ABALA sa pag-aayos ng lamesa nito sa opisina ni Nickolai si Desiree ng makarinig siya ng katok mula sa pinto.
Dali-dali siyang naglakad palapit doon, hahawakan na sana niya ang seradura niyon ng kusang pumihit iyon at pumasok si Ezekiel.
Imbes na nginitian ng babae ito ay lantaran ang ginawa niyang pagsimangot.
Paano ba siya makakangiti sa harap nito. Magpahanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakakalimot sa inasta nito noong nakaraan linggo sa kanya dito mula sa loob ng opisina pa mandin ng boss niyang si Nickolai.
Inis na inis siya, pakiramdam niya pinagtri-tripan siya nito!
“Hai Des! Kumusta? May ginagawa ka ba?”tanong ni Ezekiel na dire-diretso ng pumasok.
“Opo Sir, may pinapatapos pa pong report si Sir Lacsamana sa akin…”tugon niya na nanatili ang pansin sa ginagawa.
“Ah ganoon ba, magpapasama sana ako sa’yo. Alam mo na, baka mas mapadali akong makapili kapag ikaw ang titingin,”wika ni Ezekiel.
“Po?B-bakit ako?”Nalilitong usisa ni Desiree na agad napasulyap sa gawi ng lalaki. Muli, napatitig siya sa gwapong mukha nito. Nakasuot ito ng expensive american navy blue suite. Bumagay sa mestisong balat nito ang kulay ng suot-suot nito.
Hangga’t maari sana ay mas nanaisin niyang magkaroon sila ng distansiya at walang koneksyon nito. Ngunit sadiya lalo silang pinaglalapit ng sitwasyon ni Ezekiel.
Dahil kapag nagpupunta ito sa office ng amo niya at napapalapit sa kanya ito, pakiramdam niya nagkakasala siya sa asawang si Guiller.
Masiyado kasing advance mag-isip ang mga katulad niya.
Magmula ng araw ng kasal niya kung saan unang pagkakataon na nagkausap sila nito ay muling bumangon ang kaba sa dibdib niya na noon ay nararamdaman niya sa tuwing nagkaklase sila noong college pa lamang siya.
Akala niya simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya rito noong una. Ngunit habang tumatagal at laging nagkru-krus ang landas nila nito ay hindi maiwasan ni Desiree na makaramdam ng kung anu-ano rito, para siyang nadadarang sa pagkakalapit pa lamang nila.
Nakakakunsensya sa katulad niyang may asawa na at magkakaroon na ng anak soon.
“Bibili kasi ako ng regalo, you know… hmmm babae kasi ang pagbibigyan ko,”may himig hiya sa tinig ni Ezekiel.
“Ahh ganoon po ba Sir, s-sige…”napipilitan sabi ni Desiree.
Ayaw man niya ay wala siyang magagawa. Utos din kasi ng big boss niya na pakiharapan at asikasuhin ang best friend nito sa tuwing wala ito roon.
“Sige Des, hintayin na lamang kita sa parking lot,”masayang-masayang sabi ni Ezekiel. Tinapik pa nito ang braso ni Diseree.
Agad iniiwas ng huli ang mukha sa kaharap. Bigla-bigla kasing nag-init ang pakiramdam niya sa pagkakadaiti pa lamang ng kamay nito sa balat niya.
“Ano ba Des! Umayos-ayos ka! Wala ka na bang kahihiyan? Diyos ko naman may asawa ka na at buntis ka pa mandin!”Gigil niyang muling pagsaway sa sarili.
Matapos nang tuluyan makalayas si Ezekiel at maiwan siyang mag-isa sa loob.
Dali-daling nagpunta sa desk niya si Desiree, agad na niyang kinuha ang shoulder bag niya na nakapatong doon.
Nagtuloy-tuloy na siya sa ladies room, mabuti na lamang at disperas pa ng trabaho. Alas-tres pa lang ng hapon, kaya walang katao-tao sa rest room mapapabilis ang pagre-retouch niya.
Ewan niya, gusto niyang mainis sa sarili at the same time matawa dahil heto siya nagpapabeauty na akala mo naghahanda sa isang date.
Matapos pa ang ilang pag-aayos ay tuluyan na siyang lumabas ng comfort room.
Bigla ang paglukso ng t***k ng puso ni Desiree ng makita niya mula sa ‘di kalayuan si Ezekiel na nakasandig sa sarili nitong sasakiyan. Kasalukuyan hawak-hawak nito ang susi ng kotse sa kanan daliri, kung saan malaya nitong pinapaikot-ikot iyon.
Sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam ay ‘di niya maitatwang bahagiya siyang natulala sa pagkakatitig sa mukha ng lalaking lihim na kinaiinisan niya.
Kahit saan anggulong tignan ay napakagwapo talaga nito. May panghalina itong nakakahikayat sa kapuwa niya babae.
Ang makapal nitong kilay na bumagay sa maamong mata nito. Ilong na matangos, labi na mamula-mula na tila magbibigay ng laksa-laksa kaligayahan sa masuwerting eba na makakatikim ng halik nito. Ang napaka-misteryong awra nito.
Parang slow motion ng tuluyan humarap ito sa kaniyang direksyon. Nang ngumiti ito sa kanya, para na rin tumigil saglit ang paghinga niya.
“Des… nababaliw ka na talaga!”suway niyang muli sa sarili lamang.
Sa isip niya’y marahil naglilihi siya. Oo ‘yun nga!
ILANG minuto din ang ibiniyahe nila bago sila makarating sa MOA. Kung saan napiling bumili ni Ezekiel ng ipanreregalo.
“A-ano po ba ang bibilhin niyong gift sakali Sir Abenedi?”agad na pagtatanong ni Desiree habang patuloy siya sa pagsunod sa lalaki.
“Sa tingin mo Des, magugustuhan niya ba kung jewelry ang ibibigay ko sa kanya?”tanong nito sa babae na nakatutok ang tingin nito sa isang luxury jewerly shop na natityak niyang purong mayayaman lamang ang makaka-afford na bumili roon.
“O-oo naman sir, pero ang tanong kanino po ba niyo iyan ibibigay?”Si Desiree.
“Someone especial…”sagot nito sa kanya. Nang gumawi ang tingin ni Desiree sa mukha ni Ezekiel ay tila matutunaw ang puso niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Feel niya ay siya ang tinutukoy nito.
“Assuming ka beh? Kapal mo asa ka pa!”panunuway ni Desiree sa sariling kapilyahan.
Lalong nagwala ang bituka at laman loob niya ng walang anu-ano’y bigla na lamang siyang hawakan sa palad at hinila papasok. Agad na pinagkaguluhan ito ng mga saleslady doon.
“Sir para kanino po ito? Para po ba sa wife niyo po?”tanong ng babaeng umaasikaso sa kanila. Maang itong tumingin sa direksyon ni Desiree.
Agad naman pinamulahan ng mukha ito kasabay ng pag-iling. “Naku! Sis hindi niya ako asawa. Secretary lamang ako…”
Nagpatango-tango naman ang babae, kasabay ng paglalabas nito ng mga ibat-ibang design ng necklace na itinuro ng binata.
“Ahy ganoon po ba. Akala ko mag-asawa kayo. Kasi naman, bagay na bagay kayo…”pahabol pa nito na lalong ikinamula ni Desiree.
“Don’t believe her, she’s really my wife… “pakikisakay ni Ezekiel. Gusto pa sanang magsalita ni Desiree ngunit naramdaman niya ang paghawak at marahan pagpisil nito sa palad niya.
“Sige na, pili ka na…”muling sagot ni Ezekiel.
Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Desiree ng muli niyang binalikan ang mga inilabas na alahas. Magkaganun man ay pinili na niyang pumili sa mga nakahilera doon.
Sa totoo lang magaganda lahat, kahit anong mapili ay natitiyak niyang magugustuhan ng pagbibigyan ng lalaki.
“Sir ito ho…”tukoy ni Desiree sa necklace na half moon na may mga star na nakapalibot. Sa tingin niya’y purong dyamante ang nakadikit na mga bato.
“Really you like it?”Nakangiting sabi ni Ezekiel. Nagpatango-tango naman si Desiree na nanatiling nakatitig sa piniling alahas.
“Okay, I’ll get this, pakibalot na lang…”tuluyan sabi ni Ezekiel.
Agad-agad naman ginawa iyon ng babae.
“Five hundred thousand peso sir… “pagbibigay ng sale price ng babae sa kanya.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Desiree. Napalunok na lang siya, gusto niyang malula sa halaga ng alahas na kabibili lamang ng kasama niya.
“Grabe! kahit mag isang taon akong kumayod ay kukulangin pa rin ang sahod ko sa necklace na ‘yan huh!”pabulong-bulong na sabi ni Desiree.
“Des,may sinasabi ka?”tanong ni Ezekiel. Matapos nitong ibigay ang cheke na pinaglagyan ng halagang pambayad nito sa biniling alahas.
“Wala Sir! Ang sabi ko ang suwerti-swerti naman ng taong pagbibigyan mo ng regalo mo. Grabe ang mahal niyan eh… “may himig katotohanan na amin ni Desiree.
“Really magugustuhan niya ito,”patuloy nito.
“Oo naman po, lalo kung galing naman sa inyo. Mukhang napaka-espesyal naman talaga ng taong pagbibigyan niyo niyan… “sagot niya. Tuluyan ng sumunod si Desiree matapos na bitbitin nito palabas ang paper bag na naglalaman ng binili nito.
Gusto sana niyang hilahin ang palad niya na nanatiling hawak-hawak pa rin nito.
“Ah sir—“pag-imik ni Desiree.
Hihilahin na sana niya ang kamay niya ng bigla na naman higpitan ang pagakakahawak ng binata roon na tila siya makakawala. Tuluyan siyang mapasunod dito.
Tuloy-tuloy lamang sila sa paglalakad. Hanggang sa muli silang napasakay sa elevator. Ngali-ngali na niyang hilahin ang kamay niyang mahigpit na hawak-hawak ng binata.
Ewan niya kung saan na naman siya balak dalhin ng lalaking kasama niya ngayon. Kung wala lang siyang obligasyon na dapat gampanan dito. Nungka siyang magpapahila sa kung saan-saan dito.
Nakasimangot pa rin siyang sumakay sa kotse nito ng mga sandaling iyon. Ngunit maya-maya’y kusang nangislap ang mga mata ni Desiree ng makita mismo ng dalawang mata niya kung saan tumigil ang kotse ng binata.
“Kain muna tayo Mrs. Jacinto, nagutom ako. Mukhang gutom ka na rin. Kabilin-bilinan pa man din ni Nickz sa akin na pakainin daw kita sa tamang oras. Sure akong hindi ka pa nagmemeryenda kanina sa office niyo ninang break time. Kaya huwag ka ng humindi, after this ay ihahatid na kita,”Tuloy-tuloy na sabi ni Ezekiel.
“Ano pa bang magagawa ko, sige na nga… “pagpayag ni Desiree. Halatang-halata ba ang pagkatakam niya? Gusto niyang matawa dahil kulang na lang ay tuluan siya ng laway.
Sa totoo lang ay bigla siyang naglaway ng makita niya ang mga putahe na nakadisplay sa labas ng restaurant. Amoy na amoy niya rin kasi ang nanunuot na masasarap na pagkain na nakahain sa mga lamesa.
“Caviar Reataurant and Champagne Bar,” Basa niya sa malaking sign board ng pangalan ng kainan kung saan siya inaayang kumain ng kaibigan ng boss niya. Sa labas pa lang restaurant halatang class na class na iyon.
Napangiti siya ng lihim sa totoo lang. Atleast paano ay inaalala rin pala ni Ezekiel ang kapakanan niya.
Sosyal na sosyal ang pinagdalhan sa kanya, sabagay kahit paano ay hindi siya maa-out place. Disenti naman ang suot niyang office attire. May makakita man sa kaniyang kakilala ng lalaki ay hindi siya manliliit. Sabagay kahit ano yatang isuot niya at postura niya’y nadadala niya.
Tuluyan siyang iginiya ni Ezekiel sa isang dulong espasyo na lamesa.
“Good afternoon Sir Abenedi Madame, can I take your order?”pagtatanong ng lalaking waiter rito. Sa tingin ni Desiree ay kilalang tiyak sa lugar na iyon ang lalaki.
“I’ll have the usual, for two please,”sagot ni Ezekiel.
“Noted Sir! Just a minute Mr. Abenedi…”pamamaalam ng waiter sa dalawa. Matapos nitong magsulat sa maliit na notepad na tangan-tangan nito.
Inabala na lamang ni Desiree ang pagmamasid sa paligid niya. Cozy at glamorous ang restaurant, ipinaling pa niya ang pansin sa ibang direksyon. Kitang-kita niya sa center ang tumpok ng nakahilerang mga imported brand ng Champagne na marahil ay nagkakahalaga ng libuhin.
Nagustuhan niya rin ang pagiging green nature ng ambiance ng restaurant, nakakarelax sa mata.Panaka-naka niyang tinatapunan ng sulyap si Ezekiel, gusto man niya itong kausapin ay naunahan na siya ng hiya.
Paano ba naman kasi, tutok na tutok ang titig nito sa kaniya. Kahit na panay ang tingin nito sa booklet menu ng restaurant. Para siyang sinisihilan sa paraan ng pagtitig ng lalaki sa kanya.
Napahawak na lang sa noo si Desiree, matapos siyang pagpawisan ng malamig.
“Are you alrigt sweetheart?”nag-aalalang tanong ni Ezekiel sa kanya. Pilit na ngiti ang ipinaskil niya kasabay ng pagtango niya ng sunod-sunod.
Mukhang hindi yata tama ang desisyon niyang sumamang kumain dito. Para siyang masusuka na matatae!
“Here’s your Prime Ribeye Steak, Smoked Duck breast for main course. Double-Boiled Chicken Consomme for soup. Foei Gras Macarons for side dish and for dessert here the Dark Chocolate Mousse… “ani ng waiter. Matapos nitong ilapag ng mga kasama nito ang order.
“Thank you,”naisagot ni Ezekiel. Dali-daling umalis ang mga ito matapos na maiayos ang mga order nila.
“Makakaya ba natin kainin lahat ng ito?”exaggerated na wika ni Desiree.
“Oo naman, natitiyak kong magugustuhan mo iyang inorder ko sa’yo. Unahin mo na iyang soup, habang mainit-init pa. Ayos iyan para sa buntis.. “para naman hinaplos ang puso ni Desiree sa sinabi ng kasama niya. Ayaw man niyang kiligin dahil hindi iyon tama. Pero, hindi niya maiwasan.
Nag-umpisa na silang kumain, habang kumakain ay maganang-magana sila habang nagkwe-kwentuhan lang ng kung anu-ano. Hindi na nila namalayan na tuluyan silang nakatapos at halos simot na simot ang pagkain sa plato nila.
“Woah! Nabusog ako doon Sir! Thanks for your treat.”pasasalamat ni Desiree. Matapos nitong magpunas ng table napkin sa bibig.
“Welcome, anyway cheers!”malawak ang ngiting wika ni Ezekiel habang tangan-tangan nito sa kanan palad nito ang champagne na inorder neto. Habang siya ay fresh pineapple juice ang inorder nito sa kaniya.
Manaka-naka lamang sumisimsim sa inuman nito si Desiree ng biglang umimik si Ezekiel.
“I think this is the right time…”
“Para sa ano sir?"usisa niya.
Bigla naman tumayo mula sa kinauupuan si Ezekiel. Gulat pa si Desiree ng kunin nito mula sa loob ng paper bag ang maliit na box na naglalaman lang naman ng mamahaling kuwintas na binili nito sa may MOA.
Walang sabi-sabing pumunta ito sa likuran niya at isinuot sa kaniyang leeg iyon.
“See bagay na bagay talaga sa’yo… “bigkas pa nito sa nangingislap na mata. Animo’y nasisiyahan talagang makita na suot-suot niya ang pagkamahal-mahal na necklace.
“Mr. Abenedi, l-lasing ka na b-ba? ‘Di ho ba para sa especial someone niyo itong kwintas? Bakit sa akin niyo ibinibigay! “Napataas na tuloy ang tinig ni Desiree.
“Dahil ikaw naman talaga ang tinutukoy ko Des, hindi ba’t sabi ko I find you attractive… “sagot nito at muling naupo sa harap niya.
“Huh? Seryuso ka ba, nababaliw ka na yata Sir. Ang akala ko baliw lang ang nagiging pasyenti mo. Pero mukhang pati ikaw nahawa na rin sa kanila,”sarkasmong sagot ni Desiree.
Bigla-bigla naman ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha nito. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
“Bakit masama bang magkagusto ako sayo. Come on, your beautiful…”may ningning sa mga matang saad ni Ezekiel.
Gusto man bilhin ni Desiree ang pambobola nito ay hindi niya magawa. Hindi siya marupok at lalong hindi siya kalantaring babae. Forgod sake!
“Sensya na sir, pero may asawa na ako. Hindi iyan bebenta sa akin,”masungit na niyang sabi.
Tuluyan na siyang napatayo, akmang hahakbang na sana si Desiree paalis sa table nila ng makita niya ang pagtigil at pagtapat sa kanya ng isang magandang babae na sa tingin niya’y may edad na rin.
“Oh! Hai Ezekiel iho, sino pala itong magandang kasama mo? Siya ba iyong lagi mong ikinwe-kwento sa akin na gusto mong babae?”nababaghan tukoy nito kay Desiree habang titig na titig ito sa kaniya.
“Yes … and Desiree meet my Tita Szuttete my bestfriend mom,”pagpapakilala ni Ezekiel sa naguguluhan na si Desiree.