DUMATING nga araw ng operasyon ni Guiller. Kahit na tinanginan na siya ng manggagamot ay nagbakasali siyang gagaling pa. Para sa katulad niya na tanging sa pagkapit na lang sa himala ay wala naman masamang maniwala roon. Sa panahon na iyon ay laging nakaantabay si Desiree. Hindi niya hinayaan na maramdaman ng asawa niya na nag-iisa ito. Naging matagumpay nga ang operasyon nito na labis na ipinagpasalamat ng pamilya ng lalaki. "Kumusta na? magaan na ba ang pakiramdam mo?"sunod-sunod na pagtatanong ni Desiree sa asawa niya na nanatiling nakahiga at mataman nakapikit. "Ayos naman ang pakiramdam ko honey, kahit paano ay hindi ko na nararamdaman iyong sakit sa may tyan ko,"dahan-dahan na nasabi ni Guiller. Bakas sa mukha nito ang panghihina dahil sa katatapos lamang nitong operasyon. Nana

