CHAPTER FOURTHY ONE

1216 Words

INILAGAK ang burol ni Guiller sa mansyon din ng mga Abenedi. Lahat ng nakakakilala rito ay nagpunta roon upang makiramay sa biglaang pagkawala ng lalaki. Sa unang araw ay halos wala sa sarili si Desiree. Ikinabigla niya ng labis ang pagpanaw ng asawa niya. Hindi niya inaasahan na sa araw na iyon ay mawawala na ito sa buhay nila. Parang pinipiga ang puso niya sa tuwing maiisip na paano na sila ng mga anak niya na ngayong wala na ito. Mabuti na lamang at dumating ang magulang at Lolo't Lola niya na siyang tumutulong sa pag-aasikaso sa mga bata. Sa mga panahon ng burol ni Guiller ay hindi niya kinakausap si Ezekiel. Malaki naman ang pasasalamat niya dahil tila nirerespesto naman nito ang pag-iwas niya. Nasa ikalimang gabi na ng burol ni Guiller ng dumating ang bisitang hindi nila inaasah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD