BEA
Pagpasok ko sa sasakyan ni William ay tahimik siya. Hindi nya ako pinapasin at nakatutok lang ang kaniyang mata sa labas at malalim ang iniisip niya. Nahihiya akong magsalita kaya tahimik ko lang na kinabit ang aking seatbelt.
Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan at hindi man lang niya tinanong kung okay na ba ako o hindi pa. Naging tahimik ang aming biyahe pabalik ng Batangas. Ilang oras na ang nakalipas at nandito na kami sa Cavite at tahimik parin siya. Maya’t-maya din ang tunog ng kaniyang cellphone pero hindi niya sinasagot.
Hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. Alam ko galit siya sa akin pero hindi ko na kasalanan yun dahil sinabihan ko naman siya na huwag na siyang sumama sa akin.
“Are you mad at me?” tanong ko sa kaniya at nakatingin ako sa kaniya. Pero nakalipas na ang limang minuto ay hindi parin siya nasalita. Tumikhim na lang ako at tumingin naman ako sa labas ng bintana. Tinanaw ko na lang ang mga nadadaanan namin.
“I’m not mad at you, I’m mad at myself. I don’t like what I saw.” sabi niya sa mababang tono at nagpipigil ng galit.
“Bakit ka naman magagalit eh sinabihan na nga kita na huwag ka ng sumama pero mapilit ka. At hindi ko naman inaasahan na ganun ang mangyayari… He is a sweet and kalog din siya kaya nagustuhan ko siya noon. Mabait siyang tao pero nagbago siya noong nakasama niya ang isang friend ko na may tinatago pa lang pagkagusto sa asawa ko I mean ex-husband ko.” explain ko sa kaniya at lalong dumilim ang kaniyang mukha sa aking sinabi.
“I don’t want to talk about him anymore. Ayokong nagiging topic natin siya kapag magkasama ta’yo.” saad niya sa akin.
“Kanina pa tawag ng tawag yang tumatawag sa’yo bakit ayaw mong sagutin? Baka importante yang tumatawag sa’yo” tanong ko sa kaniya kasi tumunog na naman ang kaniyang cellphone.
“Can you answer it for me?” tanong niya sa akin at kinuha ko na lang ang kaniyang cellphone sa knaiyang bulsa. Halos manginig ang kamay ko sa pagkuha ko sa kaniyang cellphone.
“Sagutin ko na para makausap mo.” saad ko sa kaniya at tumango lang siya. I swipe that call button to answer the caller.
“Hello sir, tumatawag po Sir Jack tinatanong niya kung nasaan kana daw po. Kanina pa daw po sila naghihintay sa’yo.”
“Sh*t! I forgot. Tell them I’m on my way now. I’ll be there after forty five minutes.” sabi niya sa kausap niya at nag U-turn siya pabalik ng Manila.
“Are you hungry?” tanong niya sa akin at umiling lang ako.
“I have a meeting is it okay with you to come with me?” tanong niya sa akin.
“Baka makaistorbo ako sa’yo? Magcommute na lang ako pauwi alam ko naman ang pauwi doon.” saad ko sa kaniya.
“No, just wait me in my office.”
“okay” sabi ko sa kaniya at ayaw ko ng ipilit ang gusto ko dahil hindi naman ako mananalo sa kaniya at ipipilit niya rin ang gusto niya.
Wala pang isang oras ay nasa building na kami ng Mardrigal Construction Company. Malaki ang company nila at hindi lang construction company ang business nila. Meron din silang Real estate and shipping company. Nagtrabaho ako noon sa Real Estate kasama ko si Claire pero ang sabi ay lilipat daw sya sa MCC dahil mas gusto daw niya doon magwork.
“May ididiscuss daw ang board member regarding sa new site na ginagawa nila and they want me to attend. Jack insisted it kahit ilang beses akong tumanggi.” paliwanag niya sa akin.”
“Okay lang naman sa akin pero kung maaabala pa kita ay pwede naman na sana akong umuwi.”
“No, sabay tayong umuwi.” he firmly said it.
***
WILLIAM
Habang naglalakad si Bea papunta sa loob ng cafe ay pinagmamasda ko siya. I can feel that she is nervous. Pagkaupo niya sa table na inookupa ng kaiyang ex-husband ay pinagmamasdan niya lang ito at hindi yata siya naramdaman ng lalaki na nasa tabi na siy nito.
Kung hindi pa ako tumawa sa kaniya ay hindi pa mag-aangat ng ulo ang lalaki na mukhang nakatulog na sa paghihintay. Napansin kong nginitian siya ni Bea at nagtagis ang aking bagang sa ginawa ni Bea. I don’t want to feel this way pero naiinis ako sa tuwing lumalapit siya sa ibang lalaki o kaya may lumalapit sa kaniya na ibang lalaki. I feel like possessive to her.
Hindi ako nakatiis at bumaba ako ng sasakyan ko. Napansin ko rin na walang ibang pumpasok n customer siguro ay nirentahan niya itong buong cafe. Papasok na sana ako ay pinigilan ako ng isang waiter na nasa entrance ng cafe.
“Good morning Sir, I’m sorry but we are not allowed to accept customers at the moment. Someone rented our cafe.” She said in a polite manner.
“I will just seat far from the couple and I’m alone I will just eat beacause I have a meeting after thirty minutes. I will not take too long to eat. Can you ask a favor ti=o your customer to just allow one customer to eat. I’m a friend of the owner of this cafe ad the hotel and I’m also your supplier sa mga ibang products niyo. You can call Marco, tell him William Madrigal. Here you can check my I.D.” mahabang paliwanag ko sa waiter at ipinakita ko pa ang I.D. ko sa kaniya. At nag-paalam siya upang kausapin ang lalaki para makapasok ako. Tumingin sa akin si Michael at tumango siya sa waiter. Nakita ko rin ang reaction ni Bea pinanlakihan pa ako ng mata pero hindi ko siya pinansin.
Uupo sana ako sa table na nasa likod ni Michael pero pinigilan ako ng waiter at sabi niya ay may pinag-uusapan daw na private matter ang dalawa kaya dapat huwag daw ako sa malapit umupo at pinili ko na lang na umupo sa corner sa dulo at nakaharap parin ako kay Bea.
Nginitian ko siya ng nakita kong tumingin siya sa akin pero sumimangot lang siya. Nag-uusap na sila at nakita kong umiiyak na silang dalawa at hinawakan pa ng lalaki ang mga kamay ni Bea na ikinainis ko. Ni hindi man lang pinigilan ni Bea ang paghawak sa kaniya ng dati niyang asawa.
Totoong may meeting ako ng 1pm pero I moved it at 2pm dahil baka matagal mag-usap ang dalawa. Malapit lang din ang aming opisina dito kaya kampante ako na makakarating ako sa tamang oras ng meeting namin. Ayoko sanang umattend pero mapilit ang pinsan ko dahil malaking Client daw ang kakausapin namin at kailangan kumpleto daw kami.
Hindi ko masyadong nakain ang aking inorder na pagkain dahil nakikita ko ang magandang mood na ng dalawa maya’t-maya ang ngiti ni Bea sa dating asawa niya. Tapos na silang mag-usap at tumayo na si Bea pero bago umalis ay niyakap pa siya ng lalaki na mas lalong ikinainis ko. Mabilis akong lumabas sa loob ng cafe at hinintay ko na lang siya sa aking sasakyan.
Pagpasok ko sa aking sasakyan ay hindi ko mapigilan panggigilan ang manibela ko sa sobrang selos ko sa nakikita kong pagyayakapan nila. Nakapasok na ako dito pero nakayakap parin sila sa isa’t-isa.
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at hindi ko siya pinansin dahil sa parang sasabog ako sa aking nararamdaman. Hindi na nakatiis si Bea at tinanong niya ako kung galit ako sa kaniya. Pero sinabi kong hindi ako galit sa kaniya. Nasa may Cavite na kami ng may tawag ng tawag sa akin pero hindi ko sinasagot.
Dahil sa sobrang selos ko ay nakalimutan ko pa na may meeting ako ngayon. Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan ko para makarating kami sa office. Buti na lang at I moved the meeting at 2pm at maaga din natapos ang usapan ng dalawa kaya ilang minuto lang ako malelate sa meeting.
“Can you send a message to Lorie. Tell her to start the meeting at hahabol na lang ako. The passcode is 1818 our birthdate.” sabi ko sa kaniya na bigla niyang ikinalingon.
Pagdating namin sa building ay nagmamadali na kaming maglakad halos makaladkad ko na siya sa pagmamadali ko dahil hawak ko ang kamay niya. Gusto pa niya akong paunahin na at maiwan na lang siya dito sa lobby pero hindi ako pumayag. Sabay kaming umakyat sa 25th floor kung saan ang aking office na minsan ko lang dalawin.
Napansin kong pinagtitinginan narin kami ng ibang empleyado. Malamang ay nagtataka sila na may kasama akong babae, at yung iba ay namukhaan siya dahil dito rin siya nagtrabaho noon.
“Mauna kana at hindi naman siguro magtatagal ang meeting niyo hintayin na lang kita sa office mo.” suggestion niya sa aking habang nasa loob kami ng elevator. Pumayag na ako dahil tumutunog na naman ang cellphone ko.
“Okay, just wait me in my office, katabi lang ng office ko ang office ni Jack. The conference room is in 20th floor. Sa office ko ang deretso not to any room okay?”
“Yes boss ano ba yan demanding lang William.” reklamo niya sa akin at hindi ko na lang siya pinansin. Eksakto naman na huminto na ang elevator at lumabas na ako. Pero sinabihan ko siya na sa opisina ko siya maghintay at padalhan ko na lang siya doon ng snack.
Pagbukas ko pa lang ng conference room ay nakasimangot na si Jack. May nagdidiscuss na sa harapan at nandito rin ang mga ibang engineers ng company at may sarili din na engineer ang client namin.
“I’m sorry gentlemen I’m late, you may continue Dominic.” sabi ko sa lalaking nasa harapan na isang engineer.
Nagtagal ng halos dalawang oras ang meeting namin bago natapos. Nakipagkamay ako sa mga client namin at nakipag-usap saglit at baka magalit na naman si Jack kung eeskapo na naman ako. Ilang mga meetings ang hindi ko inaattendan at ito ay hindi ako pwedeng mawala dahil malaki ang Client na ito.
“It was nice seeing you Mr. Madrigal.” nakangiting saad ni Mr. Acosta.
“Same here and thank you for choosing our company.” sabi ko sa kaniya. At nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Ako ang huling dumating pero ako parin ang nagmamadaling umalis.
Pagdating ko sa loob ng opisina ko ay nadatnan kong nakasandal ang ulo ni Bea sa Armrest ng sofa sa loob ng aking opisina. Nakatulog siya sa paghihintay sa akin. Malamang ay napagod din siya at kulang ang pahinga niya kahapon.
Tahimik na lang akong tumuloy sa pagpasok para hindi siya magising. Hahayaan ko muna siyang matulog para makapagpahinga siya.
Tinawagan ko si Lorie upang dalhin na dito sa office ko ang mga for signatures ko. Madami na akong pending dahil dalawang linggo na akong absent dito. I always find time every week para pumunta dito. Atleast twice or thrice a week akong nandito sa opisina ko. Wala akong secretary dito at kapag nandito ako ay may extra na bayad si Lorie para sa akin.
Kumatok na siya sa pintuan at pumasok na siya dala ang mga files na hinihingi ko. Nirereview ko muna ang mga ito bago ko pirmahan.
Isang oras na akong nagrereview at nagpipirma sa mga peding files na binigay sa akin ni Lorie ay hindi pa nagigising si Bea. Gusto ko siyang ayusin sa pagkakahiga pero baka magising siya. Ang pagkain na pinadala ko sa kaniya ay hindi man lang niya ginalaw, malamang ay busog pa siya kanina.
Pagtingin ko sa aking orasan ay malapit ng mag-alas sais ng hapon at malamang ay nakauwi na ang ibang mga empleyado namin. Narinig ko na lang na may kumatok sa aking pintuan at sumilip doon si Lorie.
“Sir pinapasabi po ni Sir Jack na mauna na siya sa’yo at nagmamadali daw po siya.” sabi niya sa akin, malamang ay tumawag ang asawa niya. Buntis kasi si Melissa kaya nagmamadali siguro na umuwi dahil may pinabibili na naman ito. Siguro ganun ang mga buntis madami ang gustong kainin.
“You can also go, tapusin ko lang itong mga documents and iwan ko dito sa ibabaw ng table ko. Get it tomorrow morning.” sabi ko sa kaniya.
“okay po Sir William, bye po and good evening.” paalam niya sa akin.
Pagkatapos kong pirmahan ang huling documents na binasa ko ay nag-streching muna ako bago lumapit kay Bea. Ayoko sana siyang gisingin pero malayo pa ang uuwian namin. Kung pwede nga lang na dito na lang kami magpalipas ng gabi ay ok lang sa akin. Pero baka ayaw niyang makasama ako.
“Hey, baby wake up.” gising ko sa saba tapik sa braso niya. Pero mahimbing parin ang tulog niya. Inulit ko ang pagtawag ko sa kaniya at unti-unti na siyang nagising. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata.
“Tapos na kayo magmeeting? I’m sorry nakatulog na ako sa paghihintay sa’yo.” sabi niya sa akin.
“it’s okay, Do you wanna go home or you want to sleep here? We can sleep at the hotel or here in my office I have a small room here.” saad ko sa kaniya.
“Bakit anong oras na ba?” tanong niya sa akin at nagulat pa siya pagtingin niya sa kaniyang relo.
“Hala Seven na pala ng gabi, bakit hindi mo ako ginising?” nakakunot noo niyang sabi sa akin at sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri.
“Ayoko naman na gisingin ka alam kong pagod ka kahapon at maaga ka pang nagising kanina, you need rest.”
“Baka pagod ka rin we can sleep in the hotel or dito ikaw ang bahala.” sabi niya sa akin. At napagdesisyonan namin na magtungo sa M&G Hotel para doon na magcheck in.