TULUYAN umuwi sa Salvation si Desiree kasama ang mga bata. Dahil biglaan ang pag-uwi sa Lola Devina niya ay hinayaan na ni Desiree na umalis ang mga yaya ng kambal. Tutal ang nagpapasahod sa mga ito ay ang Lolo't Lola ni Ezekiel. Kamakailan ay nagpunta roon ang binata upang humingi ng tawad at makipag-ayos na rin kay Desiree. Ngunit nanatiling nagmamatigas ito, maging ang Don at Donya ay laging bumibisita sa mga apo. Magkagayunman kahit na may hindi pagkakaunawaan si Desiree at Ezekiel ay nanatili ang babae sa kumpaniya ni Szuttete kung saan siya nagtratrabaho ngayon. May pinagsamahan din naman sila ng Tita ni Ezekiel kaya nahihiya naman siyang isali pa niya ito sa away nila. "Anong binabalak mo ngayon iha? hindi naman habang-buhay ay iiwasan mo si Zeck. Wala na ba talagang pag-asa na

