CHAPTER 11

2481 Words
Napagpasyahan namin na matulog na lang kami sa hotel dahil alam kong pagod din siya ang pagod na din ako dahil sa mga nangyari ngayong araw. Pagkatapos kong magligpit ay inaya ko na siyang magpunta na sa M&G Hotel. May mga ibang staff pa na nandito dahil may mga tinatapos pa sila. “Good evening po Sir and ma’am” bati sa amin ni Elise na isang architect. Isa siya sa medyo matagal ng architect dito sa kumpaniya namin. “Good evening architect.” bati ko din sa kaniya at ngitian pa ako. “Good evening.” bati rin ni Bea sa kaniya at nagngitian pa silang dalawa. Pagdating namin sa sasakyan ko sa parking lot ay pinagbuksan ko ng pintuan si Bea. Gusto ko iparamdam sa kaniya na special siya sa akin. “Okay lang ba sa’yo na sa hotel na muna tayo matulog ngayong gabi?” tanong ko ulit sa kaniya at baka napipilitan lang siya. “okay lang naman sa akin alam kong pagod kana rin kaya bukas na lang tayo ng umaga magbiyahe.” “Pasensiya kana at tinapos ko na lahat ng trabaho ko ngayong week para hindi na muna ako pumasok sa susunod na mga araw.” paliwanag ko sa kaniya. “Okay lang un. Naintindihan ko.” saad niya sa akin. “Pero I have a condo near here gusto mo ba doon na lang tayo?” tanong ko sa kaniya. “Ikaw kung saan mas convenient ka.” “Okay dun na lang tayo sa condo ko, magtake out na lang tayo ng food natin para hindi na tayo magluto.” Tumawag na lang ako sa pinsan ko at nagorder na ako sa kaniya. Para pagdating namin ay ready na at hindi na kami maghintay pa ng matagal. Medyo malapit lang ang restaurant ni Martin. Masarap ang mga pagkain na niluluto nila. Talagang dinadayo ang mga pagkain nila. Pagkapark ko sa harap ng restaurant ni Martin ay tinawagan ko na lang sila para ihatid na lang dito sa parking ang order namin. “Billy thank you.” sabi ko sa waiter na nagdeliver ng pagkain namin. “Your welcome sir, enjoy your meal po.” sabi niya at umalis narin siya. Dahil walang masyadong trafik ay mabilis kaming nakarating sa condo ko, wala pang bente minuto ay nakarating na kaming dalawa. “Were here.” sabi ko kay Bea. Na napapalingon sa paligid, Maganda ang Condo na kinuha ko dito at kita mo ang view ng Manila dahil nasa taas ang unit ko. “Ang ganda naman dito.” Saad niya sa akin. “Yeah kaya dito kami kumuha ng mga pinsan ko. Actually isa sa mga ginawa ng company ang building na ito. Kaya dito narin kami kumuha.” Halos kaming magpipinsan ay may mga condo dito.” “Wow ang galing namin eh di lagi din kayo nagkikita kita?” tanong niya sa akin. “Hindi dahil lagi ako sa Batangas. Doon ako mas kumportable, ikaw gusto mo ba doon sa Batangas?” tanong ko sa kaniya. “Oo maganda sa lugar niyo at sariwa pa ang hangin.Mas tahimik ang buhay sa probinsya kesa dito sa Manila maingay at magulo. Doon sa probinsya simple lang ok na.” “Oo mas maganda sa probinsya at tahimik, unlike dito puro problema. Doon madami dinako natutulungan na mga trabahador ko.” sabi ko sa kaniya habang naglalakad na kami papunta sa unit ko. Pagbukas ko sa pintuan ay tumambad sa amin ang malinis na unit ko. Lahat nakaayos very minimal lang ang gamit ko dito dahil hindi naman ako dito lagi natutulog. Kapag pagod lang ako kaya dito ako natutulog or kapag nagkayayaan na mag bar. “Wow ang ganda naman ng unit mo. Napakasimple lang. Paano mo namemaintain ang kalinisan dito?” tanong niya sa akin. “Every week may naglilinis. Kasabay ng mga unit ng pinsan ko. Kaya malinis ito.” “Iba talaga kapag mayaman. Ganyan din si Lance gusto niya may laging naglilinis sa kaniyang unit. Naku weekly niya sa akin pinaparemind yun na dapat malinis ang unit niya sa mga condo niya.” “Si Lance?” “Yeah yung boss ko. Di ba boss ko si Lance.” “Yeah, wala ka bang balak na mag for good na lang dito kung may opportunity?” tanong ko sa kaniya habang nilalagay sa mesa ang mga pagkain na inorder ko sa restaurant ni Martin. “I don’t know siguro kapag may magandang opportunity. Gusto ko naman dito at mas okay dito. Mahirap kasi sa ibang bansa dahil kapag wala kang kakilala eh wala kang maaasahan.” sabi niya sa akin. “Yeah mas okay ang buhay dito kaysa sa ibang bansa. I will chose to live here especially in province with my family someone if ever she wants to live in Batangas.” I said to her. “Bakit naman aayawan niya sa Batangas eh sobrang peaceful doon.” “yeah right I just really hope that she will be willing to live with me there and build our own family when the time is right.” “Bakit may nililigawan ka ba?” “Yeah but I think manhid siya at hindi pa siya ready” “ooww okay.” “If you want to freshen up first I will show you your room for tonight. Lets go.” sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. “I will get you a t-shirt. Saad ko ulit sa kaniya.” Pagkakuha ko sa t-shirt ko ay bumalik na ako sa guess room at ibinigay ko sa kaniya ang t-shirt ko na puti at isang boxer I hope kasya sa kaniya. Sinabi ko din sa kaniya na magpapalit na din muna ako bago kami kumain. Naging magaan ang aking pakiramdam dahil kasama ko siya ngayon. Sana ay magkaroon na din ako ng chance ngayon pero mukhang malabo dahil malapit na din silang umuwi. Noong nag tratrabaho siya sa kumpanya namin ay nagustuhan ko na siya pero sinabi ng kapatid ko na may asawa na siya kaya iniwasan ko at mas lalo akong nagfocus sa pagpapalago ko ng bukid namin sa Batangas. Pero nung sinabi sa akin ng kapatid ko na nagkakalabuan na sila ng asawa niya ay pinilit ko si Claire na dalhin siya nito sa bahay. Ilang araw lang siya sa bahay at nagpasiya siyang bumalik ng Manila at doon na daw siya nakipaghiwalay ng tuluyan nagdivorce sila at nagrant kaagad dahil sa ibang bansa daw sila ikinasal sabi ni Claire kaya baka mapadali ang divorce nila at isang taon ay nagrant na daw ang request nila. Ngunit pagkatapos magfile ng divorce ay lumipad siya patungo sa Canada at doon naglagi ng apat na taon kasama ang pamilya niya. Doon na naninirahan ang mga magulang niya. Pinipilit daw ng kapatid ko na dito na tumira pero pinag-iisipan pa daw niya. Halos sabay kaming natapos malinis ng katawan. Nauna lang akong bumaba sa kaniya at ilang minuto pa ay sumunod na din siya. Natulala pa ako dahil bagay na bagay sa kaniya ang aking damit. Malaki sa kanya at parang dress na niya ito. “Let’s eat?” tanong ko sa kaniya. “Yeah parang nagutom ako.” sabi niya sa akin. Habang kumakain ay tinanong ko siya kung pupunta ba siya sa bahay sa Batangas kasama si Claire. “Yeah nag-invite siya sa akin at sabi ko nga sa kaniya kausapin ko muna si Michael bago ako pumunta sa inyo. Namiss ko din talaga ang sariwang hangin at mga fresh foods doon. At ngayon ay malalahasan ko na siguro ang mga pagkain doon.” nakangiti niyang sabi sa akin. “Hahaha oo malamang ay madami kang makakain. Just let me know kung kailan ka pupunta at magpapaluto ako ng mga masasarap na pagkain.” “Wow this food is great. Ang sarap naman nitong inorder mo. What is this? BBQ back ribs?” tanong nya sa akin at talagang sarap na sarap siya dahil ang dami na niyang nakain na kanin mukhang nagutom siya. Mabuti na lang at madami akong nabili na kanin. “Oo masarap ang mga luto nila Martin. His chef is really a good one. Kaya malaki ang inoffer sa kaniya ni Martin at hindi na niya pinakawalan pa.” “He’s lucky dahil masarap ang luto ng kaniyang chef, anyway kung kailang gustong pumunta ni Claire ay pupunta ako. Dahil wala din naman akong kasama sa bahay nila Aileen. Baka kasi iuwi na sila ni Marco ngayon or bukas.” “You can stay in our house for the mean time kahit wala si Claire, mom is there you can bond with her or you can come with me in the farm if you want.” “You know what that’s is a good idea. I want to see how you handle your hacienda. Grabe ang dami niyong tanim at your good in balancing your time in your hacienda or sa mga iba’t-ibang mga tanim ninyo. “ “If you want I cant fetch you tomorrow or hintayin kita bukas at sabay na tayong umuwi.” suggestion ko sa kaniya. “Let’s see tomorrow. Grabe nabusog ako.” sabi niya at hinimas himas pa niya ang kaniyang tiyan. Isa siya sa mga babaeng napahanga ako dahil walang kiyeme sa pagkain. Parang ang kapatid ko na si Claire kung kumain. Talagang kinakain niya ang mga gusto niya. Pagkatapos namin kumain ay siya na ang nagligpit dahil mapilit siya. Hindi ko na siya pinigilan pa at masyado siyang mapilit. Hinintay ko na lang siya sa sala. I open my television and watch netflix. “Do you want to watch?” tanong ko sa kaniya. Since kaunti lang ang kaniyang hinugasan ay mabilis siyang natapos. “Yes gusto ko yung korean novela pero hindi na lang tingin ka na lang ng action comedy. Ayoko na ng drama dahil madrama na ang buhay ko.” sabi niya sa akin. “Okay, Red Notice gusto mo ba?” tanong ko sa kaniya. Magkatabi kami sa upuan at yung paa niya ay nakapatong na sa upuan at nakaindian seat siya. “Yes, yan na lang. Maganda yan, actually napanood ko na yan pero gusto ko ulitin.” “Sige, gusto mo ba ng snack or beer while we are watching movies?” tanong ko sa kaniya. “Beer is okay with me.” “Okay, bibili muna ako ng snacks and beer natin sa baba.” “Can I go with you?” Yeah but you need to changed baka mapaaway pa ako sa labas.” “Hmmm ikaw na nga lang, call me kapag nandoon kana para tignan ko kung anong meron sa covenient store.” “sure.” sabi ko sa kaniya at kinuha ko muna ang wallet ko sa kwarto tsaka ako lumabas at nagpunta sa convenient store. Tinawagan ko muna siya pagdating ko sa convenient store at tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang ipabili sa akin. Nagtungo muna ako sa mga snacks para makapili siya. “Gusto ko niyang Ruffles and chocolate na lang tapos beer ikaw bahala sa beer.” saad niya sa akin. Kumuha lang ako ng tig dalawa kami sa beer and isang ruffles and isang lays na lang ang binili ko at chocolates. Ipinakita ko sa kaniya ang binili ko at tinanong ko siya kung may gusto pa siyang ipabili. “Aay may fruits sila diyan? Yun na lang kaya ang bilhin mo instead of chocolates and chips. Kahit isang chips na lang tapos fruits na lang.” “Sige ibalik ko na lang yung iba what fruits do you prefer?” “Hanggang anong oras ba tayo manonood? Parang hanggang bukas tayo dito sa unit mo ah?” natatawa niyang saad sa akin. “Movie marathon ang gagawin natin ngayon. Kaya pumili ka na ng movies na panonoorin natin.” sabi ko sa kaniya. Binarayan ko na ang mga binili ko sa counter at pagkatapos ay umakyat na ako sa taas. Nakasabay ko pa ang pinsan ko at kinantyawan pa niya ako. “Mukhang may chicks ka sa unit mo ah?” sabi ni Melissa na ikinagulat ko habang naghihintay na magbukas ang elevator. “Kumusta? Bakit late ka na umuwi?” tanong ko sa kaniya. “Okay lang kuya, ikaw ha may chicks ka siguro sa unit mo.” ulit na tanong niya sa akin. “Kasama ko si Bea.” saad ko sa kaniya. “Wow kasama mo na siya? Naku chance mo na yan kuya. “ sabi niya dahil alam niyang may gusto ako kay Bea. “Hindi pa siya handa.” saad ko naman sa kanya. “Hindi mo malalaman kung handa na siya kung wala kang gagawin.” “Tama ka diyan pero hinay-hinay lang muna ako.” “Naku matanda kana kuya kaya kailangan mo na mag-asawa.” “Kaya ko siyang hintayin kung kailan siya pwede.” Sabay kaming pumasok na sa loob ng elevator at dahil nasa isang floor lang kami ay sabay din kaming lumabas. Nasa may gitnang unit siya ang malayo sa unit ko nauna siyang pumasok sa unit niya. Pinagbuksan ako ni Bea pagdating ko sa unit dahil hindi ko pala nadala ang aking susi. Inilapag ko sa mesa ang mga pinamili ko. Tinulungan niya akong ilabas sa plastic ang mga prutas. Siya na ang naghugas sa grapes na binili ko. “Wow ang dami mo naman binili, mauubos ba natin ito?” tanong niya sa akin. “Uubusin natin lahat kaya natin itong ubusin.” “Ito ang gusto ko grapes mukhang matamis.” At ni-play ko na ang unang movie na napili niya. Habang nanonood kami ay sumisimsim kami ng beer at kumakain ng grapes. Hawak niya ang bowl ng grapes kaya magkadikit kaming dalawa. Nakadalawang movie narin kami ng magpaalam siyang magbabanyo siya. Kaya I pause the movie for awhile. “Hindi ka pa ba inaantok?” tanong niya sa akin pagbalik niya. “Hindi pa naman basta ikaw ang kasama ko.” saad ko sa kaniya na nakangiti. Pagod ako pero gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Sana nga ay laging ganito na lang kaming dalawa. Tinitigan ko siya at ganun din siya sa akin. Alam kong nailang siya sa pag-titig ko sa kaniya kaya nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Ahmm marami ka na yatang nainom.” tanong niya sa akin. “Hindi naman. Kaya ko pa naman. Inaantok kana ba?” sabi ko sa kanya at nakaapat na bote na pala ako. “Hindi pa naman ako inaantok pero baka kasi napagod ka din sa maghapon tapos madami kang ginawa sa opisina mo kanina.” “Wala yun kumpara sa ginagawa ko sa bukid. Madaling araw pa lang andun na ako sa bukid.” “Ikaw ang bahala.” Madaling araw na ng maghiwalay kami at alam kong inaantok na siya kaya niyaya ko na siyang matulog kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD