CHAPTER 43 Abegail POV "Abegail! Ate, kain na! Tinawag na tayo ni Mama," sigaw ni Mico mula sa ibaba ng hagdan. Napabuntong-hininga ako at nilingon ang orasan. Hindi ko namalayan ang oras sa dami ng iniisip ko. Tumayo ako mula sa kama at inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Kailangan ko ng magpahinga mula sa mga alaala. Masyado na akong natagalan sa kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, natanaw ko sina Rafaela at Antonette na masayang naglalaro sa sala. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang kakyutan. Lumapit ako sa kanila at tinapik ang kanilang mga balikat. "Girls, kain na tayo. Tinatawag na tayo ni Tito Mico," sabi ko sa kanila. Tumayo agad sina Rafaela at Antonette, nagmamadali pa habang tumatakbo papunta sa dining room. "Yes, Mommy!" sabay na sabi ng kambal, ang mga boses nila'y

