MYSTY’S POV One week. One week na kaming nandito sa mundo ng mga tao. Minsan naiinis na rin ako kay Zion. Pero gano’n pa man ay kinukumbinsi ko sya na lumapit kay Philomena. Ang hindot, ang daming dama sa buhay. Kaya naman hindi na ako nakatiis. Isang college student si Philomena at ngayon ay palabas na sya ng campus. Sinad’ya kong abangan sya dahil hindi ako matatapos kung pabebe naman ang Zion na ‘yon. Nang makita ko na sya ay saka ako dumaan sa harapan nya. May dala syang libro at kunwari ay nabangga ako sa kanya. Nalaglag ang mga libro nya at saka ako kunwaring humingi ng pasensya. Kahit naman na sinasad’ya ko ‘yon ay hindi ko aaminin na kasalanan ko. Nang tinignan ko sya ay ngumiti sya sa ‘kin at ang ngiti na ‘yon ay sobrang ganda. Napatitig ako sa kanya at napailing nang mapagtan

