ANNA’S POV ***Continuation Of Flash Back*** Mula sa palad nya ay may hawak syang kakaibang bagay. Bagay na syang hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam kung ano. Ang bagay na ‘yon. Agad akong nag-invisible ng papalapit sila sa gawi ko. Sinundan ko sila at saka ko naman nakita si Primo. “Nagawa mo na ba?” tanong nito kay Zena. “Tapos na, sa’n ka ba galing?” takang tanong ni Zena sa kanya. “May nilinis lang,” sabi nito at saka tinignan ang hawak na k’wintas ni Zena. “Para sa’n ‘to?” “Ang kalahati ng puso ni Mysty.” Napatakip ako ng bibig ko. Napakuyom ako ng kamay ko at saka ko sinugod si Zena. Pero agad nya akong natunugan at sa punto na ‘yon ay nakailag sya. Nang makailag ay saka nya ako sinipa at saka ako hinawakan sa leeg. Hindi ako nakapalag agad at saka naman ako kinulo

