CHAPTER FOUR

1330 Words
BUSY sa pagtipa sa nakaharap na monitor si Desiree, ng maramdaman niya ang pagdanti ng kamay sa balikat niya. Bigla siyang napapitlag kasabay ng mabilis niyang pagbaling ng mukha rito. “Oh Mare, mukhang nagulat pa kita,”tatawa-tawang kantiyaw ni Jaime sa kaibigan niyang si Desiree. “Ano ba, masiyado lang kasi akong tutok dito sa ipinapaasikaso ni Boss para makauwi na ako agad mamaya,”paliwanag niya. “Bawas-bawasan mo ang pagkakape para hindi ka nerbyusa! Aba-aba bakit mukhang naeexcite kang makauwi ngayon? Ilang linggo na tayong hindi nagchi-chikahan huh!”patuloy na pakikibalita ni Jaime rito. Agad naman napasandig si Desiree sa swivel chair na kinauupuan niya. Hinilot-hilot pa niya ang leeg dahil sobrang nangalay na iyon. Paano ba niya sisimulan ikuwento sa matalik niyang kaibigan ang mga nangyayari sa married life niya. Meron ba siyang dapat ichika rito, mukhang wala naman e. “Hoy! Natulala ka na! Mare, alam ko iyang tinginan na iyan. Naku! Naku! Ilang linggo lang akong nailipat sa ibang Department mukhang may hindi na ginagawang maganda ang asawa mo!”malakas nitong tungayaw sa kanya. Agad tinakpan ni Desiree ang bibig ng kaibigan, bahagiya pa kasing napatingin sa gawi nila ang ilan mga katrabaho nila. “Pwedi ba, pakihinaan naman ang boses mo. FYI mali ka ng iniisip. Kasi ang totoo Mare…”Saka niya isinalaysay ang mga nangyayari sa pagitan nila ng asawa. Gulat na gulat naman si Jaime sa mga narinig sa kaibigan. “Lokaret ka talaga Des! Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi ka na nagsasawa sa habit mo!”humahagikhik na turan ni Jaime na tuluyan umupo sa desk nito. “Psst! Manahimik ka na nga lang, eh, sa bitin ako lagi eh. Akala ko siya na sagot sa mga dalangin ko,”nakalabing sabi ni Desiree. “Ang ibig sabihin lang ba niyan ay nabawasan ba iyan ang pagmamahal na meron ka sa asawa mo hmmm?”Nakataas-kilay na wika ni Jaime. “Mare! Uy! Hindi naman ah…” Nakatitig pa rin si Jaime rito marahil ay hindi naniniwala sa sagot niya. “Jaime, ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin?”nalulungkot na saad ni Diseree. Napabuntong-hininga naman si Jaime at tinapik-tapik pa ang balikat ng kaibigan. “Sayo na nanggaling, ang sa akin lang ay bigyan mo naman ng chance si Hubby mo. Paano kayo makakabuo kung ganiyan na lagi ka palang nabibitin sa performance niya.” Bigla naman pinamulahan si Desiree. Agad naman ang panlalaki ng mga mata ni Jaime sa natuklasan. Kahit hindi magsalita ang kaibigan ay basang-basa niya ito. “Meaning ba niyan ay… OMG! Magiging ninang na ako!”Masayang-masaya na sabi ni Jaime na nagtatalon pa. Ang ibang mga kasamahan nila na nakarinig sa sinabi nito ay nag-umpisang batihin siya ng congratulation. Kahit wala naman siyang ibalak ipaalam sa mga katrabaho ay wala naman na siyang magagawa. Sadiyang napakadaldal ni Jaime. Patuloy sa pakikipag-kamay si Desiree sa mga ito ng biglang may isang kamay ang pumagitan. Nang umangat ang mukha niya ay nakita niya ang mukha ni Ezekiel, nakasuot ito ng blue long sleeve polo at black denim pants. Guwapong-gwapo ito at mabangong-mabango kahit late hours na ng hapon iyon. Halos mag-uwian na pero. humahalimuyak pa rin ang sugo’s perfume nito sa buong office nila. “Congratulations Mrs. Jacinto…”ani nito sa baritonong tinig. “Thank you po Sir,”tugon niya. Tuluyan na niyang inabot ang palad nito. Muling umangat ang tingin ni Desiree sa mukha ng kaharap. Halos tinutubuan na ng bigote ang panga nito, ngunit hindi naman iyon nakabawas sa angkin kagwapuhan ng kaharap. Tila ba nakadagdag pa iyon sa karisma na mayroon ito. Halos lumukso ang puso ni Desiree ng ngumiti ito sa kanya, kasabay ng pagbitiw niya sa palad ni Ezekiel. “Tara na! Zeck, malalate na tayo sa usapan nina Donya Freyda…”agaw-pansin ni Nickolai sa kaibigan. Dire-diretso ng naglakad ang mga ito, tuluyan pumasok sa loob ng elevator ang dalawang binata. Muling napansin ni Nickolai ang pananahimik nito. “Narinig mo naman, buntis si Desiree. Siguro naman wala ka ng balak ituloy iyang plinaplano mo,”pang-aagaw pansin niya rito. “Maano naman kung buntis siya, mas okay iyon mapapadali kong maisagawa ang mga plinaplano ko…”malamig nitong tugon. “C’mon kung ipagpapatuloy mo ang mga binabalak mo ay maaring may madamay na inosenti. Ganiyan ka na ba kawalang-puso?”Naiiling na saad ni Nickolai. Naglakad na ito palabas matapos na magbukas ang pinto ng elevator. Agad bumati at pinagbuksan sila ng dalawang gwardiya ng glass door. Tuluyan ng hinugot ni Nickolai ang susi ng kaniyang kotse. “Zeck, makinig ka naman sa akin. Hindi ka ba maawa sakali sa bata kung mamulatan niyang hindi na buo ang pamilya niya kapag lumabas na siya sa mundong ito? Maatim mo ba iyon. Naiintindihan mo ba ang punto ko. Siguro naman oo, dahil alam mo ang pakiramdam ng mawalan ng kumpletong pamilya sa napakabatang edad.” “Can you shut up, kahit anong sabihin mo hindi na mababago ang desisyon ko. Saka mangyari man iyon nakahanda ako sakali.” Nakakunot-noo naman siyang binalingan ni Nickolai. “Ano ang gagawin mo? Aakuin mo ang pagiging Daddy kapag nagkataon? Man! Hindi mo linyahan iyan.”kantiyaw niya. “Let see…”matipid na wika ni Ezekiel at itinuon lamang ang pansin sa mga nadadaanan nilang establisyemento. MASAYA namang ibinalita ni Desiree sa asawa ang pagbubuntis niya ng dumating ito sa kanilang apartment. “Noong nakaraan linggo, hindi na ako dinatnan hon. A-akala ko delayed lang ang menstruation period ko, pero ng dumaan pa ang isang linggo… kinutuban na ako. Then, b-bumili na ako ng dalawang pregnancy kit. At voila! Dalawang guhit ang lumabas honey!”Galak na galak na pamamalita ni Desiree. Nakatitig lang naman si Guiller sa testing kit na ginamit ng asawa niya. Natutuwa siyang malaman na nakabuo na sila agad-agad sa ganoong kaaga ng pagsasama nila bilang mag-asawa nito. Isang pilit na ngiti ang ipinakita niya sa asawa. “Nakakatuwa nga honey, ang mabuti pa’y matulog na tayo para makapagpahinga ka ng maaga…”pag-iiba ng paksa ni Guiller. “Sige Honey, banyo lang ako.”wika ni Desiree. Unti-unti naman napahiga si Guiller sa kama. Mataman siyang nakatitig lamang sa kisame. Gustong-gusto na niyang magsabi sa asawa ng pagkakatanggal niya sa trabaho. Kaso, mukhang wrong timing. Ayaw niyang mag-isip ito. Dahil buntis pa man din ito. Mariin niyang hinilot-hilot ang ulo na nag-imuumpisa ng manakit, nasa ganoon siyang ayos ng umilaw ang screen ng android phone niya na nakapatong sa may side table. Tuluyan niyang inabot iyon at sinagot. “H-hello who’s this?”tanong ni Guiller mula sa kabilang-linya. “G-Guiller—“Base pa lamang nito at timbre pa lang ng tunog ng pangalan niyang sinambit nito ay kilalang-kilala na niya ang nasa kabilang linya. Bigla ang pagbangon ng kaba at inis sa likod ng isipan niya. Mabilis niyang pinatay ang aparato niya. Muli niyang ibinalik sa kinalalagiyan niyon ng marinig niyang magbukas ang pinto ng banyo. “May kausap ka honey?”tanong ni Desiree na tuluyan ng umusog sa tabi ng mister. “W-wala honey, ang boss ko lang iyon. Nagtatanong siya kung tapos ko na iyong ipinapagawa niyang report ko sa isang client,”alabi niya. “Oohh, o siya matulog na tayo. Inaantok na rin ako honey…”humihikab na sabi ni Desiree. Tumango naman si Guiller, isang masuyong halik sa gilid ng sentido ang ginawa niya. Masuyo niyang hinahaplos ang pisngi nito. Muling bumangon ang inis niya, sa kaisipin na nag-uumpisa na naman siyang guluhin ng taong may kaugnayan sa nakaraan niya na pinilit niyang iniiwasan sa nakalipas na taon. “M-maayos na ang buhay ko! Bakit ba bumalik-balik ka pa, …”piping pakikipag-usap ni Guiller sa kawalan. Mababanaag ang poot at pagdaramdam sa magkabilang mata nito sa nakalipas na sandali…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD