at kinintalan niya ako ng pinong halik sa aking ulo. "gusto ko ng makipagdivorce. pinapalaya na kita. gusto kong maging malaya sa sakit at gusto kong buuin ang sarili ko na wala ka. please process our divorce papers. yun na lang ang hiling ko sayo." "kung yan ang decision mo hindi na kita pipilitin kahit ayaw ko. please take care of yourself babe. I know gago ako. sana mapatawad mo ako sa aking mga nagawa sayo." "hindi ko pa maibibigay yan sa ngayon, siguro pag nagkita nalang tayo ulit ay kaya na ktiang patawarin." niyakap niya ako ulit ng mahigpit na parang sinasabi ng yakap niya na ayaw niyang mawala ako. "mag-ingat ka lagi babe." 'uwi na ako." "ihahatid na kita" tumango lang ako dahil walang masakyan sa village pag hapon na. "gusto mo bang magearly dinner muna tayo?" "hindi na ihatid mo nalang muna ako. please inform me kapag meron na yung papers baka kasi pumunta muna ako sa Canada." "aalis ka?" "hindi ko pa alam pero gusto kong umalis muna dahil nandito ako ay baka hindi ko kayang magmove on." "ok I will talk to my lawyer." pagdating ko sa condo na tinutuluyan ko ay nagpababa lang ako sa may entrance. "take care Michael, kapag kaya na kitang patawarin ay sana maging civil parin tayo sa isa't isa kapag nagkita tayong dalawa." "I will always love you babe. please take care of yourself too. Sana mapatawad mo ako." At niyakap niya ako for the last time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD