CHAPTER THREE

1429 Words
LAHAT ay napapadako ang tingin sa pigura ng lalaking naglalakad sa eleganteng istruktura ng Lacsamana Law Firm. May halong paghanga at pagniningning sa mga kadagalahan naro-roon. Kahit na may asawang lalaki na rin ang ilan ay parehas ang mababanaag. Sa kalalakihan ay may intimidasyon na makikita naman. Tuluyan tumigil sa isang table ito, nag-alis ng bara upang makuha ang pansin ng babaeng nakayukyok sa lamesa. Bigla naman naging alerto ito at natatarantang inayos ang sarili mula sa pagkakaidlip. “Goodmorning S-sir Abenedi, k-kayo po pala… pasensiya na po at hindi ko kayo agad napansin.”Paumanhin ni Desiree . Isang simpatikong ngiti ang pumunit sa labi ng binata. “It’s okay sweetheart, mukhang napuyat ka? Oh! Sorry! I forgot kakasal niyo lang pala ng husband mo.” Bigla naman pinamulahan ng pisngi at iniiwas ni Desiree ang tingin sa kaharap na lalaki. Isang pilit na ngiti ang naitugon na lamang niya. “A-ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo S-Sir? May kailangan po ba kayo kay Boss Lacsamana?”tanong niya. Mas mainam na ibahin na niya ang paksa na aminado siyang hindi siya kumportable na pinag-uusapan ang married life niya. “Ah yes, yes, meron nga akong sadiya sa kanya. Nasa loob ba siya?”tuloy-tuloy na nasabi ni Ezekiel. Marahan itong sumandig sa desk ng babae. “Naku sir, nasa outside meeting si Sir. Kung gusto niyo bumalik na lang kayo,”ani ni Desiree. “Ganoon ba, paano ba iyan. Malayo kasi ang clinic ko rito. Kung ba-byahe pa ako paalis, anong oras ba ang meeting niya sa labas. Baka mas okay na maghintay na lang ako sa loob ng office niya,”simpleng tugon ng binata habang titig na titig sa kanya ng mga sandaling iyon. “K-kayo po ang bahala, itatawag ko na lang po kay Sir Lacsamana na narito ho kayo…”nauutal niyang sabi. “No need, Mrs. Jacinto. Ako na mismong tatawag sa kanya,”gagad na wika ni Ezekiel na mabilis na pinigilan ang palad niya na akmang dadampot sa craddle ng phone sa lamesa nito. Ewan ni Desiree ngunit bigla ang paggapang ng init sa balat niya kung saan nakadampi ang palad ni Ezekiel. Kumalat sa bawat himaymay niya ang init niyon sa buong ng kalamnan niya. Mabilis pa sa alas-kwatro na inalis niya iyon, kasabay na marahan na paglibot niya ng pansin sa buong paligid. Kinakabahan siya na baka may nakapansin sa kanila ni Ezekiel. Kahit paano’y tila busy naman sa kanya-kanyang gawain ang lahat ng kasamahan niya sa trabaho. “Opps! Sorry…”pagpapaumanhin ng binata. May pagkaaliw siyang nakita sa itsura ng lalaki na tila naengganyo ito sa inakto niya. Pinilit na lang niyang ngumiti pagkatapos, para hindi na ito mag-usisa. Ibinalik na niya ang pansin sa folder na nasa lamesa niya, kung saan naglalaman ng mga appointment ng boss niya. Agad naman ng naglakad papasok si Ezekiel sa harap ng pinto ng private office ni Nickolai. Takang-taka siya dahil alam nito ang password sa pinto ng boss niya. Natitiyak siyang super close nga ang dalawa. Dahil ipinagkakatiwala lang naman nito iyon. Nang tuluyan makapasok sa loob si Mr. Abenedi ay mabilis na tinutop ni Desiree ang dibdib. “Ano ba ‘yan girl! Presensiya pa nga lang niya, tarantang-taranta ka na! De lalo na ang madikit man lang ang kamay niya sa balat mo!”piping pakikipag-usap ni Desiree sa sarili. Para na siyang baliw sa pinaggagawa. “Des! Hoy! May asawa ka na lukaret! Kung umasta ka para kang dalaga! Nababaliw ka na ba talaga?”sikmat niya sa sarili. Mariin niyang ikiniling-kiling ang mukha. Maski ang mga kuko niya’y kinagat-kagat niya rin. Ganoon na ganoon siya kapag natetense o kaya nakakagawa siya ng pagkakamali. “May asawa ka na, kaya umayos ka! Ano ng iisipin ni Guiller ng mga taong nakakakilala sa iyo? Noong may panahon na malaya ka bakit hindi ka naglandi, pero ngayon? Naku naman Des. Nasaan ang utak mo!”pangangaral niyang muli sa sarili lamang. Nag-inhale, exhale siya. Kahit paano ay nakatulong iyon upang umayos muli ang composure niya. Lagpas na ng trenta minuto mula sa loob si Ezekiel ng marinig muli ni Diseree ang baritonong tinig nito mula sa intercom na ginagamit ng boss niya. “Can you come in Mrs. Jacinto?” “S-sure Sir…”sagot niya rito. Kahit nanginginig ang tuhod ay nagmadali ng pumasok sa loob si Desiree matapos niyang kumatok ng tatlong beses. NAKITA niya ang pagpasok ng babae sa loob ang marahan nitong pagsasara ng pinto. “A-ano po iyon S-sir Abenedi?”may nginig siyang nahimigan sa tinig nito. Sa totoo lang ay naammuse siya rito, sa unang pagkikita pa lamang nila ay alam na niyang malaki ang magiging papel nito sa kaniyang buhay. Hindi nga siya nagkamali, dahil mapapangasawa pala nito ang lalaking may malaking kaugnayan sa kaniyang pagkatao at nakaraan. Nakakalungkot lamang na masasama ito sa mga nabuo niyang plano na nakahanda ng isakatuparan ng asawa nitong si Guiller. “Mrs. Jacinto… kaya mo ba akong aliwin?”seryusong dikta niya sa kaharap na babae. Bigla ang pamimilog ng mata ni Desiree, marahil hindi nito napaghandaan ang mga sinabi niya. Dahan-dahan siyang napatayo at umikot sa babaeng mukhang natulala na. Marahan napaupo si Ezekiel sa ibabaw ng lamesa ng kaibigan niyang si Nickolai. Marahil kung naroon ito ay tiyak babatukan siya nito o uupakan. Dahil ang totoo hindi naman niya magagawa ang mga pinaggagawa niya lang ngayon sa secretary nito. Dahil ang totoo ay tanging kay Desiree lamang niya balak gawin ang mga ganitong motibo. “S-sir, are you serious?”nauutal na tanong ni Desiree. Agad na tumayo si Ezekiel. Napilitan tumingala ang babae, dahil mas mataas ito sa kaniya. Hanggang sa balikat lamang kasi siya ng una. Halos magbuhol ang paghinga ni Desiree ng unti-unti ay inilapit ng kaibigan ng boss niya ang mukha nito. Halos gusto na niyang panawan ng ulirat ng madama niya ang mainit na hininga ng lalaki sa may leeg niya. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil tila wala siyang magawa sa mga sandaling iyon. Dahil kitang-kita naman na binabastos na siya ng bisita ng kaniyang boss! “E-excuse me S-sir Ezekiel, pero mukhang mali po kayo ng iniisip sa akin. Hindi po ako katulad ng mga babaeng nakikilala niyo. Sorry sir, pero kasal na po ako… “mataray niyang sabi. Akma na niyang tatalikuran ito ng bigla ay hawakan siya sa braso nito. Halos gustong magtitili ni Desiree pagkatapos, hindi niya alam sa sobrang kaba o gigil. Dahil sa labis na tensyon ay mabilis niyang ipinagpag ang brasong hawak-hawak ng lalaki. “Pwedi ba sir pakibitawan ang kamay ko!”pakiusap niya. “Easy Mrs. Jacinto hindi ko naman nakakalimutan na may asawa ka na talaga. B-but you know, I find you interesting though…”malagkit nitong bigkas. Kasabay niyon ang pagbaba ng mukha niya. Halos matilihan si Desiree ng mukhang may balak pa siyang halikan ng mokong! Imbes na itulak niya ito ay tuluyan na siyang napapikit. Ilang dipa na lang ang agwat ng mga labi nila. Isang ngiti ng tagumpay pagkatapos ang makikita sa labi ni Ezekiel na tila nasisiyahan sa nangyayari. Unti-unti na siyang lumayo kay Desiree ng madinig niya ang pagpihit at pagbukas ng pinto ng opisina. “Sorry, Zeck traffic masiyado sa Edsa. Sana nagpagawa ka muna ng coffee rito kay Mrs. Jacinto…”bungad ni Nikolai na naglakad palapit sa kanila. Mabilis naman napadilat si Desiree, pilit na ngiti ang ipinakita niya sa bagong-dating na boss. “At the moment, ito nga sinasabihan ko si Mrs. Jacinto na gawan ako ng kape.”mabilis nitong sabi na nanatiling nakatitig kay Desiree. “Ah ganoon ba, make it two Des...”utos ni Nickolai . Napatango naman ang babae, mabilis na siyang naglakad paalis sa harap ng dalawang lalaki. Ngunit kahit nakatalikod na siya ay damang-dama niya ang marubdob na titig sa kanya ni Ezekiel. Gusto niyang mangilabot at the same time matakot sa epekto niyon sa kanya. Dahil pakiramdam niya ay nagkakasala siya sa asawa niyang si Guiller. At ang masama doon ay wala man lang siyang nagawa upang patigilan ang kapangahasan nito sa kanya kanina, bagkus ay hinayaan niya ang sariling matangay. Napapikit pa siya as if ay hinihintay niyang mahalikan nga siya ng binata! Hindi nga ba? Piping kastigo ng suwail niyang isip. Nagmadali na siyang gumawa ng kape sa dalawa. Upang kahit paano ay mabilis ng makaalis ang bwesit na bisita ng boss niya na nagpapatuliro sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD