MYSTY’S POV Nagising ako na nasa k’warto na ako. Bumangon ako at saka ko tinignan ang paligid ko. Napabuntong hininga ako at saka napahilamos ng mukha ko. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok at saka pumasok do’n si Mina na may dalang pagkain at gamot. Napahilot ako sa ulo ko at saka naalala ang nangyare. “Mabuti na lang at nagising ka na after five days,” sabi nito at napalingon ako aa kanya. “Five days?” hindi makapaniwalang usal ko. “Hmm... nakatulog ka ng limang araw mula nang mangyare sa ‘yon,” paliwanag naman nya. Napabuntong hininga ako at saka ako muling humiga sa kama. Five days akong tulog just because of that? Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o maiinis. Med’yo masakit pa rin ang ulo ko pero napatingin ako sa katawan ko at waka nang bakas ng sugat. “Matapos ang

