MYSTY’S POV Umalis na muna sila Anna para daw tignan ang ibang mga guess. Sobrang proud ako kila Ji at Kuya ngayon dahil magkakaroon na sila ng sarili nilang pamilya. Hindi inaasahan ang paglalaban ni Zemji at Zem no’ng nakaraan at hindi rin nya inaasahan na makakaharap nya ang kanyang ama. Sa totoo lang ay natakot ako no’n na baka masaktan ni Zem si Zemji. Pinagmamasdan ko si Ji habang nakatignin sya sa salamin. Kulay pula ang theme ng lahat. Bali kami ay naka-red at s’yempre ang bride naka-white. Ang ganda ni Ji ngayon at hindi ‘yon maipagkakaila. Kaya siguro nahulog si Kuya sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Parang ang O.A ko naman. Nakakainis talaga ang hirap maging soft. Habang pinagmamasdan ko sya ay napatingin sya sa ‘kin na nakakunot ang noo. “Bakit ka naman umii

