***Continuation*** THIRD PERSON’S POV Biglang kinabahan si Thelia at hindi mapakali dahil nasa harapan nya ngayon si Mysty. Wala syang ibang magagawa kung hindi ang harapin ito at kinakailangan nyang maging normal sa harapan nito. Huminga sya ng malaim at saka ngumiti kay Mysty. “O-oh... A-ano... kamusta?” tanong nito at kinakabahan pa. “Ayos lang. Ikaw ba? Hindi mo ‘ko dinadalaw sa kaharian. Oo nga pala may good news ako!” excited na sabi nito kay Thelia. Hindi alam ni Mysty paanong sasabihin kay Thelia bagaman hindi na rin naman ito iba sa kanya. Gano’n pa man ay tinuring na nyang kaibigan si Thelia kaya naman gusto nyang ito ang unang makaalam na nagdadalang tao sya. “A-ano ‘yon?” nauutal na tanong nya. “Buntis ako!” masayang sabi nito at do’n na tila nanghina si Thelia. “O

