MYSTY’S POV Sa huling pagkakataon ay muli kong hinalikan si Al at sa huling pagkakataon ay muli ko syang niyakap. Patuloy na pumapatak ang luha ko at kahit na anong gawin ko’y hindi ko magawamg pigilan ito. “Magkikita pa tayo,” he said at saka sya tumingala at pinisil ang ilong para pigilan ang pag-iyak. “Gagawa ako ng paraan magkikita pa tayo. Hindi ako papayag na hindi ikaw ang makakasama ko hanggang sa huli. I’ve been waiting for you for so fcking hundred years and in the end... this is what fcking happened,” ramdam ko ang sakit mula sa mga salita na ‘yon. “Hindi ba p’wede dito na lang sya? Hindi p’wede?” pakiusap nya kay Mina pero umiling ito. “Ipagpaumanhin mo mahal na Prinsipe ng Fire Kingdom. Pero ang lahat ng mga may dugong dyos at dyosa ay kinakailangan manirahan sa god and

