You're Not My Brother
Episode 12
Red
Dahil first week of showing pa lang ay marami pa rin ang nanonood. Nahirapan tuloy akong humanap ng maayos na puwesto sa itaas.
Ayoko naman sa baba dahil nahihilo ako at hindi ko naeenjoy ang palabas.
Nakahanap ako ng maayos na puwesto sa may bandang dulo sa itaas.
Nang makaupo siya ay iniwanan ko muna si Gael doon. Muli akong lumabas upang bumili ng popcorn at drinks na rin.
Habang inaayos ng babae ang order ko ay napasulyap ako sa mga ibinebentang collectibles sa kabilang side.
Mabilis akong lumapit doon at naagaw ang atensyon ko ng isang keychain. Si Toothless ng How to train your Dragon movie.
Kaagad kong binili iyon saka ko nilagay sa bulsa ko. Inabot na rin sa akin ang popcorn at drinks na binili ko. Mabilis na akong naglakad pabalik sa loob.
Habang nanonood kami ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko naman talaga gusto ang palabas na napili ko. Dinahilan ko lang kay Garl iyon upang maisama ko siyang manood. Mukhang naeenjoy naman niya.
Inayos ko ang puwesto ko saka ko isinandig ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit na rin ako at iidlip na sana sandali nang maramdaman ko na marahas akong itinulak ni Gael palayo sa kanya.
Napabalikwas naman ako ng upo at nasipa ko pa tuloy yung upuan na nasa harapan ko.
"Ano ba yan? Ang likot niyo naman!" mataray na reklamo ng isang chubby na babae na nakaupo doon.
Nang mapagmasdan niya ang mukha ko na nasisinagan ng liwanag mula sa screen ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Para siyang uod na binubudburan ng asin habang nagpapa-cute sa akin. Tangina neto ang sarap bigwasan. Pulang-pula pa ang labi at pisngi ng hayop.
Sinulyapan ko si Gael. Nasa palabas ang atensyon niya at nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya ay sinulyapan niya ako.
"Problema mo?" tanong niya gamit ang natural na supladong tono niya.
"Bakit mo ba ako tinulak ha?" reklamo ko sa kanya.
"Hinatak mo ko para manood pero tutulugan mo ang palabas. Sapakin kaya kita. Pinaglololoko mo ko." sermon niya.
Nangiti na lang ako saka na ako umayos ng upo. Habang busy si Gael sa panonood ay napadako ang tingin ko sa makinis na braso niya na nakapatong sa armrest.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na haplusin iyon gamit ang mga daliri ko.
Marahas namang inalis ni Gael ang kamay ko na sinabayan ng pagpalatak niya.
"Manonood ka ba o hindi?" tanong niya. Nararamdaman ko na ang iritasyon sa tinig niya. Ngunit mas lalo lang akong naaliw sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga nararamdaman kong ito para sa stepbrother ko. Pero kung tama ang hinala ko na nababakla na ako sa kanya ay wala akong pakialam.
Masaya ako kapag kasama ko si Gael. Natutuwa ako kapag naiinis ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang malakas na atraksyon na dinudulot niya sa akin.
Nakakababa ng p*********i. Tang-ina. Buong buhay ko ay hinahabol ako ng mga babae. Marami sa kanila ay talaga namang magaganda at nadadala ko nang walang kahirap hirap sa kama.
Kilala ako bilang playboy at matinik pagdating sa babae. Hindi na nga mabilang ang mga lalaking nakakaaway ko dahil pati mga girlfriend nila ay naaakit sa akin.
Lalaki ako. Sigurado ako doon. Ngunit hindi ko kayang paglabanan ang nararamdaman ko kay Gael. At desidido ako na ipagpatuloy itong mga kahibangan ko.
Mula nang masira ang pamilya ko ay hindi na ako kailanman nakadama pa ng totoong kasiyahan. Ngayon lang mula nang makilala ko si Gael.
Nakahanda ako na harapin ang lahat nh consequences na kalakip nito basta makasama ko lang siya nang matagal na panahon.
Natapos ang palabas na wala akong naintindihan tungkol sa kwento. Pero masaya at nakangiti akong lumabas ng sinehan.
Naglalakad na kami sa loob ng mall nang mapahinto si Gael. Sinuyod niya ang buong paligid. Halos sarado na ang mga shops ng mall at medyo madilim na rin sa loob.
Mabilis siyang napalingon sa akin nang mapagtanto niya na sarado na ang buong mall.
"Hindi tayo nakapag-grocery." sambit niya.
Napangiti naman ako saka ko siya sinagot. "Bakit, hindi na ba pwede bukas?"
"At gago ka talaga! Kung saan saan ka muna kasi nagpupunta" sermon niya saka na lang siya napailing.
Napangisi ako pagkatapos ay inakbayan ko siya at napansin ko na tila giniginaw siya. Nahalata ko rin na tila malamig nga sa loob ng mall.
Mabilis kong hinubad ang blouson jacket na suot ko saka ko iyon tinangka na ipasuot sa kanya pero umiwas siya.
"Bakit mo ipinapasuot sa akin yan?" nagtatakang tanong niya.
"Nilalamig ka kaya suotin mo to." sagot ko.
"Paano ka?" sabi naman niya.
"Huwag mo akong isipin. Sanay ako sa lamig." sabi ko saka ko na pinasuot sa kanya ang jacket. Hindi na siya tumanggi sa pagkakataon na ito.
"Salamat!" sabi niya.
Napangiti naman ako. "Tara na!"
Sumabay na kami sa mga tao na patungo sa exit ng mall. Nasa exit na kami nang mapansin namin na umuulan sa labas.
Ilan sa mga kasabayan namin na galing sa sinehan ay may mga dalang payong kaya sinuong nila ang malakas na ulan.
Kami naman ni Gael ay nakasilong kasama ng iba na wala ring dala na payong.
"Mukhang magtatagal pa ang ulan na to. Masyado pa ring malakas ang buhos." narinig kong sambit ni Gael.
Doon na ako nakaisip ng kalokohan. "Gael, halika dito may naisip ako." sabi ko.
"Ano yun?" inosenteng tanong naman niya.
"Basta, lumapit ka sa akin at ibubulong ko sayo." sabi ko.
"Loko siguradong kalokohan na naman yan ah." may pagdududang sagot niya.
Natawa naman ako. "Gusto mo bang malaman o hindi?"
"Hay!" angil niya pero lumapit naman siya sa akin.
Inakbayan ko siya saka ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya. Pero ang totoo ay wala naman talaga akong sasabihin sa kanya.
"Tara na!" bulong ko saka ko hinigpitan ang pagkakayakap ko sa katawan niya.
Wala nang nagawa si Gael kung hindi ang sumunod sa gusto ko nang magsimula ko siyang hatakin patungo sa gitna ng malakas na ulan.
"Huy! s**t! Sira ulo ka!" sabi niya habang hatak hatak ko siya patakbo sa daan.
Nang mabasa na kami ng tuluyan ay binitawan ko na siya saka ako humalakhak.
"Baliw ka," inis na sambit niya saka niya ako tinadyakan.
Natatawa naman ako na umiwas. Natamaan niya ako pero hindi naman ako nasaktan dahil tumama lang naman iyon sa puwet ko.
Napadaan kami sa may parte na medyo inaapawan na ng tubig. Sinipa ko iyon patungo kay Gael.
Napaiwas na lang siya saka siya napamura. "Tangina mo maharot ka ha!"
Mabilis niya akong nilapitan pero umatras ako. Binilisan pa niya ang lakad niya habang nakangisi siya.
Ngisi ng taong may binabalak din na kalokohan.
"Magagawa mo lang ang binabalak mo kapag nahabol mo ko." sabi ko saka ako tumakbo.
Hinabol naman ako ni Gael. Tumakbo din siya at habang patungo na kami sa condo ay hindi natapos ang habulan at harutan naming dalawa.
Hindi na namin pansin ang mga tao sa paligid namin na naagaw na pala namin ang atensyon.
Basta ang mahalaga lang sa amin ay ang paghaharutan namin ni Gael sa gitna ng malakas na ulan. Ang saya na naidudulot nito sa akin at alam ko na masaya din siya base sa mga tawa na naririnig ko sa kanya.
Nang mapagod kami ay hinihingal kami pareho na huminto sa tapat ng isang convenient store.
Bibili muna sana ako ng kape pero nakita ko na giniginaw na si Gael kaya mabilis ko na siyang nilapitan at muling inakbayan.
"Tara na baka magkasakit ka pa." sabi ko sa kanya saka ko na siya inakay palayo doon. Hindi naman siya tumanggi kaya hanggang sa makarating kami sa condo ay halos nakayakap lang ako ng mahigpit sa kanya.
Nang makapasok kami sa unit ay kaagad akong kumuha ng dalawang towel. Ipinunas ko sa buhok ko ang isa at nang makalapit ako kay Gael ay pinunasan ko na rin siya sa ulo.
Mabilis naman niyang kinuha sa akin ang towel at siya na mismo ang nagpunas sa sarili niya.
Hinubad ko ang T-shirt ko saka ko iyon inilapag sa mesa. Mabilis na rin akong nagpainit ng tubig.
Nang balikan ko si Gael ay para siyang tanga na nakatayo lang. Nakatingin sa labas ng glass wall habang nagpupunas ng ulo.
Nakikita ko rin ang bahagyang panginginig niya dahil sa ginaw.
"Haist! Bakit hindi mo pa kasi hubarin yang damit mo." sabi ko.
Mabilis ko siyang nilapitan saka ko hinawakan ang magkabilang laylayan ng damit niya at mabilis ko iyong inalis sa katawan niya.
Nang mapagmasdan ako ang kahubdan ni Gael ay napalunok ako. Hindi siya gym fit pero maganda ang shape niya.
Wala siyang abs pero flat ang tiyan. May shape din ang makinis niyang dibdib.
Napansin ko na sa katawan ko din siya nakatingin. Pinagmamasdan ang bawat muscles na hinubog ko sa gym.
Ilang sandali pa ay sabay din na lumipat ang tingin namin sa isa't isa. Nagtama ang mga mata namin.
Mabilis kong hinatak ang ulo niya saka ko masuyong inangkin ang mapupulang labi niya.
Nabigla naman si Gael at napahawak siya sa maskuladong dibdib at braso ko.
Mas lumalim pa ang paghalik ko. Nakita ko na napapikit na siya saka ko naramdaman ang bahagyang paggalaw ng mga labi niya.
Sa simula ay marahan ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula nang tumugon si Gael sa intensitidad ng ginagawa kong paghalik sa kanya.
Marahan ko siyang itinulak hanggang sa maihiga ko siya sa sofa. Pumatong naman ako padapa sa katawan niya saka ko muling inangkin ang mga labi niya.
Hindi niya ako binigo sa nais kong mangyari. Nagpatuloy ako sa maiinit na paghalik sa kanya na mainit din naman niyang tinutugon.
Naramdaman ko na lang na naglalakbay na sa hubad na katawan ko ang maiinit na palad niya.
Dumadama, humahaplos habang patuloy ang pagsasanib ng aming mga labi.
Ilang sandali pa ay kumalas ako sa paghalik saka ko siya masuyong tinitigan sa kanyang mga mata.
Nakatitig din siya sa akin at nakaawang pa rin ang masarap niyang mga labi.
Akma ko na ulit siyang hahalikan nang bigla siyang magsalita.
"Kumukulo na ang tubig mo."
Napakurap ako saka ako naguguluhan na tumitig sa kanya. Nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya kanina.
Hawak namin pareho ang tuwalya niya at pinupunasan namin ang natutuyo na niyang katawan.
Napakurap ako. Tang-ina! Mabilis akong napailing saka na ako awtomatikong naglakad upang patayin ang heater.
Hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng wild imagination sa pagitan naming dalawa ni Gael. Ano bang nangyayari sa akin?
Naiiling na lang ako saka na ako nagsimulang magtimpla ng kape.
Nilingon ko siya. "Mauna ka nang maligo. Kanina ka pa giniginaw." sabi ko.
Naglakad na siya papasok sa banyo. Nailing na lang ako saka ako humigop sa decaffeinated coffee na tinimpla ko.
Naging mas malapit na kami ni Gael sa mga sumunod na araw. Sabay kaming pumapasok sa school at sabay din kaming umuuwi.
Huwebes ng hapon nang i-announce ng prof namin na nagdropout na si Jojo.
Napangiti ako nang marinig ko ang balitang iyon. Inaasahan ko na iyon dahil halos mabaldado na siya dahil sa ginawa ko sa kanya.
Hindi na rin pagtatangkaan pa na galawin ng mga kasamahan niya si Gael. Sa katunayan nga ay hindi na rin nila ako matingnan nang diretso mula nang araw na turuan ko sila ng leksyon.
Palagi na lamang ay nakayuko sila sa tuwing dadaanan ko sila.
Agosto na nang magsimula kaming maging busy sa practice ng basketball. Varsity kasi ako ng university at may sasalihan kaming laban sa susunod na buwan.
Hindi ko na nakakasabay sa pag-uwi si Gael. Naipasok na rin siya sa trabaho ng kaibigan niyang si Kevin sa isang coffee shop na malapit sa school.
Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko na kasama niya ang Kevin na iyon ay naiinis ako. Hindi ko gusto ang pagiging malapit nila.
Kung hindi lang magagalit sa akin si Gael ay baka matagal ko nang nasapak ang lalaking iyon dahil nayayabangan ako sa kanya.
Napapansin ko rin na iniiwasan siya ng pinsan kong si Kazu. Bagay na ipinagtataka ko.