INILINGA ni Desiree ang buong pansin sa malawak na mansyon na kinaroroonan nila. Kararating lamang nila roon nila Guiller. Isinuhestyun kasi ng Lola't Lolo nito na mas mainam at masusubaybayan ng maigi ang pagpapagamot ng asawa niya kung sa poder ng mga ito titira. Nabistan na rin ni Desiree ang magiging silid ni Guiller, malaki at napakaaliwalas niyon. Halos lahat ng kagamitan sa loob ay moderno na at tingin niya'y galing pa sa ibang Bansa ang mga iyon. Lahat yata ng makikita sa mansyon ng mga Abenedi ay high tech. Isang piano rin ang nasa gitnang bahagi ng sala. Ang kisame ay napapalibutan ng chandelier. Sa haligi ng pader ay naroon na nakasabit ang ilang portrait ng mga pamilya nito. May pigurine na nakahilera sa corrigidor. Manghang-mangha si Desiree, hindi niya inaasahan na ganito

