THIRD PERSON’S POV Mula sa likuran ay pasugod sila Xymyx, Lara at Zena pero hinarangan sila ni Ji. Ang kulay ng kanyang apoy ay mero’n na ring pula. Naghahalong asul at pula. Sinugod niya una si Xymyx at sunod si Lara at ang hili si Zena. Hindi katulad ng una nyang paggamit ng kapangyarihan na walang kontrol ngayon ay mero’n na. Dahil ito rin ang nagbibigay ng lakas sa kanya. Sa mga oras na ‘yon ay hindi alam nila Ulap, Melina, Mina, Jarea, at maski ang ibang dyos at dyosa ang susunod na magaganap. Kahit na hindi alam ni Aldemous ang mangyayare ay hinihintay nya na may mangyare. Hangga’t may natitirang buhay, hangga’t nand’yan ang isa pa ay hindi ito mawawalan ng pag-asa. Sa hindi inaasahan ay biglang lumitaw ang isang imahe kung nasa’n si Mysty. Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala

