MYSTY’S POV Lumapag ako sa harapan nya at saka ko naman sinumon ang espada ko at tinapat sa leeg nya. Nakikita ko ang itim na aura mula sa kanyang palibot at dama ko rin ang itim na kapangyarihan. “Sino ka?” tanong ko habang nakatutok ang espada ko sa kanya. Binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti at t’saka sya tumayo. Binunot nya ang palaso mula sa kanyang binti at nanlaki ang mata ko nang biglang gumaling iyon. Mula sa harapan ko’y bigla nya na naman akong sinugod at this time hawak nya ako sa leeg ko. Napaubo ako dahil do’n at nakikita ko ang kakayahan nyang pumatay. Pero nangilid ang labi ko at nawala ang ngisi nya. Malakas ko syang sinipa at saka ako gumawa ng lubid gamit ang tibig. Nang maitali ko sya ay sya naman ang sinakal ko sa leeg. “Hindi mo ba alam na ang ayaw ko sa lah

