CHAPTER 42 Abegail POV Pagkatapos naming mag-usap ni Mama at ni Mico, pumasok na ako sa kwarto ko. Pagod na ako sa biyahe, at alam kong kailangan kong ayusin ang mga gamit namin ng mga bata para sa mga susunod na araw. Habang inaayos ko ang maleta, nakita ko ang lumang photo album na isinama ko pa mula Germany. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga alaala na laman ng bawat larawan. Habang binubuklat ko ang album, nahulog mula rito ang isang maliit na picture frame. Napulot ko ito, at tila natigilan ako nang makita ang larawan sa loob. Larawan naming tatlo—ako, si Rafael, at si Antonio. Nandun kami sa isang masayang pagkakataon, mga ngiti sa aming mga mukha, tila wala pang mga mabibigat na problemang kinakaharap noon. Pero sa likod ng mga ngiting iyon, may mga bagay na hindi na mabab

