MYSTY’S POV Makalipas ang isang naging maayos ang pamumuhay namin sa God and Goddess world. Hindi ko alam ma mas magiging masaya pala ako ngayon dahil sa nangyare. After ng wedding namin ni Al ay pinaayos namin ang magiging silid ng magiging anak namin kahit wala pa naman. Pero dahil excited kami ay inayos namin ang dalawa k’warto. Isa para sa babae at isa para sa lalake. “Sabi ko naman sa ‘yo na ayaw ko ng pink hindi ba?” angal ko sa kulay na nilagay nya para sa magiging babaeng anak namin dalawa. “Mas bagay ang pink sa babae, Babe.” Nakangusong sabi nya at saka ko pinitik ang noo nya. “Ano ba ‘yan. Mas maganda naman ang violet o kaya black! H’wag ang pink. Ito pa blue? Kingina, Al,” inis kong sabi habang tinuturo ang parehong k’warto. “Babe naman~ bato-bato pick na lang tayo pa

