DINIG ni Desiree ang sunod-sunod na ungol ni Ezekiel. "Sweetheart, wake up!"Gising ni Desiree sa binata. Maya-maya'y tuluyan nagmulat ito, agad humayon ang mata nito sa nag-aalalang mukha ni Desiree na nakatunghay sa kanya. Agad ang pagkabig payakap ni Ezekiel rito. Sa mga sandaling iyon ay takot na takot siya. "Anong problema?"takang-tanong ni Desiree. Hinimas na lamang nito ang likuran ni Ezekiel upang kahit paano ay mapayapa ito. "Nanaginip na naman ako,"usal ni Ezekiel. "Panaginip lang iyon,"ani ni Desiree. "Sa tingin ko kasi hindi siya basta panaginip, it's more fact na nangyari siya noong bata pa ako. Dahil nakikita ko ang isang batang umeedad ng tatlo. Sigurado ako na a-ang batang nakita ko at ako ay iisa. I saw my mother and father,"bigla itong natigilan dahil sa pagkakabang

